Holloween Party [3]

0 0 0
                                    

Chapter 30- Holloween Party [3]

_____________________________________________________
*ANGEL PO'V*

Tumigil kami sa likod nang school, pinabitaw ko na ang kamay nya sa braso ko pero di nya to binitawan.

"Ano baga?!" Sigaw ko dahil naiirita ako.

"Diretsohin mo nga ako, may gusto ka sakin o wala?" Tanong nito habang nakatingin nang malalim kaya napaiwas ako.

"D-di ko alam!"

"Angel" sambit nya sa pangalan ko "gusto kasi kita" sabi nya at nagulat ako, well, oo nagulat ako kasi... di ko ineexpect na maf-fall sya sakin nang diretso "kaya please... sabihin mo na, kung may gusto ka sakin o wala.. gusto mo ba ko?"

"Hindi kita gusto"

"Huh?" Maluha luha nyang sabi.

"Di kita gusto james kasi mahal kita" naiyak tuloy ako, niyakap nya ko bigla at sinabing..

"Mahal na mahal din kita"

_____________________________________________________
*KATE PO'V*

NINE.

Pang-nine na ang namatay, ang malala, magkasunod pa ito ngayong araw na to, pumunta kami ni brylle sa stage habang ang ibang mga kaklase namin ay natawag nang pulis at ambulansya.

Nine🕘 (Get ready for the holloween party)

"Mamaya na ang holloween party, may mangyayari kaya?" Sabi ko at bumuntong hininga sya.

"Walang nakakaalam.. mas mabuti pa, ipaalam na natin to kila james at angel" sabi nya.

"Pero.. di natin alam kung nasan sila" sabi ko napayuko sya.

"Mas maigi kung mamaya"

Gabi ang holloween party na yun, sigurado isasakto nang killer ang oras dahil magtatapos ang holloween party nang nine o'clock.

Nagpatuloy ang oras, wala namang nangyaring kakaiba bukod sa mga nanngyaring kakaiba na kanina, katulad nang naging magkaibigan si Stephanie na nerd at si Ulexa na pala-absent at tahimik, si janine ay nakasama si james, si julianne na nakausap si brylle, well, wala namang kakaiba sa paguusap ni brylle at juliane pero, ngayon lang kasi sila nagusap.

"Kate" may tumawag sa pangalan ko habang nasa room ako, magisa lang ako kasi pumunta muna ko dito para kunin ang phone ko, naiwan ko kasi habang kasama ko si brylle.

"B-bakit?" Tanong ko... si Julianne pala.

"Wala lang... gusto ko lang nang kausap, pwede ka?" Nakakapagtaka naman, samantalang dati, ang taray nya sakin at iniisnob lang ako, tapos ngayon kakausapin nya ko?

"May problema ba?"

"Wala naman, este.. meron pala..." ngumiti sya sakin.

"Ano yun? Pwede ka naman saking magkwento kung gusto mo" sabi ko at tumango sya, nakakabanibago kasi ang hinhin nang galaw nya ngayon.

"May kapatid kasi ako, kaso nawawala sya, ngayon ko lang nalaman na magkapatid pala kami" tumawa sya nang mahina, nagmukha tuloy syang baliw.

"Sino yung kapatid mo?" Tumingin sya sakin nang diretso, at parang nilulunod ako.

"Malalaman mo rin, kasi malapit na syang mawala" umiwas sya nang tingin at muling tumingin sakin sabay tawa "ah.. una na ko, ayos na! Bye"

Nangilabot ako sa tingin nya, sa sinabi nya, sino ba ang kapatid nya?

Napaupo na lang tuloy ako sa room at hinintay na tumakbo ang oras, naglunch na rin ako at, di ko makita si brylle, hindi ko rin alam kung bakit nang makita ko si Stephanie at Ulexa na nagtatawanan nung bumalik ako sa room, nakakapagtaka naman, ngayon ko lang sila narinig na magtawanan.

"Uh... pwede bang pumasok?" Tanong ko dahil baka nakakaistorbo ako sa usapan nila.

"Pano kung bawal?" Mataray na tanong ni ulexa habang may tinatago sa likod nya.

"Uh.. pwede naman" sabi ko at tumingin sakin nang nakakakilabot ang dalawa.

"Tsk! Nakakaistorbo ka kate!" Sabi ni stephanie at hinila papalabas si Ulexa, napansin ko tuloy na......... Alak pala ang hawak ni Ulexa.

Ano ba talagang nangyayari sa mga tao ngayon? Naguguluhan na ako, sobra.

"Kate?" Si brylle pala.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nakita ko na si Angel at James" ngumisi sya "akalain mo yun? Mahuhulog pala sila sa isa't-isa, pero.. malaki naman talaga ang tyansa"

"Weh?! Pano mo nalaman?!" Excited at natutuwa kong tanong.

"Nagaminan kasi sila" natatawang sabi nya kaya natawa rin ako.

"Magkakatuluyan pala yun noh?" Pagloloko ko.

"Huh?" May biglang sumingit sa usapan namin, at si Janine pala. "Bakit?" Maiyak iyak nyang tanong kaya nagtaka ako.

"May problema ba janine?" Sabi ko at umiling sya.

"Pwede mo naman samin i-share" sabi ni brylle.

"Oo.. tsaka-"

"Wala nga!!!" Sigaw nya sabay takbo papalayo.

"May gusto ba sya kay james?" Sabi ko.

______________________________________________________
Holloween Party [3]

Author:
Sorry sa late u.d, nagsunod sunod ako sa pagu.d, antagal kasi nang panahong di ako nakapag-ud eh, wala kasing internet, tsaka busy sa school, kaya tenen! Eto na! Sorry talaga ah, bumawi na ko, salamat sa mga patuloy na nagbabasa kahit na antagal nang u.d ko, mahal na mahal ko kayo:-), may pic sa media!!

THE NIGHT KILLER (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon