Wyndy Leen's POV
"Ma'am? kayo po ba si Ms. Genovia?" tanong sakin nung lalaki.
Lumapit siya sakin habang naglalakad ako sa loob ng airport.
"Yes" tipid kong sagot at agad naman nilang kinuha yung gamit ko.
Sinundan ko lang sila kung saan sila pumupunta.
"Ma'am, kami po pala yung mga bodyguards ng daddy niyo" sabi niya.
May balak pa ata akong daldalin nitong mga bodyguards ng tatay ko daw tsk.
"I don't care. So, shut up" sabi ko.
Feeling close kaso hindi ko naman kinakausapat tinatanong.
"Sorry po, mam" sabi niya sakin.
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Hindi na ako nagsalita at pumasok na, kinuha ko na yung neck pillow ko sa likod ng inuupuan ko.
Ginamit ko yung neck pillow ko para matulog habang nagdadrive pa sila papuntang bahay namin dito sa Japan. Ilang hours pa naman bago kami makarating dahil ang layo ng airport nila dito sa bahay namin dito.
Marcus Jasper's POV
"Marcuuuus, pwedeng sumama ka muna sakin? please? wala kasi si MaLeen eh!" tanong sakin ni Ana.
Wala? saan pumunta? kaya pala hindi ko nakikiya dito sa campus.
Humarap ako sa mga kasama ko kasi naglalakad na kami papuntang canteen pero bigla akong nilapitan ni Ashley.
"U-Uhmm, pwe-pwede ko bang samahan ko muna si Ashley?" tanong ko.
Nakakahiyang sabihin ito dahil kasama ko na sila tapos bigla akong aatras.
"Sge, go lang. Wala naman pala siyang kasama eh. Next time nalang" sabi ni Aira.
Nginitian ko siya at tumingin sa iba pa niyang kasama na kaibigan ko na din.
"thank you, next time nalang" sabi ko.
"Wala yun, bro. Sge una na kami" sabi ni Spade.
Biglang sulpot ni Spade. Late nanaman siya haha. Wala na talagang bago sa kanya. Palagi na talaga siyang late sa usapan. mag iisang buwan ko na din silang kasama dito.
"Late ka nanaman sa usapan, spade" sabi ni lei.
Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni lei. Minsan nga lang kasi yan magsalita.
"Sge una na kami" sabi ko.
tumango naman sila at naglakad na kami papalayo.
"Uhm, ash? can I ask you something?" tanong ko.
may pasok pero umalis? sabagay lola niya naman principal eh.
"Ano yun?" tanong niya.
Tatanong ko pa ba? ano nga palang pake ko? aish. Confused lang talaga ako.
"S-Saan pumunta si Wyndy?" tanong ko sa kanya.
Napatigil naman siya sa paglalakad kaya pati ako napatigil din at tumigin sakin ng diretso.
"Teka nga. Kayo bang dalawa ni MaLeen ay may something?" seryosong tanong niya.
Anong ibig sabihin nito? anong something pinagsasabi nito?
"Anong something? tinanong ko lang kung saan pumunta may something na?" tanong ko.
Seryoso pa din siyang nakatingin sakin at hindi tumatawa.
"kasi si MaLe-- ayy wala" sabi niya
Naglakad na ulit siya na parang wala akong tinatanong.
"Saan nga nagpunta?" tanong ko.
"sa Japan, okay?" tanong niya ng hindi tumitingin.
Wyndy Leen's POV
"mam? nandito na po tayo sa bahay niyo" paggising sakin ng yaya ni dad.
Tumingin ako sa paligid. Wala pa ding pinagbago ganun padin ang itsura niya.
"Yung gamit ko ba naipasok na?" tanong ko.
Tumango naman yung yaya ni dad. Dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga. tatlong araw lang naman pala ako dito at bukas pa daw ako pupuntang company na pinagagawa daw sakin ng tatay ko kaa pumikit na ako hanggang makatulog ako.
Next Morning~~~
"nasan na yung pancakes ko? di ba sabi ko kapag tapos kong maligo nakalatag na dito?" naiinis kong sabi.
Bigla namang lumabas yung yaya dito at nilabas yung pancakes ko sa lamesa.
"Sorry po, mam. Hindi kopo nailagay lahat kasi lahat po sila may ginagawa at naghuhugas po ako kaya hindi ko po nailagay agad" sabi ng yaya.
umupo na ako sa pagkain ko at kumain na. Lahat ng yaya dito ay pilipino. Mga pilipino ang kinuha ni dad dahil wala siyang tiwala sa iba.
"Whatever. Paki sabi sa driver iready na yung sasakyan aalis na kami uubusin ko lang ito" sabi ko.
Sumunod naman agad siya at lumabas na ng bahay. pagkatapos ko kumain ay pupunta na ako sa company para asikasuhin ang lahat ara bukas ay makauwi na agad ako bukas.
"Mam, nasa labas na po yung driver" sabi sakin ni yaya.
Tuayona ako at kinuha ang bag ko para lumabas na. Naglalakad na ako papuntang sasakyan. Pinagbuksan naman ako ng driver kaya pumasokna ako sa loob 'pagkasara niya ng pinto ay pumasok na din siya sa driver's seat.
"Good morning, mam" pagbati niya sakin.
Tinignan ko lang siya at hindi na pinansin. naglagay ako ng earphone sa kabila kong tenga at nagmusic. ilang minutes lang naman ay nandun na din kami.
Ang gaganda ng tanawin dito kaya doon din napiling pwesto ni dad para kapag umuwi siya galing trabaho ay nakakapagrelax siya at nakakapagtingin tingin ng views habang nasa biyahe.
Maya maya naman ay nandito na kami sa office namin at pumasok na ako sa loob. Habang nag laaakad ako ay may bumabati sa akin sa daan.
"Ohayōgozaimasu" bati sakin ng secretary ko daw ngayon. (magandang umaga daw sakin)
Hindi ko siya pinansin at umupo nasa upuan ko.
" Watashi wa ima suru tsumoridesu ka?" tanong ko. (tinanong ko siya kung anong gagawin ko)
May kinuha siyang mga papel at inilagay sa table ko.
" Ato ni, kore o shomei shimasu, anata ga kaigi o motte imasu" sabi niya sakin (pipirmahan ko daw yung mga papel at mamaya may meeting kami)
Nagsisimula na akong mag pirma ng mga papel dito sa table ko.
" Anata wa ima iku kamo shiremasen" sabi ko (ibig sabihin ay pwede na siyang umalis)
Lumabas na naman siya at tinuloy ang pagpipirma ko. Ilang oras din ang naubos kong oras sa pagpipirma ng mga papeles. May kumatok pagtapos ko pumirma.
"Haitte kimasu" sabi ko. (come in sabi ko)
Pumasok naman siya at lumapit sa akin. Umupo siya sa tapat ng table ko.
"Anata wa ima, kaigijitsu ni ikanakereba nara" sabi niya (sabi niya ay oras na para makipag meeting ako.
Tumayo na ako at sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Twisted
Fanfiction"I am still non-existent to you" Genovia University Same School Same Section Paano kung isang araw ay pagtagpuin sila ng tadhana?