Talagang binilisan kong tinapos ang mga natitirang reports ko dahil sa dinner na pinangako sa akin ng kambal ko. Matagal na rin kasi nang huli kaming lumabas na kami lang at walang mga asungot na barkadang kasama. Iba parin kasi para sa akin kung pamilya mo ang kasama mong kumakain sa labas.
Pasado ala-syete ay tapos na akong magbihis pati si papa ay bakas ang tuwa nang kanina’y ibalita ko sa kanya ang tungkol sa plano namin ni kambal. Parang nawala ang pagud sa mukha nito nang marinig ang magandang balitang iyon.
Tulad nga nang inaasahan ay tinawagan kami ni Dorwin at sinabi kung saan kami mag di-dinner. Alam ko naman ang lugar ng restaurant na paniguradong pinili ni Dorwin para ma enjoy ni papa ang pagkain. Isinabay ko nalang si papa sa sasakyan ko para hindi na ito mag-maneho pa at tinungo na namin ang Sea Food restaurant kung saan naghihintay sina Dorwin at Red.
“Mukhang masaya ka pa ah.” Ang pagbasag ko sa katahimikan namin habang binabagtas ang daan papunta sa restaurant na iyon.
“Sobra anak.” Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito. “Matagal na panahon narin nang makasama ko kayong magkapatid na kumain sa labas kaya napakasaya ko sa oras na ito.”
“Kung sana kasi sinabi mo nalang kay Dorwin ang totoo noon pa….”
“Dave, hindi lahat ng katotohanan ay nakakatulong, minsan kailangan mong itago ito para mas lalong ma protektahan ang mga mahal mo sa buhay.” Pagputol nito sa mga sasabihin ko pa.
Tama nga siguro si papa, may mga bagay talagang dapat itago kung gusto mong ma protektahan ang mga taong mahal mo kahit na nga ba ang kapalit nito ay ang kamesarablehan mo. Sabi ba nga nila if you really wanted to protect someone siguraduhin mong kaya mong indain ang sakit na sasaluhin mo para lang maiwasan itong masaktan.
“Ayan ka na naman pa, umandar na naman ang pagiging makata mo.” Patawa kong sabi para maiba ang atmosphere sa loob ng kotse ko.
“Kahit kailan hindi mo na talaga seneryoso ang mga sinasabi ko Renzell Dave.” May himig ng pagsuko nitong sabi. “Maiba ako, kamusta na kayo nang girlfriend mong modelo?”
Sa narinig ay hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. Walang magandang nangyari sa amin ni Sonja sa mga nakaraang araw kung hindi bangayan sa cellphone, kwentahan sa mga pagkakamali sa isa’t isa at kung anu-anong bagay tungkol sa trabaho niya na sa totoo lang wala akong interes. Halatang ayaw pagusapan nito ang tungkol sa pagdalaw niya sa lugar ko.
“Disaster pa.” Nakangiwi kong sagot.
“Bakit naman? Aba, maganda rin ang babaeng yon at magalang pa.” Ngayon lang ito nag bigay ng interes sa mga babaeng nakakarelasyon ko kaya naman hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya.
“Matanda na ako Dave, gusto ko sana bago ako sumama sa mama mo ay makita ko manlang kayo nang kapatid mo na may mag-aalaga sa inyo kahit wala na ako. Kay Dorwin panatag na ako kasi alam kong hindi siya iiwan at pababayaan ni Red, eh ikaw? Halos lahat ata nang naging girlfriends mo isang buwan lang ang itinatagal, ngayon kalang nga ata tumagal sa relasyon eh.” Mahaba nitong sabi.
“Walang pinagkaiba ang relasyon namin ni Sonja pa. She’s a career woman at sa sobrang focused niya sa trabaho ni hindi ko manlang maramdaman na may relasyon kami. I don’t think she’s the right one for me.” Seryoso ko namang sagot sa kanya.
Rinig kong napabuntong hininga ito.
“Paano ka naman kasi seseryusohin ng girlfriend mo kung ikaw mismo hindi mo siya seneseryoso? You have all the freedom to go to Manila and be with her bakit hindi mo gawin?”
“Mas gusto ko rito kasama kayo ni kambal pa. Besides, walang magbabago kung sundan ko siya doon kasi puro trabaho ang nasaisip ng babaeng yon.”
BINABASA MO ANG
Chances
רומנטיקהHe was dubbed as the most notorious playboy sa barkadahan nila. Maangas, matalino, at oozing with sex appeal: ilan lamang iyan sa mga katangian ni Renzell Dave Nievera. Ang kambal ng pinakabatang abogado na si Dorwin. Ang tingin sa kanya ng mga kai...