Chapter 09

4.8K 137 2
                                    

Kanina pa tumatakbo ang sasakyan at simula nang sumakay si Alex ay hindi manlang ito nagbitiw ng kahit anong salita. Tahimik lamang itong nakatingin sa bintana nang aking sasakyan marahil ay hanggang ngayon ay nahihiya parin ito sa nangyari kanina nang ihatid ko ito sa kanila para kunin ang kanyang mga damit na dadalhin para sa bakasyon nito sa bayan ng ama nito.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko’t nagdesisyon akong ihatid ito sa napakalayong probinsya nang kanyang ama. Siguro ay dahil alam kong kailangan niya nang taong makakausap ngayon. Hindi biro ang mapahiya ka sa harap ng mga tao lalo na sa ugali nitong kasing tayog pa ata nang Great Wall of China ang pride.

Bilib din ako sa pasensya nang taong ito. Kung sa akin nangyari kanina ang ganun baka siguro nasapak ko na ang taong gumanon sa akin. Harap-harapang pang-gagamit ang ginagawa nang tiyahin nito sa kanya pero, ito pa mismo ang humingi nang paumanhin. Balak ba nitong maging isang santo?

“Bakit hinahayaan mong ganunin ka nang tiyahin mo?” Ang di ko maiwasang maitanong. Only a full fledge idiot will allow himself to be insulted in front of many people. At hindi naman siguro ito ganun ka stupid para hindi mapansin ang na pinagkakaperahan na siya nang tiyahin niya.

Lumingon ito sa akin nang nakakunot ang noo bakas ang galit sa kanyang mga mata. Hindi siguro nito nagustohan na muli kong ipinaalala ang kahihiyang dinanas nito kanina. Pero wala akong balak na manahimik dahil sa totoo lang hindi ko nagustohan ang ugali nang tiyahin nito at gusto kong malaman ang rason kung bakit niya ito hinahayaan.

“Three thousand pesos sa isang buwan ang renta mo sa bahay na iyon? Ni daga mahihiyang tumira doon tapos pumayag ka? Ang akala ko ba tiyahin mo iyon, bakit ka pinagbabayad ng renta?” Sunod sunod kung wika na hindi nagpaapekto sa naging reaksyon nito.

“Wala nang libre ngayon.” Mahina pero ramdam ko ang galit na wika nito.

“Sinong nagpauso niyan? Ang tiyahin mong mukhang pera at ang tingin sayo ay banko?” Iritado ko namang balik sa kanya. Lalo lang kasi nitong ipinapaalala sa akin ang bagay na ayaw na ayaw ko – ang mga taong manggagamit. Mga taong gumagamit ng ibang tao para lang masunod ang mga luho nito. Sabagay walang taong mangagamit kung walang taong mag-papagamit at sa kasamaang palad isa ang maldita, suplado, laging iritadong Alex na ito sa mga nagpapagamit.

Hindi agad ito nakasagot sa akin.

“Obligado akong tumulong dahil sa kanila ako nakatira.” Kapag kuwan ay wika nito.

Ngalingaling batukan ko ito para magising sa kanyang katangahan. Hindi masama ang tumulong sa kapwa alam ko iyon pero ang ginagawa nang tiyahin nito ay hindi paghingi nang tulong kung hindi panggagantso. It’s obvious that they were taking advantage on him just because may trabaho siya.

“Hindi ko alam na ganun ka pala ka bait at katanga noh? Halata nang pinagkakaperahan ka pero ayos parin sayo. A very saintly move.” May bahid ng sarkasmo kong wika.

“Hindi ako tanga….” Pagdedepensa nito sa kanyang sarili pero hindi ko na siya hinayaang matapos.

“Hindi ka nga tanga sobrang tanga lang.”

“Bakit ba lagi kang nakikialam?! Ikaw ba ang pinagkakaperahan? Don’t act as if you knew everything about me dahil wala kang alam.” Galit na galit nitong wika.

Aminado akong nagulat ako sa naging reaksyon nito. Hindi kasi ako sanay na pinapansin nito ang pang-aasar ko. Pansin ko ang galit nang pansamantalang iwanan ko nang tingin ang binabaybay naming kalsada para makita ang reaksyon ng mukha nito.

Tama naman talaga ito wala akong karapatang panghimasukan ang personal nitong buhay dahil hindi ko pa naman ito kilala. Ni kanina nga lang ata kami nagkaroon ng walang pagtatalong usapan na hindi manlang tumagal ng isang oras.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon