FH; Chapter 10

69 14 5
                                    

Marcus Jasper's POV

"Marcuuuuuuus! Dali na. Bati na tayo, pleaaaaaaase?" pangungulit ni Ashley.

Alam kong dapat hindi ako nag aasal ng ganito dahil lalaki ako at hindi babae.

"Anong bati? pagkatapos mong hindi pumunta. Ganun ganun nalang yun?" pagtatampo ko sa kanya.

Masisisi niyo ba ko?

Siya lang nag iisang kaibigan ko at bestfriend tapos hndi pa pumunta ng birthday ko, siya na nga lang inaasahan kong dadating pero wala eh.

Walang dumating.

"Waaaaah! please, please, pleaaaaase? babawi ako. PROMISE!" sabi niya kasabayng pagtaas ng kanan niyang kamay.

Promises are meant to be broken.

Ako rin naman may kasalanan nito, pinipilit ko rin naman siyang makipag kaibigan bukod sakin.

Hindi naman ganun yung ibig kong sabihin eh.

Hindi ganun na kakalimutan niya ako, kakalimutan niya yung special day ko.

"Promise? may natutupad ba sa mga yun? may nakakatupad ba sa nagsasabi nun?" kunwaring curious pa ako sa PROMISE niya.

Konti nalang talaga bibigay na ako sa pagpapacute nito eh.

Konti nalang talaga, ang hirap talaga tiisin nito.

"Oo! Tayo! di ba kapag nagpapromise tayo sa isa't isa tinutupad natin?" tanong niya.

Yeah, totoo yun. Ganun kami pero ewan ko. Hays.

Bakit ang hirap mong tiisin?

Bakit ang hirap mong iwasan?

Bakit kahit isang beses magtampo naman ako sayo?

Bakit hindi ko magawang tiisin ka?

"Tayo? Ako? Ikaw? Ano ba yung promise mo sa akin noon?" tanong ko.

Wag niyang sabihin na pati iyon ay nakalimutan niya.

"Sorry na kasiii! Alin ba doon? marami yun ah?" tanong niya.

Sabi na eh. Sabi na hindi na naalala.

"Eto ah? kekwento ko tch!" naiinis kong sagot.

Flashback

Third person's POV

"Ashley, pumasok ka na dito! magboblow na ng candle si Marcus!" sigaw ng mama ni Marcus.

Tumayo naman sa pagkakaupo si Ashley at tumakbo papasok.

"Marcuuuuus! Happy Birthday uliiit! Eto na regalo ko" bigay ng batang babae kay marcus na si Ashley.

Inabot naman ni Marcus yung bigay sa kanya.

"Okay, mga bata! time to blow the candle na. Marcus when I count One to three, blow your candle. Okay?" pag papaliwanag ng mama ni Marcus.

Tumango tango naman si Marcus.

"In One Two Three! *blow the candle* HAPPY BIRTHDAY MARCUS!" sigaw ng mga bisita ni Marcus.

Nag alisan na lahat ng mga bata na nakapalibot kina Ashley at Marcus.

"Marcus, Hinding hindi ko makakalimutan yung anraw ng birthday mo kasi Bestfriend tayo" sabi ng batang Ashley.

Napangiti naman si Marcus sa narinig niya.

"Talaga, Ash? PROMISE?" tanong ng batang si Marcus habang nakataas ang kanang kamay.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon