Still Wyndy Leen's POV
Oras ang nakalipas ni isang tao man lang na dumaan dito wala pa rin -_______-
"Gawan mo nga ng paraan yan na pintong yan kung pwedeng sirain. Sirain mo na" sabi kong naiinis.
Umupo nalang ulit ako sa inupuan ko pero itong si nerd di pa din gumagawa ng paraan.
"Hoy! Diba sabi ko gawan mo ng paraan? hindi yung nakatulala ka dyan tch" sabi ko.
Tatanga tanga talaga to.
"Wag na mamaya na" sabi ni nerd ng seryoso.
Anong gusto nito!? aghanggang gabi kami? tch.
"Anong gagawin mo? tutunganga dito?" tanong ko ng nakakunot na noo.
Pero nawala yung kunot ng noo ko nung nakita kong seryoso at parang hindi siya na nerd yung nakakausap ko ngayon.
"Hindi" tipid na sagot ni nerd.
Nagcrossed arms ako at sumandal dito sa upuan na inuupuan ko.
"Anong problema mo? di bagay sayo malungkot. Nagmumukha kang panget lalo" sabi ko.
Tumigin siya sakin as in eye to eye. Seryosong seryoso siyang nakatingin sakin at parang may weird na di ko alam kung ano.
"Okay lang. Ikaw ba naman may dalang malaking problema hindi ka ba malulungkot? Ewan. Ayoko lang umalis dito, ayoko pa. Ikaw ba? gusto mo ng umalis? teka sisirain ko nalang itong pintopara makaalis kana" sabi niya.
Tatayo na sana siya para pumunta sa pintuan at sirain.
"Wag!" sabi ko.
Tumingin naman siya sakin at umupo ulit sa tapat ko.
"Bakit? wag mong sasabihing naaawa ka sakin. Wag mo akong kakaawaan" sabi niya.
Habang kausap ko siya para siyang ibang tao, para siyang hindi si nerd. Ibang iba sa pagiging nerd niya.
"Hindi kita kinakaawan. Tch. Di ba pwedeng itatanong lang kung anong problema mo?" sabi ko at taray sa kanya.
Kumunot naman yung noo niya sa sinabi ko pero seryoso pa din siya.
"Bakit? may pake ka ba? samin? samin na ibang tao?" tanong niya.
Nasaktan ako sa sinabi niya. Tumayo nalang ako at nag ikot para maghanap ng mabigat na bagay na pwede ipalo sa pinto.
May nakita naman akong kahoy, kinuha ko yun at pumunta sa harap ng pinto.
"Anong gagawin mo diyan?" tanong niya.
Ngayon magtatanog tanong siya. Tch.
"Wala kang pake." sabi ko.
Pinalo ko na sa pinto yung kahoy pero hindi ata kakayanin ng kahoy yung pinto para masira kaya inulit ulit ko, papaluin kona sana ulit yung pinto pero nagsalita siya.
"Wait. Sorry sa nasabi ko" sabi niya.
Tumingin ako sa kanya at tinarayan siya tch. Ngayon mag sosorry sorry siya. Papaluin ko na sana ulit yung pinto.
"Yung nanay ko. May Cancer, wala kang pang opera. Yun ang prinoproblema ko kung saan ako kukuha ng pera, nahihirapan akong tingnan si mama ng may sakit na ganun. Nahihirapan akong tingnan siya ng naaalala ko na may cancer siya" tuloy tuloy niyang pagkwekwento.
BINABASA MO ANG
Twisted
Fanfiction"I am still non-existent to you" Genovia University Same School Same Section Paano kung isang araw ay pagtagpuin sila ng tadhana?