Chapter 18

4.1K 125 3
                                    

“Dito siya nakatira? Hindi halata ah.” Ang wika ni Brian nang nasa tapat na kami nang bahay na tinutuluyan ni Alex.

Pinukol ko naman ito nang masamang tingin.

“I-zipper mo yang bibig mo kung ayaw mong dumugo yan.” Pagbabanta ko dito na tinugon naman nito nang pag-muwestra nang pag-zipper nang kanyang bibig. Talagang may sayad ang isang to at hindi na naging seryoso sa buhay.

Parang hindi ka katulad niya noh? Like is known by like kaya nga kayo mag-kaibigan at mag-kasundo kasi pareho ang ugali niyo. Kontra agad ng maligalig kong isip. Tama nga naman ito; ang magnanakaw ang tinging makakakilala sa kapwa magnanakaw.

“Katukin mo na para matapos na kalbaryo mo.” Wika nito nang mapansin sigurong medyo nag-aalangan ako. “Dinadaga ka? Aba bago yan ah dinadaga si Renzell Dave Nivera.”

“Wag kang mangasar Brian wala ako sa mood ngayon.” Asar kong wika rito sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga.

Sasabihin kong dinadaga nga ako sa mga oras na iyon. Hindi ko parin kasi alam kung ano ang unang sasabihin ko kay Alex. Marami akong bagay na gustong sabihin at dahil sa sobrang dami ay tila di ko alam saan magsisimula at kung paano ito umpisahan.

I’ve never been so sure in my life until i met Alex. Ang dami kong hang ups, marami akong hindi alam sa mundo dahil sa nakatali ang isip ko sa kambal at papa ko dahil noon ay tanging silang dalawa lang ang tanging pinahahalagahan ko. But when i met Alex marami akong naranasang kakaiba sa akin. Natuto akong matakot, natuto akong mag-alinlangan at higit sa lahat natuto akong mag-mahal. Alex was the person who taught me to take my chances and i want to take it with him kahit mali man iyon sa maraming tao ay gagawin kong tama. Dahil iyon ang alam kong magpapasaya sa akin.

But how can I say all these things I have in mind kung ayaw ako nitong kausapin. Papaano ko magagawang ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko if he won’t even give me a chance? Alam kong nasaktan ko siya at handa akong mag-paliwanag sa kanya.

Nabalik lang ako mula sa malalim na pagiisip nang marinig ko ang tatlong sunod-sunod na malalakas na katok ni Brian. Halos mag-kandaugaga akong pigilan ito pero huli na ang lahat dahil bumukas na ang pinto at bumungad sa amin ang mala demonyong anyo nang tiyahin nito. Naka-daster lang ito at nasa buhok na naman nito ang mga kolorete na sa tingin ko ay para pangkulot ng buhok.

Pinukol kami nitong nang tingin mula ulo hanggang paa at nang siguro ay magustohan nito ang nakita ay ngumiti ito sa amin. Ngiting alam mong may ibig sabihin o mas tamang sabihin na ngiting pagkakaperahan. Sadya nga atang mukhang pera ang isang ito taliwas sa mama ni Alex na ubod ng bait.

“Ano ang kailangan niyo mga iho? Narito ba kayo para mag-hanap ng mauupahang bahay? Three thousand ang bawat kwarto. Two months deposit at one month advance.” Agad nitong wika di pa man kami nakakasagot sa unang tanong nito.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon