FH; Chapter 38

53 11 0
                                    

Marcus Jasper's POV

"Ano, kuya? aalis na po ba tayo?" tanong sa akin ni Jarrel.

Nakabihis na kasi kami at nakapag impake na ng gagamitin namin sa resort nila tita. Three days din yun.

"Hindi ko pa nga nakokontak si Wyndy eh" sabi ko.

Pangatlong tawag ko na pero hindi pa din siya sumasagot. Hindi ko pa alam kung matutuloy siyang sasama sa amin sa resort ni tita.

"Bakit? ayaw na ba sumama?" tanong sakin ni papa.

Nung pang lima tawag ko sa kanya sinagot na niya kaya tinignan ko si papa at sumenyas na sinagot na yung tawag ko.

Wyndy: Kakagising ko lang, nakatulog ako dahil may bwisit na dumating.

Nakatulog pala ito kaya hindi nasasagot ang mga tawag ko eh.

Me: A-Ah. Ganun ba? lalaki ba yung bwisit? sino? wala ba diyan si Ash?

Baka sabihin niyo nagseselos ako ah? hindi kaya. hindi talaga, tinatanong ko lang kung sino yung bumisita sa kanya ayun lang yun.

Wyndy: Oo, Hindi, Nanay ko, wala kanina pa umalis. Teka nga, bat andami mo bang tanong ha?

Akala ko naman ay kung sino, nanay niya ang pala. bakit naman bwisit? may problema kaya sila?

Me: ay sorry pero last na hehe. Bakit bwisit ang nanay mo?

Concern lang naman ako eh baka mamaya may problema na io di lang sinasabi kay Ashley.

Wyndy: Mamaya na ang pagpapaliwanag. Mahaba haba din yun. Wag muna ngayon nabibwisit ako. Okay? nakaimpake na ako kanina pa. kayo ba susundo sa akin o ako lang pupunta mag isa?

Okay, maldita mode on nanaman si Wyndy. Okay na nga kanina yung mood niya eh. Mahirap talaga kapag bipolar kausap mo butinalang at sanay na ako kay Ash.

Me: Ah, pupunta kami diyan para sunduin ka. nagdala si Ashley ng van kaya magkakasama tayo sa iisang sasakyan atsaka hindi ko hahayaang ikaw lang mag isa pumuta dun.

hindi kona alam kung saan pa ako nakakakuha ng lakas para sabihin sa kanya lahat ng iyon. Kumakapal na ata mukha ko at hindi na ako nagiging mahiyain sa harap niya.

Wyndy: Stop being so cheesy, Jasper. di bagay sayo. hintayin ko nalang kayo dito bye.

Sabi niya sabay baba ng phone. Hindi talaga ito sanay maghintay ng isasagaot bago ibaba eh.

Pumunta na ulit ako sa loob ng bahay para kausapin sila papa nang makapunta na sa bahay nila Wyndy dahil hindi yun sanay na naghihintay.

"Uhm, pa? kailangan na po natin umalis kasi dadaanan pa po natin si Wyndy" sabi ko.

Kinuha ko na yung bag ko at isinukbit yung bag ko sa balikat ko.

"Binata na talaga ang panganay ko. Susuportahan kita sa lahat ng gagawin mo, anak. Alam kong bago pa lang lahat ng ito sayo dahil wala kang alam kundi ang manahimik sa isang tabi" sabi sa akin ni papa.

Tumawa naman sila mama sa sinabi ni papa at lumapit silang lahat kay papa.

"Hay nako, pa. Sinabi mo pa. Wala na ang baby boy ko, mangliligaw na. Siya ba yung tumulong sa akin para maipatherapy ako, anak?" tanong sa akin ni mama.

Hindi pa din pala nila nakakalimutan ang mga nagawang tulong ni Wyndy kahit ilang buwan na ang nakakalipas.

"Opo, ma. sa katunayan nga po ikaw pa lang ang natutulungan niya eh" sabi ko.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon