Alexis
Tulad ng ipinangako ko kay Dave, nang matapos ko ang lahat ng dapat kong gawin sa probinsya namin ay umuwi na ako pabalik sa trabaho ko kung saan naghihintay sa akin ang taong naging pangulo nang buhay ko. Ang taong naging misyon na ata sa mundo ang asarain ako na ang kinahantungan ay pareho kaming na hulog sa isa’t isa.
Noong una ay hindi ko lubos na mapaniwalaan na ang tulad ni Renzell Dave Nivera ang bubunto’t sa akin kahit saan ako mag-punta. Kahit noong una ko palang siyang makita nang pumasok ito sa bar ay may naramdaman na akong kakaiba sa kanya. Ang tindig nitong lalaking lalaki, ang galaw nitong kita mo ang confidence na lalo nagpapadagdag sa tikas nito. Ngunit nang makita ko itong nakipag laplapan sa isa sa mga costumer naming babae noon ay agad na nawalang parang bula ang paghanga ko sa kanya. Lalo na nang lumapit ito sa akin at mag-yabang.
Who would have thought na ang taong nakarinig kong paano ako hiwalayan ng taong una kong minahal ay ang taong sunod na mamahalin ko. Ang kaso nga lang hindi ko talaga maiwasang hindi mag-alinlangan tuwing maalala ko ang estado nito sa buhay na malayong-malayo sa akin. Kung baga suntok sa buwan na may isang tulad niya ang iibig sa isang tulad ko.
Binago ang lahat ng pagaalinlangan kong iyon nang kahit sa maikling panahon ay makilala ko ito. Lalo akong nahulog sa kanyang maginoo pero bruskong paguugali na laging lihim na nagpapangiti sa akin. He maybe a childish sometimes but that doesn’t change the fact that Renzell Dave has lots of things to be proud of. His looks, his overwhelming confidence at higit sa lahat ang sweetness nitong laging nagpapakilig sa akin.
“Sir Alex, nakabalik na pala kayo.” Ang bati sa akin ng isa sa mga tauhan ng seventh bar.
“Kamusta ang kita?” Nakangiti kong balik dito sabay tungo agad sa pwesto ko kung saan sabi ni Sir Red ay naruon ang mga reports sa nagdaang dalawang lingo. Ito ang una kong dapat gawin kaya maaga akong pumasok ngayon kahit medyo bangag pa ako sa alikabok na nasinghot ko sa ordinary buss na nasakyan ko.
“Si Sir Ace po ang nag-manage ng bar habang wala kayo. Na busy rin daw po kasi si Sir Red sa pagaasikaso sa negosyo nang asawa niya.”
Alam ng lahat ng tauhan sa bar ang relasyon ng mga amo namin dahil hindi nila iyon tinatago sa mga tao. Proud na proud pa nga ang mga ito na ipakilala sa mga kaibigan at costumers nila ang mga partners nila na isa sa kinaiingitan ko noon.
Nagsimula akong mangarap na may isang taong darating sa buhay ko na tulad ni Sir Red at Sir Rome na mamahalin ako nang totoo. Inakala kong si Ian na iyon ngunit sadyang mailap ang totoong pagmamahal sa mga katulad ko. Bukod sa wala na nga akong maipagmamalaki maliban sa deploma ko na kung hindi pa dahil sa mababait kong amo ay di ko makukuha ay mababaw pa ang self-esteem ko. Siguro dahil mula pagkabata ay naging tampulan na ako nang tukso. Bakla, bading, ilan lang yan sa maraming tawag sa akin ng mga kalaro ko noon sa akin.
Pero imbes na mag-mukmok ako sa isang tabi ay nagsumikap akong makapagtapos para maipakita sa kanila na kaya ko ring gawin ang nagagawa nang mga “Normal” na katulad nila. Nasanay akong ignorahin ang mga taong walang magandang masasabi o walang maitutulong sa akin. Binaliwala ko ang mga taong mag-bibigay lang sa akin ng ibayog sakit dahil ayaw ko nang masaktan. Nagsawa na ako sa iba’t ibang klaseng pasakit na naranasaan ko noon.
“Sige, tapusin niyo na agad ang paglilinis para makapagbukas na tayo. Nakakahiya kay Sir Red kung maabutan pa niya tayong naglilinis ganitong mag-aalas-sais na.” Ang pagtatapos ko nang usapan namin para makapagsimula na akong basahin ang mga reports na iniwan sa akin ni sir Ace.
Tulad ng inaasan hindi ako pinahirapan ni sir Ace sa reports na iniwan nito. Halatang alam na alam nito ang ginagawa kahit paman hindi management ang profession nito kaya naman madali ko itong natapos. Iba na rin ang seventh bar ngayon medyo may kahirapan na rin lalo’t marami na ang naidagdag sa mga items namin.
BINABASA MO ANG
Chances
RomanceHe was dubbed as the most notorious playboy sa barkadahan nila. Maangas, matalino, at oozing with sex appeal: ilan lamang iyan sa mga katangian ni Renzell Dave Nievera. Ang kambal ng pinakabatang abogado na si Dorwin. Ang tingin sa kanya ng mga kai...