Chapter 32- Holloween Party [last]
_____________________________________________________
*KATE PO'V*Nagising ako bigla...
Nagulat.
Ang sakit nang ulo ko, napatingin ako sa paligid.. nasa school pa rin pala ko, teka.. may babaeng tumatakbo.
"Wait!!!!!!!!!" Sigaw ko sakanya pero umalis na sya.
Ang sakit talaga nang ulo ko, nakita ko bigla ang paligid nang malinaw, at mas lalo pa kong nagulat dahil..... patay na si Julianne.
Nakamulat pa sya habang duguan at may saksak sa balikat, nanginig ako bigla nung gumalaw pa sya.
"Janine......" nagulat ako sa sinabi nyang pangalan... di kaya.. yun ang pumatay sakanya? Di kaya yun ang killer? Pero.. bakit di ako pinatay nang killer? Di ba ko pinatay nang killer kasi, kapatid nya ko? Pero naguguluhan ako sa huling sinabi ni Julianne, at yun ay yang Janine.... sya ba ang killer na pumatay sakanya, o ang kapatid nya na gusto nyang patayin at sinasabi nya kanina?
"Kate!!!!" Narinig ko ang boses ni brylle "a-anong nangyari?" Tanong nya at nakita ko rin si Angel at James.
"Di ko rin alam, may tumama na lang sa ulo ko tapos nahimatay ako, at nakita ko na lang si Julianne ngayon na namatay, at ang huli nyang sinabi ay 'JANINE'," nagulat sila sa sanabi ko, yun naman ang ineexpect ko eh, magugulat sila.
"Si julianne pala ang namatay" sabi ni james.
At napahawak na lang ako sa ulo ko bigla dahil nahihilo ako, nandidilim ang paligid ko.
"Kate.." may narinig akong boses mula sa ulo ko.
"Kate? May problema ba?" Sabi ni brylle pero umiling ako.
"Bakit nasayo na lahat?" Narinig ko ulit ang boses mula sa ulo ko.
"Nagdudugo yung ilong ni kate!" Sigaw ni angel.
"Ginawa ko naman lahat ah, pero.. bakit nasayo pa rin yung atensyon nila?" Naiyak na boses ang narinig ko mula sa ulo ko.
At nagdilim lahat..
"Kazey? Bakit lagi ka na lang galit? Ayos naman tayo noon ah" sabi ko.
"Nasayo na lahat eh! Bakit sakin wala?" Naiyak na sabi nya habang nakatalikod "ipaghihiganti ko na lang si tita paglaki ko, gagawin ko yung gusto ni daddy! Papatayin ko sila! At dahil dun, mapapasakin na ang atensyon wala na sayo, dadating din naman ang panahon na yun eh, yung mawawala ka, hahahaha"
"Wag ka namang ganyan" naiyak ko nang sinabi.
"Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko!" Sabay alis nya.
"Kazey.... matitiis mo ba ko? Kapatid mo pa rin naman ako ah" sabi ko...
"Ginawa ko nga lahat eh.. para sayo... ginawa ko nga lahat eh, para ingatan ka, para mapasaya ka, pero nagkamali pala ko noon, dapat talaga di na lang kita.. pinrotektahan, kasi nakakaasar ka!! Mapupunta naman pala sayo lahat... dapat pala, di ko na yun ginawa" niyakap ko sya.
"Sorry kazey!!" Sabi ko pero tumakbo sya at umalis......
Nawala bigla lahat.... nasa madilim akong lugar, walang makita, madilim lang, naiyak. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako naiyak eh.
"Bakit mo to ginagawa?" Tanong ko.....
"Kate? Gising ka na?" Tanong ni brylle.
"Ah... anong nangyari?" Tanong ko.
"Nahimatay ka...... tsaka, dun sa may lugar kung san namatay si Julianne, may papel.." pinakita nya sakin..
10 (you have to wait)
"Huh?" Naguguluhan kong tanong.
"Baka gawin nya ulit yung dati na.... hindi muna sya papatay.. paghihintayin nya na naman tayo" sabi nya sakin "teka.. may naalala ka ba kanina kaya ka nahimatay?" Tumango ako.
"Siguro alaala yun, naguusap lang naman kami eh, pero... sinabi nya dun na, nasakin na daw lahat, so.. baka raw maghiganti na lang daw sya paglaki nya, para na rin daw ipaghiganti si TITA, hindi ko nga alam kung sinong tita yung tinutukoy nya eh" paliwanag ko.
"Ako yun" may biglang sumulpot kaya nagulat kami ni brylle.. si K pala.
"Bakit naman?" Sabi ko.
"Kasi diba nga, dati, maghihiganti sana ang tatay mo dahil ang alam nya, namatay ako, so ang gusto dun iparating ni Kazey, gagamitin nya ang dahilan na 'maghihiganti para maipaglatuloy ang paghihiganti nang tatay nyo para sakin', pero ang tunay nya talagang dahilan ay, naiinggit sya sayo kasi nasayo na lahat" nag-grin sya.
"Ibig sabihin... mula sa simula planado to?" Tumango sya mula sa tanong ko.
"Oo, alam nyang papasok ka talaga sa school na to kaya ngayon din sya naghiganti.... kailangan ko nang umalis.. malapit nyo nang malaman kung sino ang killer" at tuluyan syang umalis.
"Misteryoso pala talaga si K" sabi ni brylle at tumango ako.
"Ano nang nangyari sa Holloween Party?"
"Nanalo si Janine sa costume, at may sinabi sya sa stage"
"Anong sinabi nya?" Pinakita nya sakin yung cellphone nya and I find out na may video pala yun.
"Killer po ako......" sabi ni Janine nung inagaw ang mike sa MC "maghanda ka sana" nagevil grin sya sabay alis.
"Nakakakilabot" bulong ko.
At dun natapos ang Holloween Party.
_______________________________________________________
*SOMONE'S PO'V*"Lumalambot na ba ang puso mo ha... KAZEY?" tanong nang kasama ko.
"Bakit mo nasabi?" Cold kong tanong.
"Pinrotektahan mo pa kasi si Kate kanina, patay na dapat yun eh! Sayang tuloy yung plano" sabi nya pa.
"Hindi ko rin alam"
"Tss... ititigil mo na ba?! Sayang ang pagtulong ko sayo!"
"Nagrereklamo ka? Gusto mo bang mamatay?!" Tanong ko at mukhang natakot sya.
"H-hindi.." sabi nya naman at sinabi kong..
"Good.. tuloy ang plano" nilapag ko ang kutsilyo ko.
______________________________________________________
Holloween Party [last]
BINABASA MO ANG
THE NIGHT KILLER (On-Hold)
Mystery / Thriller"I want you to die, cause I have to revenge, I have to be strong even if you know that i'm weak" (Wag muna basahin, ineedit ni author) Written by:FeaCarcido