Chapter 28- Holloween Party[1]
________________________________________________________
*ANGEL PO'V*Nasa school ako ngayon, 2nd day mula nung natapos ang sem break, wala ngang nangyayari eh.
"Seryoso sya oh" bulong nang makulit kong katabi na si james.
"ako?" Sabi ko.
"Ay hindi, ako yun" panloloko nito.
"Psh! Ewan ko sayo!" Inirapan ko na lang sya, at naglakad papalayo, nagiisip lang naman ako para tulungan sila Kate, at Brylle sa paghanap nang killer tapos may sisingit na tao dito at napakakulit pa?!
"Hoy angel! Wag ka namang ganyan!" Sabi nito pero di ko sya pinansin.
Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa mabilis na na lakad, hanggang sa naging takbo na—
"Ay sorry!" Kaya may nabangga ako.
"Ah, hindi ayos lang ako" sabi nya, oopsss, nabasa ko yung damit nya, wait wait, whose this? Janine Mae Ramirez? Isa sa kasama dun sa list na pwedeng maging killer? What the? "Ah, ate, ayos ka lang?" Natauhan ako bigla.
"Ah! Oo, tulungan na kita ah" tinulungan ko sya, at kapansin pansin ang kanyang kamay.... puro sugat, puro DUGO, agad nya naman tong tinago.
"B-bakit?" Sabi nya sakin at nagseryoso ako bigla.
"Bakit puro sugat ang kamay mo, at puro, dugo—but actually may dugo ang sugat pero.... bakit di mo ginagamot?" Naguguluhan kong sabi.
Ngumiti sya sakin "blood" sabi nya at biglang tumaas ang balahibo ko dahil sa pagbabago nang boses nya; from soft to cold, "ah! Una na ko, bye bye" at bumalik ang boses nya sabay alis.
She's a mysterious one...
Umusad ang araw.... nasa garden ako, actually nagtampo ako kanina kay james eh—at ang babaw nang dahilan ko, mababaw na kung mababaw pero ang lalim naman nang iniisip ko dahil na rin tungkol yun sa killer. Pero bumalik na rin ako agad dahil.... holloween party namin..
_________________________________________________________
*KATE PO'V*HOLLOWEEN PARTY..
"May booth daw diba?" Sabi ko kay brylle, pero seryoso parin sya "uhhh, brylle?"
"Ah! Bakit?" Sabi nya.
"Bakit ka tulala? Anong iniisip mo?"
"Baka ngayon kumilos ang killer eh, sa booth, lalo na't..... madilim dun, at nakakatakot"
"Pwede, pang-8 ang kasunod, at 23 na lang tayo lahat ngayon" sabi ko.
Hanggang sa naglabasan na kami sa classroom at magpuntahan na yung iba sa iba't-ibang booth's, samantalang kami ni brylle, nagiisip lang nang malalim, at may napansin ako bigla na kakaiba.
"Brylle" bulong ko
"Bakit?" Tanong nya at tinuro ko yung nakita ko at nagulat sya "bakit magkasama si Janine Mae Ramirez na kasama sa list na pwedeng maging killer at si james?"
"Mukha pati syang masaya" sabi ko at nakita ko rin si angel, magisa, at nakatingin nang matalim dun kila janine at james "si angel oh!" Sabi ko
"Anong nangyayari sakanila?" Sabi nya "di kaya, may plano sila? O.... nagtampuhan? O.... si janine ang killer?"
Ang tanong na yun ni brylle ay di ko nasagot, dahil wala namang magpapatunay na sya yung killer bukod sa ganan sya kumilos, dati nama'y sobrang tahimik sya at walang kasama kaya di napapansin sa school tapos ngayon? Makikita na lang namin syang kasama si james at di man lang namin alam ang nangyari. Wala kaming alam sa nangyari.
"Sang booth tayo?" Tanong ko at tinuro nya yung pinakamaliit na booth, tumango naman ako.
Pumunta naman kami dun, at.... maliit lang talaga sya, tapos parang blank na malaking tent lang sya, yung pangmalakihang tent ah, kasya ang tao, yung nakakatayo sa loob, actually maliit yung lugar na yun pero mahaba.
"Tara" at pumasok na kami sa loob.
"Ahhhhh!" Sigaw ko nung may sumulpot na babaeng nakaputi.
Tapos, sunod sunod ang pagsigaw ko, dahil sobrang nakakatakot sa loob.
"May kabaong!" Matatakutin din pala talaga ko.
Tapos may kung ano ano ulit na sumusulpot, may babaeng nakaputi, may skeleton, may zombie, at kung ano ano pa.
"Hay! Nakakatkot pala dito kahit maliit lang" sabi ko, at tumango sya't ngumiti.
"Dito na yung huling may susulpot tapos lalabas na tayo" sabi nya at lumiko kami.
At nanlaki ang mata ko sa nakita ko pero panandalian lang naman yun dahil sobrang bilis nang paghila sakin ni brylle.
"Yan tapos na" sabi nya at tiningnan ako "b-bakit parang seryoso ka masyado?" Tanong nya.
"Yung nakita kong pinakahuli sa booth na yan" sabi ko "parang totoo, may babaeng sumaksak sa isang lalaki at ang malala, dun yun sa parteng... balikat" naningkit ang mata nya.
"Di kaya... ang killer ang gumawa non?"
______________________________________________________
Holloween Party Booth's[1]
Author:
Yes!! Nag-ud si author! B.T.W, ganyan po ang holloween party namin dun sa school namin dati kaya ganyan din ang ginawa ko, haha(I mean may mga booth, pero syempre walang pagpapatay, haha), thanks sa lahat na nagbasa.
BINABASA MO ANG
THE NIGHT KILLER (On-Hold)
Mystery / Thriller"I want you to die, cause I have to revenge, I have to be strong even if you know that i'm weak" (Wag muna basahin, ineedit ni author) Written by:FeaCarcido