Hospital ( part 2 )

25 2 2
                                    


Chapter 27

" Sino kayo?"

tanong samin ng mga lalaking nagtutok samin ng mga baril kaya nagkatinginan kami ni Ishajonh.

" Tinatanong ko kung sino kayo?!" sigaw noong lalaki.

" Ako nga pala si Ishajonh at itong kasama ko ay si Umi tumatakas kami sa mga zombies na humahabol samin sa labas at dahil ito ang pinakamalapit ay dito kami kaagad tumakbo." Paliwanag sa kanila ni Ishajonh.

" Ibaba nyo ang mga sandata nyo ngayun din!" sabi noong lalaki.

Nagkatinginnan kami ni Ishajonh sa sinabi noong lalaki. Mahirap ito hindi namin alam kung anong meron dito sa hospital na ito. Kung mawawalan kami ng sadata ay magiging malaking disadvantage yun saming dalawa. Malay namin kung meron na palang nakagat  dito sa kanila ng hindi nila namamalayan edi patay kagad kami. Hindi mana pedeng makipagmano mano kami sa mga zombie dahil baka hindi pa tumatama ang sipa o suntok namin ang makain na nila agad kami.

" Ano ba! Ibaba nyo!" sabi noong lalaking kanina pa utos ngutos samin na muka naman eye bugs na tinubuan ng muka.

Tiningnan ko si Ishajonh at nakita kong nakatingin din sya sakin. Tumango sya bilang sign at sabay naming binitawan ang parehas naming sandata.

" Kapkapan nag dalawang yan!" sigaw na naman ulit noong eye bugs este lalaki pala.

Kinapkapan nila kami kung may sandata pa siguro kami, at siguro na rin para makasigurado na wala nasugatan saming dalawa.

" Tingnan nyo may sugat ang isang to!" sigaw ng isa sa kanilang mukang zebra.

Agad akong napatakbo kay Ishajonh at tiningnan ang sinasabing sugat. pagpunta ko doon ay agad kong tiningnan ang sugat na sinasabi nila.

Salamat naman at galos lang to. Siguradong nasabit lang sya sa isang kawad o kung ano mang matilos noong natakbo kami.

Nagulat ako noong bigla nila kaming tutukan ng mga baril sa ulo. 

"Umalis kayo sa lugar na to! Hindi ako makakapayag na manatili dito ang isang  infected!" Sabi noong isang lalaking mukang aso.

" Hindi sya infected! Siguro ay nadali lang sya sa isang kawad o - "

" Hindi ako susugal sa isang siguro!" sabi ulit noong aso este lalaki. 

Tsk masama to halata sa kanila na nababalot na sila na matinding takot na nag cau - cause sa kanilang magpanic at maging irrational sa decision making nila. Mahirap paliwanagan ang isang taong nabibingi sa takot. Ano kayang gagawin ko? Siguradong lalapain kami ng zombies sa labas at ito na lang naman ang pinakamalapit na pede naming pagtaguan.

" Please wag nyo kaming palabasin. Kung talagang infected ang kasama ko ay itali na lang natin sya sa isang kwarto at ikulong for 24 hours at kung magt- turn sya ay ako mismo ang papatay sa kanya."

"Pano namin malalaman na gagawin mo talaga yun at hindi mo kami niloloko at kunin lang ang mga suplies namin para sa sarili nyo?" sabi ng isang babae na kararating lang.

" Pangako hinding hindi ko gagawin yun! You have my word! At kung talagang hindi pa rin kayo naniniwala then if you feel that I will do something bad kill me then!" Seryosong sabi ko sa kanila.


Sa totoo lang hindi ko talaga pinagisipan ang sinabi kong yun. Pedeng pede nila ako patayin na wala naman talaga  akong ginagawa o kahit na isang maling kilos ko lang ay hindi nila ako pagdadalwang isiping patayin.


" Sige papayagan ko kayong tumuloy sa lugar na to pero sa oras na may gawin kayong kakaiba ay hindi kami magdadalwang isip na patayin kayo!" Sabi noong babaeng kakadating lang.

The Zombie AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon