School

4 1 0
                                    

Chapter 21- School

________________________________________________________
*KATE PO'V*

Biglang dumilim lahat, wala akong makita, basta ang alam ko, nasa loob ako nang isang lugar na sobrang dilim.

"Kate?" May nagsalitang lalaki

Naglakad ako sa dilim.

"Kate?!" Sabi naman nang isang babae "oh my gosh!" Dugtong neto.

Naglakad ulit ako pero biglang di ako makagalaw.

"Gising kate!" Sabi nang lalaking parang kilala ko ang boses.

Nanigas ang katawan ko sa dilim..

"Kate" tawag ulit nang lalaki, at nakaramdam ako nang mainit na pakiramdam "mahal na mahal kita" sambit nito.

Namulat ako.

"Kate! Nahimatay ka kanina! Anong nangyari? Nagaalala kaya ako" sabi ni angel at nakita ko bigla na nakayakap sakin si brylle "yakap lang pala ni brylle ang kailangan mo eh para magising" kaya biglang bumitaw si brylle mula sa pagkakayakap sakin.

"May naalala ka ba?" Sabi bigla ni 'K'

"Hindi ko alam kung alaala yun o ano, pero, nandon si mom, parang totoo" sabi ko at inalala muli ang nakita ko kanina "at ang malala, naghihina ako dun at duguan"

Napatakip nang bibig si angel.

"Parte yata nang nawala mong alaala" sabi ni james.

"Siguro nga" sabi ko

"Kailangan ko talagang ibalik ang alaala mong nawala, kate, para malaman mo kung sino ang killer, o maihawig mo to sa kaklase mo para malaman mo kung sino dun ang kapatid mong killer" sabi ni 'K'

"Pano kung nagparetoke?" Tanong ni james at binatukan naman sya ni angel "aray!"

"Parang ang labo naman yata" sabi ko.

Naglakad kami, at pumunta sa loob nang sasakyan.

"Sabihin nyo ang mga kaklase nyo para malaman natin kung sino ang pedeng maging killer" sabi ni 'K' "Mga namatay muna"

"1... si Cindy De Villa,
2... Yrna Rodrigez
3.. Anniliyn Domingo
4.. Shaina
5.. Cedric
6.. Ena
7.. Shawn" sabi ni angel..

"Sino ang pwedeng maging killer sa room nyo?" Sabi ni 'K'

"Babae diba?" Sabi ni james..

"Janine Mae Ramirez- taong di napapansin sa room dahil sa sobrang pagkatahimik.
Stephanie Claire Pasco- isang nerd at pinandididrian, mabait sya at tahimik rin, pero sya ang nerd na nalapit sa mga tao.
Andrea Julianne De Chavez- mataray at palaban, sya ang nagsisimula nang mga grupo nang haters.
Ulexa Santos- palaabsent at tahimik.." sabi ni angel

"Ba't wala yung iba?" Tanong ko.

"Hindi ko na sila sinama eh tsaka parang mas maiging ito muna ang pagbasihan natin"

"Eh parang ang layo sa identity nung iba eh" reklamo ni james.

"Hoy! Uso kaya yun sa horror movies, tsaka sa mga librong Mystery/Thriller ang fiction!" Sabi namanni angel.

"Hindi naman tayo nasa horror etsetera movies na yan!"

"Pero katulad nang horror may namamatay!"

Nagpatuloy sila sa pagaaway.

"Tama naman si Angel" sabi ni 'K' "kadalasan talaga, ganon ang mga killer, di nagpapahalata dahil sa masakarang tinataklob sakanyang mukha, pero kung sobra ang galit nya, marahil, nalalabas na nya yung totong galit nya"

"Saan tayo sunod na pupunta?" Sabi ko

"Sa school mo dati" ngumiti sakin si 'K'.

Bumyahe na kami, hanggang sa nakarating kami sa isang school, luma na sya pero ang dami paring bata, ewan ko nga kung bakit may bata pa rin dito kahit na sem break naman.

Naglibot kami hanggang sa principal's office, at buti na lang, walang nangyari sa principal.

"Good morning, anong matutulong ko?" Tanong neto.

"Saan po ba makikita ang history nang school nyo?" Sabi ni angel.

"Sa library maari nyong tingnan pero, ano po bang kailangan ninyo?"

"Ito po si kate, dito sya nagaaral dati, pero may amnesia kasi sya" sabi ni 'K'

"Ah, sige" simpleng sabi nang principal..

Pumunta kami sa library at nakita kong kumuha sya nang libro, mga nakagraduate nang 1rst year high school, syempre tinanong yung name ko at hinanap nya.

"Ito po sya" sabi nung principal.

"Kazey po ba meron?" Sabi ni 'K'

"Ahhhh, ito po-ahhhhhh!" Sigaw nang principal at nabitawan nya ang libro...

At meron tong bahid nang dugo..

________________________________________________________

School

Author:
School na! Wahhh! Salamat mga reader! Mahal na mahal ko kayo, at sana subaybayan nyo pa rin to, sorry kung magulo ang story, huhu, may pic sa gilid------------->>>> wish you like it! Muah! Sorry sa medyo late u.d

THE NIGHT KILLER (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon