Hospital ( part 3 )

19 2 0
                                    


Chapter 28

Ishajonh's Pov


Ramdam ko ang mainit na bagay sa aking kamay. Ang init. Ang sarap sa pakiramdam. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at tumambad sakin ang isang anghel na tahimik na natutulog.

Haha, hindi ko alam kung mas gugustohin ko syang matulog na lang o ano. Pagkasi gising sya wala na syang ginawa kundi ang magtaray, pero kahit ganan yan alam ko namang mabuti syang tao; tulad na lang noong ginawa nya kanina pede naman nya akong pabayaan na lang pero hindi nya ginawa at ipinaglaban nya pa rin ako. pakiramdam ko tuloy para akong baklang kinikilig, pero don't get me wrong hindi ko sya type ah, hanga na nga lang ako kung may makakatagal sa amazonang ito. Kawawa siguro ang magiging asawa nito, lagi nyang bubungangaan. Tsk tsk tsk, kawawang lalaki.

Habang nakatingin sa muka nya ay unti unti parang gusto kong hawiin ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa maganda nyang muka. Teka ano ba tong sinasabi ko? Hindi kaya talagang nagkaroon na ako ng virus  kaya ganto akong magisip?! Epekto ba ito ng virus, hanla ka! Baka mga maging zombie na rin ako, ilang oras na ba ang nakakalipas?

Titingin sana ako sa orasan pero sa halip na orasan ang tingnan ko ay napatingin ako sa pinkish lips ng babaeng katabi ko, hindi ko alam kung anong may sa engkanto ang sumanib sakin noong biglang nanuyot ang lalamunan ko  dahilan para mapalunok ako ng laway ko.


" hmmm" bigala akong nagpanic noong marinig ko ang ungol ni Umi. Shit! ang sarap ang pandini- este patay gising na pala ang amazona.


Unti unti nyang binuksan ang magan- panget nyang mata at sa pagtingin nya ay tumigil ata ang pagtibok ng puso ko. Mamamatay na ba ako? Nagiging isa na ba ako sa kanila.


" O bakit muka kang tanga dyan? Ayos ka lang ba?" tanong nya sakin.

" O - oo ayos lang ako." sabi ko na medyo nabubulol pa. Ano ba Ishajonh hindi ito ang oras para mabakla!

" kahit na kailan ang wirdo mo. Teka anong oras na ba?" sabi nya at tumingin sa orasan na hindi ko na nagawang tinginan dahil sa na distract  ako ng kagand- kapangitan nya.

" Iilang oras nalang pala ang kailangan para mapakawalan kita. Teka nga hindi ka pa nakain diba. Intayin mo ako, kukuha lang ako ng pagkain at sabay na tayong kumain na dalawa." sabi nya sakin at tumayo at inayos ang sarili, kung tutuusin ay hindi na nya kailangan pang magayos dahil kahit na magayos sya o hindi ay magan - panget at panget pa rin naman sya.


Ano ba itong  nangyayari sakin? Hindi kaya  na mamaligno na talaga ako? may zombie  apocalypse na at lahat na mamaligno pa rin ako. Ang zombies pa nga lang hindi na namin malabanan maligno pa kaya. ganon ba akong kagwapo at pati maligno ay hinahabol ako? Tsk tsk tsk.

Dahil sa pagiisip ko hindi ko na namalayan na nakalabas na pala si Umi at naiwan na pala akong magisa ito sa kwarto. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano na maiwan ditong magisa. Hindi naman kasi maipagkakaliang maraming kwento tungkol sa hospitals noon pa mang hindi pa nagkakazombie, at isiping nakatali pa dito sa kama ang ka gwapohan ko ay baka marape ako dito ng isang baklang multo. Aba ayaw ko namang mangyari yun.

Matapos ang ilang minutong pagiisip ay dumating na rin sa wakas ang kasama ko, bukod sa pagkain ay may dala dala rin syang damit at towel na malinis.


" Tara kumain na tayo at maliligo pa ako. Buti na lang at binigyan nila ako ng mga gamit. " Sabi nya at umupo sa tabi ko. Tinulungan nya akong  umupo at nagpaubaya naman ako sa kanya. sumubo sya ng isang beses at matapos noon ay sumalok ulit sya ng pagkain at tinapat sa bibig ko.


Isusubo ko na sana ito noong matigilan ako noong marealized ko na sinubo nga pang nya ang kutsarang iyon; hindi ba't ang ibig sabihin noon ay para na hindi kaming nagkiss? Indirect kissing ang twag doon hindi ba? Shit! Bakit pakiramdam ko bumilis ang tibok ng puso ko? hindi kaya mamamatay na talaga ako? bakit pakiramdam ko unti unting pumupunta ang dugo ko sa muka ko?  ganto ba talaga ang pakiramdam ng nagiging isang zombie? kailangan ko ba itong sa bihin ay Umi?


" hoy ano ba! kanina pa akong nakaano dito, na ngangalayy na ako" sabi nya sakin na hindi ko napansin na nakatapat na pala ang kutsara sa bibig ko. Ano ba itong nangyayari sakin? bakit pakiramdam ko ay lutang na lutang ako ngayung araw?


Matapos  kumain ay  tumayo na si Umi para maligo. Naglakad sya papunta sa Cr sa may paanan ko atsinara ang pinto dala dala ang mga gamit na kailangan nya sa loob. Hindi ko alam kung bakit natigilan ako sa oras na marinig ko ang pagdausos ng tubig at pagpatak nito sa simento. Pakiramdam ko at bigla akong nanigas at uminit ang katawan ko, kinakabahan ako at pakiramdam ko ay pulang pula ang muka ko. Hindi ko rin maipagkakaila ang panunuyot na naman ang aking lalamunan. Hirap na hirap rin akong lunokin ang aking laway na para bang pagpumipigil saking gawin ito.

Ishajonh ano bang nangyayari sayo? Naaabno ka na ba? Narinig ko ang malaanghel na boses ng kasama ko na mas lalo pang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam na marunong pala syang kumanta, at hindi lang marunong maganda ang boses nya. Sana pala naging boses na lang sya para lagi syang maganda.

Nawiwili na ako sa pakikinig sa kanya ng bigla itong tumigil kaya naman napabukas ang mata ko at napatingin sa direksyon nya. Napanganga ako noong makita ko sya. Basang basa ang buhok nya habang ginagamit nya ang towel nya para tuyuin ito. Napatingtin ako sa suot nyang  blue na t - shirt at faded na maong na short na hanggang tuhod. Ang simple ng suot nya pero iba ang tama sakin, pakiramdam ko bigla syang naging isang normal na tao, kung baga from amazona, nagevolve sa sa isang dalaga.


" Alam mo masamang tumitig." sabi  nya habang nakatingin sakin at nakangisi. Napahiya daw naman ako sa sinabi nya, hindi ko naman maiitanggi sa kanya yun dahil sa nahuli nya ako sa akto. Maysasabihin pa sana sya noong bigla kaming nakarinig ng malakas na sigaw.


............

Sa lahat po ng readers, sorry po at ngayun lang ako nakapagUD, busy kasi masyado sa sunod sunod na exams at thesis. Isa na rin pala ang pagkakaroon ko ng writer's block, pero promise ngayung bakasyon it- try koong magUp date na mag up date. Please po magcomment po kayo at magvote, pampalakas din po kasi yun para saming mga writers yun lang po.


Thankiesssss!!!


The Zombie AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon