Chapter 16

4K 129 1
                                    

Ilang minuto na akong tulala sa loob ng kitchen room kung saan ako nagtago sa dalawang taong nanakit sa akin ng sobra. Gusto ko mang umiyak ay hindi ko magawa sa sobrang galit at panhihinayang. Hindi ko ito naramdaman noon kay Ian ng hiwalayan ako nito dahil noon paman alam ko nang ako nalang talaga itong nagpupumilit sa sarili ko sa kanya. Pero itong kay Dave, ibayong sakit ang naramdaman ko dahil sa umasa ako. Umasa akong siya na ang taong matagal ko nang hinihintay. Ang taong mag-mamahal sa akin ng totoo. Ang taong mag-paparamdam sa akin na importante ako pero wala, tulad rin ito ni Ian na sarili lang niya ang iniisip niya.

Hindi ko naman hiniling na paibigin niya ako. Siya itong nagpumilit na lumapit sa akin at guluhin ang mundo ko at ako naman itong tanga hinayaan ko siyang makapasok sa puso ko. Hinayaan ko ang sarili kong mag-mahal ulit sa maling tao. Hindi na ako nadala sa karanasan ko kay Ian. Umulit pa talaga ako. Sadya nga atang tanga ang puso ko. Lagi nitong pinipiling ibigin ang mga taong hindi naman karapatdapat.

Alam kong hindi lang si Dave ang dapat kong sisihin sa ka-mesirablehan kong ito kung hindi pati ang sarili ko mismo. Dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog na naman sa maling tao.

“Si sir Alex?” Ang wika nang isa sa mga waiter namin habang nakadungaw ang ulo nito sa pintuan ng kitchen room.

Nakita kong inginuso ako nang aming kusinero bilang pagsagot nito. Alam kong may pakiramdam ito na may mali sa akin dahil hindi naman talaga ako mahilig tumambay doon lalo’t maraming tao sa labas. Alam ng mga tauhan namin kung gaano ako ka dedicated sa trabaho ko dahil sa ayaw kong mapahiya sa mga amo kong tumulong sa akin. Nasanay ang mga itong lagi akong aktibo pero ngayon, kung pwedi lang sana na hindi na ako lumabas ay gagawin ko.

“Sir Alex, hinahanap ho kayo sa labas ni sir Red.” Sa narinig ay agad na bumalik ang katinuan ko. Nasa trabaho ako at dapat kong gawin ang trabaho ko. Hindi ko dapat idinadamay ang bar sa personal kong problema dahil ito ang bumubuhay sa akin at sa pamilya ko sa probinsiya.

I composed myself. Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga bago ibinaling rito ang aking atensyon. Bakas ang pagtataka at pagaalinlangan nito sa kanyang mukha. Being the manager ay binigyan rin ako nang kapangyarihan ni sir Red sa bar na iyon na sobra kong ipinagpasalamat. Alam kung bihira lang ang binibigyan ng pagkakataon na ganun lalo pa’t noong i-assign ako nito ay hindi pa ako tapos sa kurso ko.

“Sige, susunod nalang ako sa labas. Medyo nahilo lang ako kaya nagpahinga ako rito.” Pagsisinungaling ko.

Hindi ko hahayaang mawala ang tiwalang ibinigay sa akin ni sir Red dahil lang sa isang taong makasarili na walang ibang gusto kung hindi ang mapatunayan niya sa sarili niya na kaya niyang ma kuha ang lahat. I thought Dave was different, iyon siguro ang dahilan kong bakit sobrang sakit ang naramdaman ko nang malamang lahat ng ipinakita nito sa akin noon ay puro pagkukunwari lang para mabawi nito ang natapakan niyang ego.

Matapos kong ayusin ang sarili ko lumabas na ako ng kitchen room gamit ang dating mukha. Ang mukha nang isang taong walang interes sa kahit na anong bagay. Isang mukha na nakasanayan ko nang gamitin noon paman para makaiwas sa kung ano mang sakit na pweding maibigay sa akin ng mundong ito.

Naabutan ko si sir Red kausap ang isa sa mga kaibigan ni Dave na kung hindi ako nagkakamali ang pangalan nito ay Niel. Nasa mesa ko si sir Red at nakaupo habang nasa harap naman nito ang kaibigan niya.

“Hinahanap niyo raw ho ako sir?” Wika ko dito nang makalapit ako sa kanila. Pareho naman silang napatingin sa gawi ko.

“Ah Alex, san ka ba nagsususuot at kanina pa kita hinahanap.” Ang nakangiting wika sa akin ni sir Red. Ganito naman ito lagi lalo’t kung wala silang tampuhan ni sir Dorwin, lagi itong nakangiti na animoy walang ni isang problemang dinadala. Iyon siguro ang isa sa mga rason kung bakit ko piniling sa bar na ito manatili at hindi na mag-hanap pa nang iba. Bukod sa sweldo ko na parang pang permanent item na sa mga malalaking kompanya ay isa sa mga rason din ang nakakahawang kagiliwan ng aking boss.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon