FH; Chapter 25

35 11 0
                                    

Wyndy Leen's POV


Nakatingin ako sa magboyfriend sa tapat ng restaurant at mukhang nag aaway, maya maya naman ay biglang hinila ng lalaki yung babae palabas.

Nakatanaw ako mula dito sa Restaurant hanggang sa kanila parang may similar sa nangyari sa akin nung nabadtrip ako dun sa kadate ko at dumating si Nerd.

"Miss Maria Wyndy Leen Genovia, are you listening?" Tanong ni Ana.

Napaiwas ako ng tingin sa labas, puro si Nerd nanaman. Ano ba talagang meron? tsk. tumingin ako sa kanya.

"S-Sorry, ano yun?" Tanong ko.

Malamang tatanong ko kasi nga hindi nga ako nakikinig.

"Ano ba kasi yang iniisip mo ha? Ilang araw ka nang ganyan tapos kanina papunta pa lang tayo nakatulala kana" pagrereklamo ni Ana.

Hindi ko na alam ang nangyayari basta kapag napapatulala ako bigla bigla nalang papasok sa utak ko yung nerd na yun o kaya may makikita akong bagay na nagpapaalala sa kanya.

"Wala. Kumain nalang tayo" sabi ko.

Nagtingin na ako sa menu at pumipili ng pagkain ko. Sasabihin ko na sana kay Ana pero may biglabv tumawag.

"Ah! Ana, eto yung sakin. Ikaw na bahala sa iba sasagutin ko lang to" sabi ko.

Tinuro ko sa kanya yung pagkain na napili ko atsaka kinuha yung cellphone ko. napatitig ako nang makita ko kung sino ang tumatawag My Stylist ang nakalagay.

Flashback

Wyndy Leen's POV

My Stylist

Him: Mam, Yung dalawa po tapos na din

Me: Sge, Ipadala mo na sa bahay.

Him: Ngayon po mam?

Me: Hindi, Next year mo na ipadala kasi sabi ko ipadala mo na eh.

Him: Ah. Next year na po mam?

Me: Tanga ka ba? syemore ngayon. Goosh!

Him: Sabi niyo po m--

Me: Whatever.

Binaba ko na yung tawag.

Ang tanga talaga nun.

Lumabas nako ng CR at dumiretso nako ng table.

"Sinagot ko lang yung tawag ng Stylist ko dahil yu---" naatigil ako sa pag sasalita nung napatingin ako sa bestfriend siguro niyo.

Don't tell me siya yung bestfriend nito ni Ana?

"Ikaw!? Wait! siya ba yung bestfriend mo?" naiirita kong tanong.

Tinignan naman ako ni Ana

"Yes, He is Marcus by the way" sabi niya.

End of flashback

"MaLeen!" Tawag sakin ni Ana.

Napatingin ako sa kanya na nakapoker face.

"What? Kanina pa yan ring ng ring. Nakakaistorbo na tayo sa kumakain, hindi mobyan masasagot kahit titigan mo pa yan hanggang sa malusaw" sabi ni Ana.

Natauhan naman ako. kinuha ko ang cellphone at sinagot ito. Tumayo ako para pumuntang CR.

"Excuse me, kakausapin ko lang to. I'll be back" sabi ko.

Dumiretso na ako sa CR at kinausap ang stylist ko.

My Stylist

Him: Ma'am, gagawin ko na po ba agad yung damit na dinesign niyo or uunahin ko po yung gawa ko?

Me: Yung sayo na muna. Tatawagan mo ako para lang diyan alam mo namang nasa restaurant ako diba?

Him: Sorry po, Ma'am. Baka po kasi magalit kayo kapag hindi ko inuna eh.

Me: K. Fine.

Binaba ko na yung tawag at naglakad na ulit pabalik sa table namin at umupo.

"Oh? ano? Lumilipad pa din ba yang utak mo?" Tanong niya.

Tinarayan ko lang siya at di na sumagot dahil mawawala lang ako sa mood kapag pinatulan ko pang aasar nito

"Ano ba talagang problema ha?" Tanong niya sakin.

Sasabihin ko ba o hindi? Kapag kasi sinabi ko, mang aasar lang yan atsaka hindi naman big deal sakin yung mga nasa isip ko kapag hindi ko naman sinabi matitigil ba itong pag iisip ko ng ganito? Ang guloooo!

"Just some stuffs. Di mo na kailangan pang malaman" sabi ko.

I know nagsinungaling ako pero sasabihin ko ba ngayon o sasusunod na araw na lang? Aissh! Masyado pang magulo hindi ko na muna iisipin yang mga yan.

Si nerd talaga dapat sisihin dito eh. Bigla bigla nalang napasok sa utak ko.

"Okay, sabi mo eh" pagkibit balikat niya.

dumating na yung pagkain na binili namin. Nag pray na muna kami bago kumain.

"Oo nga pala, MaLeen. Diba sabi mo ipapadala ka ng papa mo sa Japan para sa mga dapat asikasuhin dun?" tanong ni Ana.

Out of nowhere. Bigla bigla niya nalang natanong.

"Yes, why? ayoko nga sana pero si mama na ang kumausap sakin kaya pumayag na ako" sabi ko.

Uminom muna siya ng tubig bago ulit ako kausapin.

"kailan naman yun? matagal ka ba dun? uuwi ka naman agad diba? ilang araw ka dun?" tanong niya.

Hindi pa nga nakakarating sa Japan, ang uwi agad ang tinatanong.

"Hmm, next day. sigro three days or four? I dunno. Dipa nga ako nakakapunta doon. Uwi na agad ang iniisip mo. Ewan ko sayo, Ana. Bakit ba andami mong tanong? kumain ka na nga lang." sabi ko sa kanya.

Mas mabuti na din palang dun muna ako para hindi ako naugulo nitong babaeng to. Naguguluhan pa ako sa mga nangyayari.

"eh kasi baka magtagal kaaa!" pagiging isip bata nanaman niya.

Sa ilang buwan ko na siyang nakakasama, ang pagiging isip bata niya pala ay paglalambing lang niya pero di pa din ako sanay.

"Hindi ako magtatagal. Wag kang OA, Ana" sabi ko.

uminom na ako ng tubig at nagpunas ng bibig ko. Tapos na akong kumain at si Ana nalang ang hindi.

"Pano nako? wala akong kasabay pumasok. Eh ilang araw ding wala si bestfriend kasi nandun kina Aira yun malamang" sabi niya.

seryoso akong napatingin sa kanya at kumunot ang noo. Aira? who is she? Is it Aira Maddona?

"Wait. Who's Aira?" tanong ko.

Napangiti naman siya sakin ng nakakaloko. Wrong move, Ana. Wrong move.

"Uyy, nagseselos ka no? haha. bakit? kailan ka pa nagkaroon ng pake kay marcus? yiee. And sa tanong mo pala si Aira Maddona yun" pang aasar niya sakin.

Tinarayan ko siya. See? paanong hindi rin papasok sa utak ko yang letcheng nerd na yan eh. Puro din to bestfriend si Ana.

"Pwede ba!? porket tinanong kung sino yung Aira may pake na ako dun sa bestfriend mo? hindi ba pwedeng familiar lang yung name ng babae?" naiinis kong tanong.

Aira Maddona? Bakit kilala niya? siya ba yung kaibigan ng kasama ni Nerd na mga babae? ugh. Nerd nanaman -____-

"Okay, easy haha. di ka na nainis ng buong araw" sabi niya.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon