Chapter 14

4.5K 126 3
                                    

by: Zephiel

email: zildjianace@gmail.com

URL: http://zildjianstories.blogspot.com

Maraming salamat sa naghintay ng chapter na ito. Dapat sana ay kagabi ko pa ito ipopost ang kaso ay pinalitan ko ang ibang mga scene gawa nang napangitan ako.

Gusto ko sanang batiin ang mga bagong salta sa blog ko at nagbabasa nang mga una kong gawa. Enjoy reading lang guys at pagtiisan niyo na ang trademark kong typos. HAHAHAHA

Sa mga taong nag-email sa akin salamat sa oras niyo guys lahat ng email niyo ay binabasa ko at renereplayan ko medyo natatagalan ngalang gawa nang marami akong ginagawa ngayon. Hehehe Malapit na tayo sa napipintong pagtatapos ng Chances kaya sisimulan ko na ring gawan ng kodigo ang mga taong nagbigay ng kanilang komento sa estoryang ito para mabati ko kayo bago ko I post ang Last Chapter.

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

“Sa susunod na aalis ka wag mong kakalimutang mag-bilin para hindi masira ang ulo ko kakaisip kong sino ang papalit sayo sa mga iniwan mong plano.” Nagulat ako nang ang kambal ko ang mag-bukas sa akin ng pintuan. Nakakunot ang noo nito’t halatang galit.

“Ah.. ehh.. Good morning kambal.” Ginamit ko ang pamatay kong alas sa kanya para hindi ako nito tuluyang kitlan ng buhay.

“Kamusta ang bakasyon?” Sabat naman ni Red na nasa likod ng kambal ko. Nakangiti itong nakakagago halatang nangaasar ang kumag.

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang ibaling ko ang atensyon ko kay Dorwin. Hindi parin nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Naiintindihan ko naman siya kong bakit galit na galit ito sa akin hindi nga naman kasi ako nagsabi kahit kanino na aalis ako tapos naiwan ko pa ang mga pending reports na hindi ko pa nababasa.

“Pweding kumain? Nagugutom na kasi ako eh.” Ang nawika ko nalang at sumilay sa akin ang kinakabahang ngiti. Kay papa ay hindi ako takot pero kapag si Dorwin na iba nang usapan iyon. Alam ko kung paano magalit itong kambal ko at yon ang gusto kong iwasan.

“Mag-uusap tayo mamaya Renzell Dave pagkatapos mong kumain. Na perwisyo mo ang trabaho namin ni Red dahil sa kapabayaan mo. You have your cellphone with you ano ba namang i-text mo manlang kami na hindi ka pala uuwi nang tatlong araw para na anticipate ko agad ang dapat kung gawin.” Mahaba nitong litanya. Ito na yon eh kapag ganitong galit na si kambal lumalabas ang pagiging abogado nito.

“Mahal, pagod sa byahe yan mamaya mo na sermonan kambal mo. Pakainin mo muna bago mo interrogate.” Nakangising wika ni Red na ang tingin ay nasa akin.

Mukhang tama nga ako. Hindi makakaligtas sa mga tsismosong unggoy na ito ang pagsama ko kay Alex. Oh well, alam kung matatalino ang mga ugok na ito at alam ko rin kong sino ang nagbigay ng impormasyon sa kanila kaya patay ka sa akin mamaya Brian.

“Wag ka nang tumanganga riyan at kumain kana. Puntahan mo ako sa kwarto ko pagkatapos mong kumain at marami kang dapat sabihin sa akin.” Parang tatay lang nitong sabi.

Ganyan mag-alala ang kambal ko sa akin at pustahan tayo uulanin ako mamaya nang sermon. Akalain mong sa edad naming ito nasesermunan pa ako nang kambal ko. Pero iyon naman talaga ang dahilan kong bakit mahal na mahal ko ito dahil sobra itong nag-aalala sa akin, hindi lang sa akin kung hindi pati kay papa na rin.

Oo nga pala si papa? Halos mapa-palatak ako nang sumagi sa isip ko ang mahal kong ama na kasalukuyang nasa ibang bansa para mag-pagamot. Masyado akong nawili sa presensya ni Alex na nakalimutan ko na ang papa ko.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon