Chapter 10

5.1K 131 1
                                    

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto. Kunot noo akong napatingin sa may bintana kung saan malayang nakakapasok ang preskong hangin mula sa labas. Iba pala talaga ang  probinsya presko ang hangin at kakaiba ang amoy nito kumpara sa mga lugar na puno nang sasakyan.

“May riot ba sa labas?” Ang pupungas-pungas kong sabi’t inilbot ang tingin sa buong kwarto na ipinaubaya sa akin ni Alex the maldita. Ang half-half na buong akala ko ay masungit, suplado’t higit sa lahat walang kabaitan sa loob ng katawan.

Hindi gaanong kalakihan ang kwartong iyon infact, sakto lang ito sa isang tao. May maliit na higaan na gawa sa kahoy na pinatungan ng foam, maliit na bentilador at isang cabinet na sa tingin ko ay sampong dekada na ang tanda.

Napatingin ako sa aking relo mag-aalas-sais palang pala nang umaga pero maingay na sa labas ng kwartong iyon. Gising na gising na ang mga tao.

Sabagay, sa ganitong mga lugar normal na ang gumising ng maaga. Nasambit ko sa aking isip at bahagyang nakaramdam ng hiya. Lagi kasing sinasabi ni papa sa amin noon ni Dorwin na kapag makikitulog kami sa ibang bahay siguraduhin naming hindi kami mauunahan ng gising nang mga may-ari. Nakakahiya raw iyon.

Lalabas na sana ako nang kwarto nang marinig ko ang pinaguusapan nila.

“Gwapo ba siya? May girlfriend na ba?” Ani nang isang boses ng babae. Napahinto tuloy ako’t piniling makinig muna sa usapan parang ako kasi ang tinutukoy nito kung hindi ako nagkakamali.

“Gwapo siya pero hindi ko alam kung may karelasyon siya.” Sambit naman ng isa na kaboses ni Alex. Napangiti ako nang marinig kong na gugwapuhan pala ito sa akin lalo tuloy akong nagkainteres sa pinaguusapan nila.

“Wow! Mayaman na nga, gwapo pa! Ibugaw mo ako pinsan mukhang ito na ang pagkakataon ko.” Wika ulit nang babaeng kausap nito.

“Shhh! Hinaan mo nga ang boses mo’t baka marinig ka nun.” Nagpipigil na wika ni Alex. “Sigurado ba kayo na ako ang ipinunta niyo rito?” Dagdag pa nitong wika.

Kahit pala talaga sa mga pinsan nito masungit siya. Ang di ko maiwasang mmaisambit sa sarili ko.

“Wag mo akong isama sa katarandahan ni Ate, kuya. Napilit lang niya akong samahan siya nang mabalitaan namin sa kapitbahay na may bisita raw sina tiyang na may kotse.” Mas bata ang boses ng lalaking nagsalita at pansin kong may arte ang pagsasalita nito.

“Sus! Ako pa ang idinahilan mo Michaela. Ikaw nga itong pumunta sa bahay para ibalita sa akin na ayon sa kapatibahay nitong si pinsan may bisita silang gwapo eh.” Nanunudyong sabi naman ng babae.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon