Together

39 2 1
                                    


Chapter 23


Pagdating namin sa lugar na pinanggalingan ng pagsabog ay nakita namin si Mr.  Manyak na parang na babaliw na.


" What's the meaning of this  Robbin?" tanong ni Mr. Antipatiko kay Mr. Manyak.

" Simula noong magsimula itong apocalypse na ito at dumating ang mga zombie na yan nagbago ka na. Lahat kayo ay nagbago na! Akala nyo kung sino kayong magaling at matatalino! Masyado kayong mapagmata sa iba! Wala kayong ibang inaalala kundi ang mga sarili nyo!" sabi nya habang tinuturo - turo ang grupo ni mr. Antipatiko.

" Alam mo Robbin pede naman natin tong pagusapan ng matino eh. Ngayun ibaba mo na yang granada at paguusapan natin to." sabi noong Hayden

" Ano ako tanga?! Bakit naman ako maniniwala sa inyo ? You know what all of us should just die! Mamamatay rin naman tayo eh! Kakainin din naman tayo ng mga yun eh!"


Aba eh aning pala ang isang to! Kung gusto nyang mamatay sya na lang wag nya kaming idamay! Aba kahit ganto ako eh mahal ko pa ang buhay ko!


" Ikaw Jazz akala mo kung sino kang leader ng isang bansa pero noon namang napasok pa tayo isa ka lamang mahinang magaaral na lagi naming pinagtitripan!" sigaw ni Mr. Manyak na parang lasing na hindi maintindihan. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung lasing sya o talagang aning lang.

" totoo yan naging leader lang ng isang hukbo akala mo ay sya na ang may ari ng buong mundo" Bulong ko pero narinig at ng isang ito kaya naman tiningnan nya ako ng masama. Ako naman ay inirapan lang sya at tumingin na ulit kay Mr. Manyak.


" At ikaw  Ishajohn isa ka lang naman noong playboy na walang alam kundi ang ikama ang mga babae tapos ngayun kung umasta ka parang may pakialam ka talaga sa kanila ah!  Aminin mo gusto mo naman talagang ikama ang mga babae yan tama! HAhahahahhaha" sabi nya at tumawang parang nababaliw na tao.


Tiningnan ko si Kuyang rich kid at nakita ko syang nakaclench fistna parang gustong sudurin si Mr. Manyak pero hinawakan ni Umi yung braso nya para pakalamahin.

Hmmm I smell something fishy going on here.


Magsasalita pa sana sya ng biglang maysumipa sa kanya mula sa likod.


Kaya pala kanina pa na wawala ang isang ito maybinabalak palang hindi gaano kaganda.


At tulad nga ng inaasahan tumalsik si Mr. Manyak ng medyo malayo at agad naman tumakbo si Umi para kunin yung granada dahil na bitawan ito ni Mr. Manyak noong sinipa sya ni Rosie.


Hindi ko na malayan na tumakbo na pala si Mr. Antipatiko at kuyang Rich kid papunta doon kay Mr. Manyak pero bago pa man sila makarating ay biglang tumayo si Mr. Manyak na tumamawa habang hawak - hawak ang isang device tas binuksan nya ang damit nya at tumambad samin ang payatot nyang katawan. Charot! Joke lang. totoo nga lang ay may tabs sya este abs, anim yunbilang ko yun! binilang ko kasi kanina eh buti nga hindi ako naglaway.

but any way may bomba sya sa katawan nya at tawa sya ng tawa na parang wala nang tomorrow.


" Sige lumapit kayo! Lumapit kayo at papasabugin ko ito!" sigaw nya


Tumingin ako kay Ace at nakita kong hindi nya alam ang gaagwin.

The Zombie AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon