Chapter 5- now
____________________________________________________
*KATE PO'V*
4 months later.....
Lahat nagtaka, nagtaka dahil walang nangyaring masama, nandito ako ngayon sa classroom habang masayang nagtuturo si ma'am ramos, at masaya rin kahit ang mga kaklase ko, ngunit ako'y nagagambala..
Dahil... akala ko'y magsusunod sunod ang pagpatay, pero 4 na buwan na ang nakakaraan, wala pa rin pala, i'm so confused, sabi ni ma'am ramos, dapat malaman ko kung sino ang killer..
Pero mas lalo akong nahihirapan lalo na ngayong di sya nagpaparamdam, oo masaya ako dahil walang namamatay, pero may kutob pa rin ako, na, may plano ang killer para sa sunod na mamamatay..
"Magg-group activity tayo at ngayon, 4 groups ang kailangan natin" nabaling lang ang tingin ko, dun sa sinabi ni ma'am
Nag-group na sya at ako'y pang-group 3.
"Ang mga leader ay sina ulexa for group 1, yrna for group 2, janine for group 3, and brylle for group 4"
At nagsimula na kaming magsagot ng mga tanong na hinanda ni ma'am, hanggang sya ay makalabas ng classroom namin.
Natapos kami ng maganda ang kinalabasan at kasabay nito ang pagpasok ni ma'am.
"Uhmm, c-class" napatingin kami sa maluha luhang mata ni ma'am, siguro, pupunta na kong ibang school, at dun na ko magtuturo, mamimiss ko kayo" at umalis sa harap namin si ma'am at biglang may nagtulak sakin na lumabas rin ng classroom.
"Were are you going kate?" Tanong ni James Daniel Roxas na vice president ng classroom..
"Magc-cr lang ako." Alam kong mababaw lang at hindi halata sa mukha ko na dun ako pupunta pero nagtuloy tuloy na lang ako sa labas dahil baka may pumigil pa sakin.
Habang naglalakad ako nakita ko si ma'am ramos sa isang tabi at sya ay naiyak.
"Ma'am" tawag ko sakanya kaya sya'y napatingin "bakit po kayo lilipat ng school?" Hindi ako nagdalawang isip na tanungin sya ng ganon..
"Ako na" sobrang naguluhan ako sa sagot ni ma'am sakin..
"Po?"
"Ako na ang kasunod na mamamatay, nagpadala sakin ng sulat ang killer, at kahit na ayaw kong sabihin sayo to, nangako naman akong tutulungan kita"
Binasa ko ang nakasulat sa papel at ang pagkakasulat don ay isang dugo ng hayop..
From: The Night Killer
Wag kang magtatangkang magsumbong.. dahil pati pamilya mo damay! At sana malaman mong ikaw na ang aking isusunod, namnamin mo na ang oras na buhay ka! Dahil pwedeng ngayong oras ay mamatay ka!!
Napabitaw ako sa papel, nakakatakot, walang puso ang nagawa neto, they dont care about someone they can hurt, cause all they know is to revenge.
Puno ng galit at puot ang puso nila, hindi nila naisip na, kapag nangyari to sakanila, matatakot din sila, at lalo na ngayon.
Alam ko mang si ma'am ramos ang kasunod, di naman alam ng mga kaklase ko yun.
At kung sakali ngang mamatay si ma'am ramos, di namin malalaman, kung sino ang susunod..
"Ready na ko, mamatay na ko" niyakap ko ng mahigpit si ma'am ramos, lalo na't hindi ko maman mapipigilan ang pagpatay, kaya wala akong magagawa, dahil ang killer ang nagpapasya.
______________________________________________________
*ANGEL'S PO'V*
"Bakit ang tagal ni kate?" Bulong ko sa sarili ko.
"Sya yata talaga ang killer" sabi naman ni James, ang vice president..
"Pero, matagal na tong ginagawa ng killer at ganito naman ang plano nya, yung magtatantsa sya ng transferee para yun ang mapagbintangan!"
"Alam ko, pero hindi ko talaga alam ang gagawin, kailangan talaga natin ng plano"
"Mahirap mamili, baka ang mapili natin ay killer"
Natigilan si James sa sinabi ko, nanahimik na lang sya at kami'y naghintay sa pagbabalik nila ma'am..
At makalipas ng ilang minuto..bumalik na nga si kate..
"Ikaw nga ang killer! Nagplano ka diba?! Nagplano ka kaya ka natagalan! At ngayon..ano? Pinatay mo si ma'am?! Tapos-" di ko pinatapos si yrna sa gusto nyang iparating, ayokong ganto kami na nagsisisihan...
"Yrna, tama na" sabi ko ng mahinahon.
"Baka nga magkakampi kayo eh! Kaya ngayon pinagtatanggol mo sya?! Ha?!" Umiyak si yrna, alam namin na nasasaktan sya para kay Cindy pero, di naman talaga namin alam kung sino ang killer eh.
Kaibigan ko naman talaga ngayon si kate, sya ang kaibigan ko, kasama si brylle at james, pero di ibig sabihin na kaibigan ko sya kaya ko sya pinagtatanggol.
Nagbell na, ibig sabihin, lunch na, naglabasan silang lahat at kami lang ang natira, kami ni brylle, james at kate..
"Sorry" narinig kong sabi ni kate, kaya nabaling ang tingin namin sakanya "dahil sakin kaya gant-"
"Wala kang kasalanan kate! Sila rin naman kasi eh, alam na nila ang ginagawa ng killer pero patuloy pa rin ang pagsisi sa transferee" sabi ni brylle
"Ano gagawin natin?" Tanong ni james "wala ba kayong nakuhang impormasyon?"
"Ako meron" sabi ni kate, at may pinakita syang sulat "kay ma'am ramos to, pinahiram nya sakin"
Agad akong lumapit at tiningnan ang sulat "sya ang kasunod" sabi ko ngunit bahagayang kumunot ang noo ng dalwa, si brylle at james..
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni james..
"Read this" sabi ko at binigay sakanila..
Binasa nila yun at nagulat "bantayan natin si ma'am!" Sabi ni brylle.. at sumangayon kami..
Pumunta kami sa office nya, kinakabahan kasi kami para kay ma'am..
*BLAGGGGGGGGGGGGGGG*
May narinig kaming nahulog..
"Ahhhhhhhhh!"
At isang malakas na sigaw kaya agad kaming pumunta sa loob..
At di kami nagkamali.... dapat kasi di kami nahuli, pero, tapos na..
Patay na sya..
______________________________________________________
Now
BINABASA MO ANG
THE NIGHT KILLER (On-Hold)
Mystery / Thriller"I want you to die, cause I have to revenge, I have to be strong even if you know that i'm weak" (Wag muna basahin, ineedit ni author) Written by:FeaCarcido