Plan

16 3 1
                                    

Chapter 9- Plan

________________________________________________________

*KATE PO'V*

Gulat.

Gulat at di makapaniwala ang naramdaman ko sa, confession?

Uh.. confession nga siguro.. confession ni brylle, nahiya tuloy ako ng konti sakanya.

"H-huh?"

"Maniwala ka sana, totoo kasi eh"

Di na ko sumagot, kesa naman makipag-argue ako diba?

Maniniwala na lang yata ako.

Nag-awasan na, naglakad ako palabas ng school, hanggang sa sumabay sakin  si brylle.

"Sana wag kang maiilang" sabi nya ng nakayuko at napatingin naman ako bigla .

"Di naman, ba't kaya naplano yun ng principal? Yung, camping?" dahil ayoko ng topic, iniba ko ang usapan..

"May sasabihin sana ako" napakunot ang noo ko..

"Ano yun?"

"Ako ang nagplano non, nagisip ako ng plano para mapansin natin ang killer, at kasabwat ko sina james at angel....... kaya di rin nila masabi kanina ng diretso na ang nagplano ay ang principal kasi ako talaga ang nagplano non"

"Ang galing mo pala magisip ah" napangiti ako at tinapik sya.

"Para sayo naman yun, alam ko namang inip ka na eh, inip sa paghihintay dahil unti unti na silang namamatay"

"Tama ka.... inip na ko" sabi ko sakanya

Hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't isa at nakapunta na sa bahay...

"Tita" tawag ko sa tita ko.

"Oh bakit kate?"

"Meron po kaming over night camping"

"Maganda yan. Baka makahanap kayo ng clue." napatingin naman ako dun.

"Ganyan din po ba...... dati?"

"Oo, ang nagplano non ay yung kaibigan ko, kaso, namatay sya non" napayuko sya, wag naman sana kay brylle.

"Tita, tanong ko lang po, nasan ang tatay ko?" Di ko kasi sya nakita simula nung nagkaisip ako, at sabi naman ni mom na iniwan kami nang tatay ko.

"Malalaman mo yun kapag dumating ang oras na malalaman mo na kung sino ang killer" at tinapik nya nag balikat ko.

Kailan ko ba malalaman kung sino ang killer? Para malaman ko kung sino ang, tatay ko?

Dumating ang bukas...

"Yes!!! Bukas na ang camping!!"

Yan ang karaniwan kong naririnig sa classroom, marahil, exited na sila sa night camping, pero ako?

Natatakot, kinakabahan, medyo exited, at, kinikilabutan,

Kinikilabutan, ang lagi kong nararamdaman dito sa night academy.

"Tahimik ka yata kate"

"Kinakabahan lang ako eh, malapit na ang camping, malapit nang, may mamatay"

"Nandyan lang naman si brylle" sabay tili.

"Tigilan mo ko angel!" Sabi ko "pero... alam kong pakana nya to eh"

"Huh? Pano mo nalaman?"

"Sinabi nya.""

"Yieeeeee! Para sayo daw kaya yun!"

"Focuse ako sa killer! Di sa sinasabi mo angel"

"Kinikilig naman" bulong nya pero rinig ko

"Tigilan mo na ko" sabi ko "wala yan sa isip ko, kailangan talaga muna nating malaman ang killer, para walang mamatay"

"Sya nga ang patay na patay eh, sayo"

"Wag na tayong magusap kung ganyan lang sasabihin mo"

"Joke lang!" Sabay ngiti "sige, kailangan share share sa room"

"Eh share share naman talaga diba?"

"Oo pero, pano kung may magsolo diba?" Tumango ako.

"Bakit mo naman kasi nasabi na kailangan share share?"

"Kasi, pano kung mamaya maya, nagp-plano na yung killer sa loob ng tent nya para mangpatay diba? Kaya, sa tingin ko, wag nang magisa isa para makita natin ang bawat galaw"

"Sige" simple kong sabi..

Pumunta sya sa unahan at sinabi ang bawat plano nya..

Recess.... sabay kami ni brylle.

Lunch.... sabay kami ni brylle.

Napapaisip nga ako eh, talaga bang, gusto nyang makipagclose sakin?

Nagtime na, di ko ikakailang, mabilis ang oras, mas lumalapit ang camping.

"Brylle" tawag ko sakanya bago sya pumasok sa room.

"Oh? Bakit?"

"Salamat" sabi ko sakanya dahil sa tulong  na sinabi nya sakin kaninang lunch.

"Ayos lang yan" sabi yan at biglang.

O___________O

Ginawa nya ba talaga to?

Itong nangyayari ngayon?

Itong ginawa nya ngayon?

__________________________________________________________

*SOMEONE'S PO'V*

Kitang kita ko kayo kate and brylle..

Pero aalamain ko kung anong plano ang pinagusapan nyo ni kate.

Pero ano ba ang plano nyo?

Dahil sisirain ko yun!

_______________________________________________________

Plan

Author:
Pic ni Brylle at Kate!!

THE NIGHT KILLER (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon