Chapter 29
Agad kong kinalagan si Ishajonh noong marinig namin ang malakas na sigaw. Dali dali ko syang tinulungan makatayo at agad kaming tumakbo sa pinangalingan ng malakas na sigaw. Pagkarating na pagkarating namin doon ay nakita namin si Alex, isa sa babaeng kasama namin dito. Agad ko syang tinulungan sa pagkakaupo nya sa sahig pero ganon na lang ang gulat ko noong makita ko kung gano sya katakot na takot.
" Alex, anong problema?" tanong ko sa kanya at noong tumi9ngin sya sakin ay hindi sya makapagsalita.
" huminahon ka lang Alex. Anong problema." rinig kong sabi ng isang babaeng boses. Agad ko itong tingnan at nakita ko si Minerva. Kailan sila nakarating dito?
Hindi nagawang magsalita ni Alex at tinuro na lang nya ang direksyon ng nakaawang na pinto. agad akong tumayo a habang ang mga kasamahan naman ni Minerva kasama si Ishajonh ay nagsimula nang maglakad papasok sa loob ng kwarto. sinundan ko sila ngunit hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay nakarinig kami ng isang malakas na sigaw mula sa loob.
Agad na nanaas ang mga balahibo ko sa katawan, alam kong hindi ungol o sigaw ng tao ang narinig namin. Agad kong hinanda ang sandata ko at ganon din ang mga kasama ko, binigay ko na rin kay Ishajonh ang sandata nya noong papuunta kami dito kaya hindi ko na kailangan pang magalala.
Dahan dahan kaming papasok sana sa loob pero agad kaming natigilan noong makita naming maypapalabas mula sa loob. Lumayo kami ng konti mula dito at doon lumabas ang isang lalaki na may hawak hawak na bata.
" Tingnan nyo, sinilang na ang anak ko." sabi nya habang hawak hawak ang isang telang ina- assume ko na isang bata.
" ganon ba, patingin nga ng anak mo" sabi ni Ed, isa sa kasama namin na mukang zebra. Hindi man nya sabihin pero basa ko sa tono ni Ed na kinakabahan sya sa itsura ng muka noong lalaki. Lumapit ito kay Ed ng may kalayuan sa pinto at ang mga kasama namin ay sumunod sa kanya. Ngayun ko lang na realized simula noong mapadpad kami dito ni Ishajonh kahapon ay hindi ko pa sya nakikita man lang.
Dahil sa wala akong interest sa bata ay sinilip ko ang loob noong kwarto, dahil sa kadiliman ay dahan dahan akong punasok at ganon na lang ang gulat ko noong biglang may dumamba sakin. dahil sa gulat ay isang sigaw ang kumawala sa bibig ko habang nilalabanan ang nilalang na ito sa ibabaw ko.
Malakas sya at malamig ang katawan nya, may mangsang din syang amoy na parang isang basura o nabubulok na bagay, at ang kayang balat ay saksakan ng lamig na para bang isa itong yelo. isang nilalang lang ang alam kong ganto, pero pano sila naka pasok sa loob ng hindi namin na hahalata o sadyang nandito na ito bago pa lang kami nakarating dito.
Hinawa bigla nito ang aking braso at ganon na lang ang takot ko noong pawang kakagatin nya ito. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nanginginig sa takot ang tawan ko.
Lord please please please, tulungan nyo po ako. Dasal ko habang ramdam ko ang nagtutubig ng mata ko.
Ilang inches na lang ang labi nga sa pulso ko at talaga namang naiiyak na ako, pero pinipilit ko pa ring labanan sya kahin na ubod sya ng lakas. Makakgat na sana nya ako ng bigla na lang na tumalsik ito palayo.
" tara na !" sigaw ng isang boses at nakita kong agad na tumayo ulit ang nilalang at bago pa man ako nito muling maabot ay may humila na sakin kahit na hindi pa ako nakakatayo.
Ilang inches na lang ang layo sakin ng kamay ng nilalang noong bigla itong tumigil. Hindi ko magawang gumalaw o kumurap man lang, dahil sa takot. nagpupumilit pa ring makawala ng nilalang pero may taling pumipigil dito.
" Bitiwan nyo ako!" rinig kong sigaw mula sa gilid ko dahil para unti unti akong mapatingin dito. Nakita ko ang lalaki kanina na hinahawakan at pinipigilan ng mga kasama namin. Pilit itong kumakawala at sinusubukang makalapit samin.
Isang putok ng baril mula saking likod ang dahilan para mabalik ang atensyo ko sa nilalang sa harapan ko. Ang isang putok ng baril ay nasundan pa ng ilang beses kahit na nakalupasay na sa sahig ang nilalang. Napatingin ako sa likod ko sa lalaking may kakaibang expression ang muka na patuloy na bumabaril sa nakalupasay nang niallang. Tumigil lang ito noong wala nang bala ang baril nya .
tumingin sya sakin at tinulungan akong tumayo.
" Ayos ka lang Umi?" tanong nya habang tiningnan kung may sugat o kagat ba ako. Ngayun ko lang nakita ang itsura nya ng ganon, parang hindi sya ang Ishajonh na kilalang ko, para bang isa syang ibang tao na kamukang kamuka ni Ishajonh. Hindi ko maiitangging kinabahan ako sa nakita kong itsura ng muka nya, wala dito ang ngiti nya at ang pagkamakulit na aura sa kanya, sa halip ay napaltan ito ng isang seryoso, galit na galit, at walang awang nilalang; kung wala lang kami sa gantong sitwasyo aakalain kong may kakambal sya.
" Walangya ka !" sigaw ng isang lalaki at sinugod nito ang kasama ko dahilan para parehas silang matumba sa sahig.
Sinuntok nito ang kasama ko, habang si Ishajonh naman ay naglalaban sa kanya. Agad syang hinila ng mga kasama nakin pa layo pero agad syang naglabas ng kunsilyo at sinaksak ang dalawang humiliha sa kanya at muling sinugod si ishajonh.
" Walangya ka! papatayin kitang hayop ka!" sigaw nya habang papasugod doon sa isa.
Isang putok na naman ng baril ang nagpatigil ng lahat at agad na bumagsak ang lalaki sa harapan namin. Lahat kami ay shock pa sa nanagyari, lalo na siguro ako na parang tanga pa rin nakatulala dito. Hindi pa rin nagproprocess sa isip ko ang nangyari kanina. hindi ko akalaing kani kanina lang ay muntik na akong mamatay at maging katulad nila, dahil sa muntik na akong makagat ng isang zombie. kung hindi dahil kay ishajonh ay siguradong hindi na ako isang tao.
" Anong gagawin natin dito ngayun?" sabi ni Minerva at agad naman akong napatingin sa kanya at sa tininganna nyang isang bata na napatakong sa lamesa.
Nagulat ako sa nakita ko, kulay gray ito na para bang wala itong dugo, at kilang kita ang mga ugat sa katawan nito, para itong isang tyanak, pero kahit sa ganong itsura at buhay ang bata dahil sa nagalaw ito o kung matatawag pa nga ba itong buhay.
" Ano pa bang gagawin natin dyan?! Patayinh na natin yan!" sabi ni Gerard yung lalaking puro eye bugs na kasama namin.
" Oo nga tama sya!" Sabi nama ni Edwin ang lalaking mukang aso.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Minerva at isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. tahimik ang buong lugar at walang ni isa samin ang nakapagsalita.
BINABASA MO ANG
The Zombie Attack
Science Fiction3 Ordinary Girl named Rosie, Umi and Ann found themselves in the middle of the zombie apocalypse with their families and friends. Can they be able to over come the challenges they will face? Can they find out the start of the apocalypse? Can they...