Chapter 08

4.4K 138 11
                                    

Ilang segundo rin kaming nagkatitigan ni Alex na parehong may nakaguhit na ngiti sa aming mga mukha at sapat na ang ilang segundong iyon para lalo nitong pabilisin ang tibok ng aking puso.

Ano na ba itong nangyayari sa akin?

“Indecent public display of affection ang pweding ikaso sa inyo ng mga tao sa loob ng grocery store na ito.” Ang wika ni Brian kapagkuwan. Nakatayo na ito di kalayuan sa aking likuran at nakangising aso.

“Ito ang susi mo mahal na hari, ikaw na ang bahalang mag-hanap kung saang lupalop ng mundo ko ipinark ang sasakyan mo.” Sabay hagis nito nang susi ko. “Mukhang tama nga ang balitang nasagap ni Vincent mula sa misis niya.” Ngingisi-ngisi pa nitong sabi.

“Lumayas kana Brian, gutom lang yan.” Sabi ko sa kanya at muling ibinaling ang aking atensyon sa nakakunot na namang noo na si Alex. Mukhang dapat ko nalang atang makasanayan ang laging nakakunot na ekspresyon nito.

Ang akala ko ay aalis na talaga ang kurimaw na kaibigan ko pero mukhang nasa mood itong mangulit sa mga oras na iyon. Sabagay, tulad ko maligalig rin ang buhay nitong kaibigan ko kaya nga kami mag-kasundo eh.

“Hi Alex, my name is Brian but you can call me hunky, nick name ko yon.” Nakangiting bati nito sa naguguluhang manager sabay lahad ng kanyang kamay.

Kahit halata sa mukha nito ang pagaalinlangan ay gumalaw ang kamay nito para tanggapin ang nakalahad na kamay ng kumag, pero imbes na sa kamay ni Brian dadapo ang kamay nito ay sa kamay ko ito lumapat. Tinabig ko kasi ang kamay ni Brian.

“Wag mo siyang kamayan babaho ang kamay mo.” Wika ko sa kanya. Ngayon ay mag-kabatabi na kami. “Kelan ba naging hunky ang nick name mo Boromeo?” Baling ko naman kay Brian.

Napangiwi ito sa pagtawag ko sa pangalan niya. Alam kong ayaw na ayaw nitong tinatawag siya sa totoong pangalan niya na lagi naming ginagawa kapag nagsisimula na itong dumaldal. Sa amin kasing mag-kakabarkada si Brian ang pinakamadaldal.

“Hindi ka nakakatuwa Renzell Dave.” Ganti nito. “Anyway, obvious na pangulo lang ako sa inyo rito kaya mauuna na ako sa inyo besides, may balita pa akong ipapasabog sa mga kaibigan namin.” Nakangisi na naman nitong wika. “Nice to meet you Alex, ingat ka kay Renzell Dave may sayad yan.” At tumalikod na ito sa amin.

Ngalingaling batuhin ko ito nang mga delatang paninda ng grocery store na iyon ang kumag  na nakuha pang mangasar bago umalis.

Muli kong binalingan si Alex.

“Wag mo nalang pansinin ang isang iyon may sira sa ulo yon, hindi pa siguro nakainum ng gamot.” Wika ko sa kanaya pero wala sa akin ang atensyon nito kung hindi nasa mag-kahugpong parin naming mga kamay. Agad naman akong natauhan at mabilisang binitiwan ang kamay nito.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon