Kanina pa nakalaalis si Sonja sa opisina namin pero hanggang ngayon hindi parin nawawala ang inis at pagkaasar ko sa kanya. Kung alam ko lang na ang pagmamagandang loob ko sa kanya ang magiging dahilan para mawala sa akin ang taong pinili kong mahalin ay hindi na sana ako nagpaka buti pa. Minsan talaga walang naidudulot na maganda ang pagpapakabait.
Ang buong akala ko ay okey na ang lahat kay Sonja. Nang sadyain ko ito sa Manila para pormal na makipaghiwalay ay hindi naman ito tumutol kaya inakala kong okey lang sa kanya ang lahat at tulad ko rin ay wala naman talaga itong nararamdaman para sa akin. Pero nagkamali ata ako nang inakala.
Matapos ang isang lingo mula nang pormal kaming mag-hiwalay ay nakatanggap ako nang tawag mula rito na sa lugar daw namin gaganapin ang photo shoot ng iniindorso nitong bagong shampoo. Syempre dahil gusto ko namang makabawi at mag-pasalamat narin dahil sa hindi ako nito pinahirapang ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa bago kong pagibig na natagpuan ay sinamahan ko siya sa pag-stay niya sa lugar namin.
Hindi ko lang napaghandaan ang pagdating ni Alex, ang akala ko ay sa lunes pa ito papasok pero laking gulat ko nang makita ko ito sa loob ng bar. I was caught off guard at handa akong mag-paliwanag sa mga oras na iyon pero naunahan ako nang matinding galit nang makita ko siyang kausap ang dati niyang karelasyon.
Inaamin kong binalot ako nang selos sa mga oras na iyon at nawala sa aking isip na ako man ay may dapat ding ipaliwanag sa kanya. Sadya nga atang kapag ang isang tao ay naalipin ng isang negatibong pakiramdam nawawala ang kakayahan nitong mag-isip.
Nakita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata nito nang marinig nito ang paglalandi sa akin ni Sonja na dahilan ngayon kung bakit abot langit ang inis ko. Maski sa malayo ay ramdam ko ang mga tingin nito sa amin ni Sonja pero wala naman akong magawa dahil ayaw ko namang maging bastos sa babae lalo pa’t bisita ko ito.
“Sir Dave?” Basag sa akin ng sekretarya ni papa.
Kunot noo ko itong tinapulan ng tingin habang nakadungaw ang ulo nito sa pintuan ng opisina ko.
“Pasensiya na po sa disturbo sir.” Ang tila kinakabahan nitong wika.
“Ano ang kailangan mo?”
“Kasi sir, tumawag si Attorney Dorwin at pinapasabing tawagan mo raw siya hindi ka raw po niya ma contact.”
Hindi na ako sumagot rito bagkus ay agad kong tinawagan ang kambal ko.
Kasalukuyan kong binabagtas ang daan papunta sa bahay ng kambal ko. Pinapunta ako sa bahay nito dahil gusto ako nitong makausap.
BINABASA MO ANG
Chances
Storie d'amoreHe was dubbed as the most notorious playboy sa barkadahan nila. Maangas, matalino, at oozing with sex appeal: ilan lamang iyan sa mga katangian ni Renzell Dave Nievera. Ang kambal ng pinakabatang abogado na si Dorwin. Ang tingin sa kanya ng mga kai...