Chapter 07

5K 132 7
                                    

Matapos ang palitan namin ng ngiti kanina nang madalitang Alex na iyon Well, hindi na siya maldita dahil ngitian na niya ako kaya pagiisipan ko ang bagong itatawag ko sa kanya ay may kakaibang damdamin na pilit na umaalipin sa akin ang kaso ay hindi ko ma-decipher ang damdamin na iyon kaya isinangtabi ko nalang muna.

Nasa loob parin ako nang bar ngunit iniwan ko na itong abala sa kanyang ginagawa ayaw ko na rin munang maasar ito sa akin sayang naman ang ngiting binigay niya kanina kung mapapalitan ulit iyon ng pagkasuklam. Yeah right suklam na suklam siya sa akin at sa tingin ko para hindi na humaba pa ang kalbaryo niya sa akin ay pilit nalang niyang intindihin ang sayad ko. Mukha talagang seryoso sa buhay ang isang yon tulad nalang ng sabi ni Red.

Gayon pa man hindi ko masasabing peki ang ngiting iyon na sumilay sa kanyang palaging galit na mukha kahit ba dalawang beses ko lang nasilayan yon matapos kasi naming magpalitan ng ngiti ay focus na ito sa ginawagawa niyang trabaho at hindi na muli akong tinignan.

Mataman ko lang itong pinagmamasda mula sa aking kinauupuan. Mukhang ang bar counter na nang naturang bar na iyon ang favorite spot ko dahil ngayon dito na naman ako nakapwesto kung bakit, isa lang ang sagot diyan, sa pwesto kong ito malaya kong nababantayan ng tingin si Alex na walang makakahalata.

Minsan, di ko maiwasang mapangiti sa tuwing makikita ko itong kinakagat ang dulo nang kanyang gamit na ballpen animoy hirap na hirap ito sa kanyang ginagawang pag-compute sa lahat ng pumasok na pera sa bar ng bayaw ko. Napakaganda sa aking paningin ang ganung gesture niya. Cute.

The 'hell? San ko napulot ang salitang iyon? Kelan pa ako na cute-an sa isang katulad kong lalaki? Sita ng isang bahagi ng isip ko.

Half-half naman yan kaya pwedi. Katwiran naman ng isa.

“Mukhang tuluyan na ata akong nabaliw.” Ang pabulong kung wika.

Para namang umabot sa tenga nito ang sinabi kong iyon nang mapalingon ito sa akin. He may be grumpy to me pero dahil rin doon nakuha nito ang atensyon ko at mukhang naka adikan ko na ang pagpapapansin rito.

Sinuklian ko nang isang magandang ngiti ang tingin niyang iyon inaakalang muli kong masisilayan ang magandang ngiti nito ngunit ayun at bigo ako dahil muli lang nitong itinuon ang kanyang pansin sa ginagawa.

Again, I was been ignored! Napapalatak kong sabi sa sarili.

“Ang aga naman atang paglalasing yan pinsan.” When I turned to the person who distracts me I saw Ace greeted me with his evil smile. Tama, evil smile iyon para sa akin dahil sa tuwing ngingiti ito sa akin ay alam kung may kabulastugan itong naiisip.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon