Mula sa aking kotse ay aninag ko na ang mangilan-ngilang tao sa loob ng seventh bar. Mag-lilimang minuto na akong nakaparado sa parking space nila pero hindi pa ako lumabas sa aking sasakyan gusto ko muna kasing obserbahan ang mga tao sa loob. Kanina pa rin hinahanap ng mga mata ko ang malditang Alex na iyon at sa kasamaang palad hindi ko ito makita.
“Hmmm. Ang gwapo ko talaga.” Ang wika ko habang nanalamin sa rear view mirror ng aking sasakyan. Imbes na mag-patalo nang lungkot dahil sa karamdaman ni papa ay pinili kong pasayahin ang buhay ko sa pamamagitan ng pakikipag-asaran sa malditang manager ng bar ni bayaw.
Nang matapos ayusin ng konte ang sarili at masiguradong pogi ako ay tuluyan na akong lumabas ng sasakyan at tinungo ang entrance ng seventh bar. Alam kong kanina pa ako inaasahan ni Red tulad ng sinabi nito kanina nang tawagan ko siya para ayaing makipag-inuman.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa bar na iyon nang mahagip ng mga mata ko mula sa glass wall ng seventh bar ang masayang nakikipag-usap na si Alex. May kakaibang damdaming agad na umalipin sa akin parang nainis ako na hindi ko mawari sa nakikita kong mga ngiti nito habang may kausap na isang costumer kung hindi ako nagkakamali.
Mag-kasalubong ang kilay na pumasok ako sa naturang bar. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Alex ng magawi sa akin ang tingin nito. Lalong kumulo ang dugo ko nang hindi manlang ito mag-bigay ng kahit na anong reaksyon sa akin para bang isang normal na tao lamang ang pumasok sa loob ng bar na iyon.
Well, hindi ako normal na tao! Gwapo ako, may marangal na trabaho at wala pang sinunaman ang humihindi sa kamandag ko maliban sa ulupong na to.
“Buti naman at nandito kana.” Ang wika ni Red na siyang sumalubong sa akin. Alam kong walang ideya ang mga tauhan nito sa seventh bar kung anu ang koneksyon ko sa boss nila kaya bahagyang napatutok ng tingin sa akin si Alex dahilan para lihim akong mapangiti.
Ganyan. Papansinin mo akong kumag ka kung ayaw mong magulo ang buhay mo.
Tila naman na pansin ni Red ang ginawa kong pagtitig sa manager niya na sa ngayon ay muling ibinaling ang atensyon sa kanyang kausap na lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na 23 o mahigit. Halatang nag-eenjoy ang mga ito sa isa’t isa.
“Tara na at baka kung saan pa mapunta ang mga titig mo sa manager namin. May pagka-sensitive ang isang yan kaya wag mong aasarin kung ayaw mong 'isumpa ka ni Dorwin.” Wika ni Red at iginaya na ako nito sa may bar counter kong saan siya ring naging pwesto namin ni Brian noong huling dalaw namin sa bar na iyon.
“Ano, ang iinumin mo?” Tanong nito nang makaupo kaming pareho.
“San mig light lang ako ngayon.” Simpleng tugon ko rito. Wala akong balak mag-pakalasing sa mga oras na iyon para mabigyan ng katuparan ang mga plano ko. Isinumpa ko sa aking sarili na ngayong gabing ito matitigil ang hindi pamamansin sa akin ng Alex na iyon. Pero, kailangan kung mag-ingat kung ayaw kong ma ban sa bar na ito, panigurado kasing isang maling move ko lang ay makakarating agad ito kay Dorwin.
Nang makapag-simula na kaming maginuman ni Red ay panakang sinusulyapan ko ang malditang manager niya na ngayon ay tahimik nang nakaupo at abala sa kanyang ginagawa. Medyo napalis ang inis na naramdaman ko kanina nang makita ko ang pamilyar na ekspresyon nito. Hindi ko talaga alam kung ano ang meron sa taong ito at pinag-aaksayahan ko siya nang oras. Sobrang simple lang kasi nito mula sa kanyang pananamit hanggang sa kanyang kilos. Very Typical kung baga.
“Pambihira! Don’t tell me yung kambal ko nanaman ang katext mo?” Sita ko kay Red nang makita itong abalang kinakalikot ang kanyang cellphone.
Ngumisi ito sa akin ng parang gago lang.
“Natutulog ang mahal ko, napagod sa trabaho. Si Rome at Carlo ang katext ko papunta raw sila rito.” Wika nito.
“Good! The more the better mas marami akong mapagkakaabalahan.” Nakangisi kong sabi.
BINABASA MO ANG
Chances
RomanceHe was dubbed as the most notorious playboy sa barkadahan nila. Maangas, matalino, at oozing with sex appeal: ilan lamang iyan sa mga katangian ni Renzell Dave Nievera. Ang kambal ng pinakabatang abogado na si Dorwin. Ang tingin sa kanya ng mga kai...