Chapter 25
Nandito ako ngayun sa hall at naglalakad paputa sa dinning room para na rin kumain ng umagahan pero hind pa ako nakakarating doon ay rinig ko na kagad ang iba't - ibang ilangay.
Lumakad ako papasok at nakita ko si Mr. rich kid na nakikipagtalo kay Umi, si Mr. Antipatiko na kumakain ng tinapay, si Rosie naman ay nakikipagtalo na naman kay Tito Peter habang yung Hayden at Delion naman ay kinakausap si Dad at si Tito Loki.
" Oh Ann gising ka na pala " pansin sakin ni mom kaya naman napatingin sakin yung iba.
" Morning." sabi ko at sumagot naman sila pwera lang kay Mr. Antipatiko. "Si Ace at Zalora pala?" tanong ko habang papalapit sa lamesa para kumuha ng makakaing tinapay.
" Nandoon sa quadrangle nagbibigay ng umagahan sa iba" sago ni dad sakin.
It's been 5 weeks since noong dumating dito sina Mr. Antipatiko at sa loob ng panahong yun ay mas maging malapit ang dalawa at pakonti - konti ay gumagaling na rin si Zalora pero dahil nga sa mahina ang risistensya nya ay lagi sya minomonitor. Ang mga tao naman na dinala dito ay okay na rin mas malusog na sila at mas nakakakuha ng nutrisyon na kailangan nila.
" Dad aalis nga pala ako mamaya" sabi ko sakanila
" At saan ka naman pupunta? Alam mo namang mapanganib sa labas."
" May gusto lang akong puntahan " plain na sabi ko sa kanila.
Napabuntong hininga si dad dahil doon sa sinabi ko.
" Okay pero hindi ka aalis ng walang kasama" sabi nya sakin
" Okay " sabi ko at tumingin kay Rosie
" Sorry Ann tutulong ako mamaya kay dad eh" sabi nya kaya tumingin ako kay Umi
" Syensya na tuturuan ako ni Dad mamaya " sabi nya sakin at tumango naman ako.
Sino kayang pede kong makasama?
" Sasamahan kita" sabi bigla ng isang taong hindi ko inaasahan
" Talaga?" tanong ko
Hindi na lang sya sumagot at kumain na lang ulit.
Nagpunta ako sa kwarto ko at nagbihis, syempre dinala ko rin ang mga swords ko at ilan pang kagamitan pero yung iba ay nilagay ko na lang sa relos ko.
Pumunta ako sa garahe at sumakay sa motor ko. tumingin ako sa kasama ko at nakasakay na rin sya sa motor nya.
Mabilis na pinaandar ko ang aking motor at pumunta sa isang dating bahay ampunan. Pinarada ko ang aking motor at bumaba na. Sumunod sakin papasok sa loob ng bahy ampunan ang kasama ko at hinayaan ko lang sya.
Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta dito ah; dito kasi ang dating laruan natim nina Rosie at dito rin kami madalas pumunta noong ni Nathan, alam nya kasing importante sakin ang lugar na ito eh.
Hindi nagsasalita ang kasama ko at ganun din naman ako, ewan ko ba siguro ay wala lang talaga ako ngayun sa mood. Pumasok ako sa isang kwarto doon at nakakita ako ng ilang batang zombies at mukang napansin nila rin kami kaya naman agad silang sumugod samin.
Kilala ko ang mga batang to, ka - close ko sila dati nakakalungkot na ganto na sila ngayun.
Huminga ako ng malalim at isa - isa silang pinugutan ng ulo. Gook luck na lang kung mabubuhay pa sila.
Oo masakit sakin na patayin sila pero anong choice ko? Alangan namang magpakain ako sa kanila diba? Naglakad - lakad pa ako ng makarinig ako ng malakas na pagbagsak ng isang bagay at pagsigaw.
NAgkatinginan kami ni Mr. Antipatiko, oo sya ang kasama ko ngayun, tas sabay kaming tumakbo papunta kung nasaan ang sigaw.
Nakita ko ang ilang bata na nagkumpulan sa isang sulok tas pinuprotektahan sila ni sister Aurora at may isang zombie na papalapit sa kanila, sa aking palagay at lalaki ito dahil sa nakapanglalaking damit ito. Alangan ano nakapagbabae tas lalaki edi bakla yun hindi lalaki, charot! Ito naman ako eh na sasaniban na naman.
" Hoy panget ! Wag mong bulihin yang mga batang yan ako ang harapin mo.!" Sigaw ko doon sa zombie at nakita ko namang magliwanag ang muka nina sister Aurora.
Tiningnan ko si Mr. Antipatikong puntahan sina sister Aurora at mukang nagets naman nya dahil sa tumango sya sakin.
Noong lumapit na si Mr. Antipatiks sa mga bata ay tyaka ko lang napansin na sumugod na pala ang zombie kanina kaya naman through reflexes ko ay na sangga ko sya gamit ang swords ko.
Lking gulat ko noong makita ko kung anong itsura noong zombie. Feeling ko ay tumigil ang pagikot ng muno at pagtibok ng puso ko.
" N - Nate?"
Hindi ko alam na magkikita pa kami at sa ganitong pagkakataon pa, pero anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito?
Sunod - sunod ang pagatake nya sakin but I couldn't help myself to hurt him even ... even if alam kong sinaktan nya ako noon at zombie na sya ngayun.
" Fvck ano pang hinihintay mo?! Tapusin mo na sya!" Sabi ni Mr. ANtipatiko pero hindi ko magawa; I killed so much of them but I can't kill this one. Sinasabi ng utak kong patayin sya pero hindi ko magawa, ayaw sumunod ng kamay ko sa utak ko.
Hindi ko alam na meron palang laruan sa likuran ko kaya naman napaupo ako. Kakainin na sana ako ni Nate pero bigla na lang akong nakaramdam ng mainit na likido sa muka ko, doon ko lang na realize na pinugutan na pala ni Mr. Antipatiko ng ulo si Nate.
" Ano bang prob- " Hindi nya natuloy ang pagsigaw nya at may naramdaman na langa akong mainit na likido sa aking pisnge.
" Bakit ka na iyak?" tanong nya
Hinawakan ko to at doon ko lang na realize na naiyak na pala ako tulad ng sinabi ni Mr. Antipatiko.
" Papunta na raw dito sina Ishajohn "sabi nya pero nakatulala pa rin ako sa kawalan.
Umupo sya sa tabi ko at hindi nagsalita; hindi ko alam kung nasaan sina sister at ang mga bata at hindi ko rin magawang itanong kung nasaan sila para bang na blank ang utak ko.
Mga ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng mailit na bumabalot sakin.
" ayos lang kungumiyak ka sakin. Pagbibigyan kita pero ngayun lang" sabi nya at hindi ko napigi; na umiyak sa kanya habang yakap - yakap nya ako.
" Hindi ko alam, ang akala ko nakamove on na ako sa kanya. Akala ko hindi ko na sya mahal , akala ko malakas na ako sa laat ng zombies na napatay ko pero that time isang malaking sampal sakin ang nangyari. I'm still that weak girl who can't even tell the difference of truth and lies , real or not." sabi ko habang naiyak
" That time sabi ko I need to kill him but ayaw gumalaw ng kamay ko, ayaw sumuno ng katawan ko sa utak ko. Then it hit me, I miss him, I still love him" mas niyakap ko sya at ganon din ang ginawa nya habang ninabrush ang aking buhok.
mga ilang sandali pa ng pagkiyak ay tumigil din ako, kahit papano ay gumaan din ang aking pakiramdam.
" Salamat Jazz" sabi ko sa kanya at ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at hinalikan ko sya sa lips.
BINABASA MO ANG
The Zombie Attack
Science Fiction3 Ordinary Girl named Rosie, Umi and Ann found themselves in the middle of the zombie apocalypse with their families and friends. Can they be able to over come the challenges they will face? Can they find out the start of the apocalypse? Can they...