Chapter 22- Playground
_______________________________________________________
*KATE PO'V*
Bakit may bahid nang dugo ang picture na yun sa libro?
"Nagawa talaga ang killer para di natin malaman kung sino sya, hinarangan nya pa nang dugo ang picture nya dito" sabi ni 'K'
"Pano na yan?" Sabi ni james.
"Dun na lang sa isa" sabi ni 'K'
Pinulot na namin ang libro at nilagay sa lalagyan non, naglakad kami papalayo sa school nang biglang natanggal sa pagkakatali ang sintas nang sapatos ko kaya naman binalikan ako ni brylle.
"Ayos ka lang?" Tanong nya..
"Tatali ko lang-" pinutol nya ang sasabihin ko.
"Ako na" tinali na nya ang sinatas ko at ngumiti sakin.
Naglakad kami pero parang naiwan kami nang mga yun, mga 2:16 na pagtingin ko sa orasan ko at napakaganda nang araw na to, tipong may araw pero di mainit, at sobrang tahimik nang paligid, ang sarap pa nang hangin, tumigil kami bigla sa playground, walang tao, umiihip nang maganda ang hangin, ang sarap, napangiti ako.
"Bakit ka nangiti?" Tanong ni brylle.
"Ang ganda kasi nang araw na to" sabi ko.
"Tanong ko lang" napatingin ako sakanya "gusto mo bang makita ang kapatid mo at ang mga magulang mo?"
"Oo.... syempre, pero tatanungin ko ang kapatid ko kung bakit sya napatay"
"Pano kung di mo maintindihan yun?"
"Iintindihin ko, kapatid ko sya eh, mahal ko sya, kahit na, di ko sya maalala"
"Yun nga ang masakit eh nakalimot ka na" napakunot noo ko.
"Huh?" Gulong gulo kong tanong.
"Hindi na kasi nababalik dati eh, pero sana lang, yung alaala mo, bumalik, kasi yung alaala, may tsansa na bumalik, yung nakaraan, wala" tumingin sya nang diretso sa mata ko "sana, bumalik pa" nagtaka ako sa mga sinabi nya, lalo na't ang itsura nang mata nya ay parang nagpapahiwatig nang salitang 'wag mo kong iwan'
"Bakit gustong gusto mo bumalik ang alaala ko?"
"Para malaman lahat"
"Naguguluhan ako... naguguluhan ako, brylle" sabi ko at tumingin sya sakin, at nabigla ako sa ginawa nya, ang bilis lang naman, pero alam kong lumapat ang labi nya sa labi ko..
"Mas madali lang kapag babalik yung alaala mo eh" sabi nya at hinawakan ang kamay ko "pero, buti na lang, bumalik ka"
"Malalaman ko rin yan" sabi ko.
"Sana nga" sabi nya sakin, at bigla na lang nyang dinukot ang cellphone nya at di namalayang may nahulog dun, nagpicture kami, pinulot ko naman ang picture at binigay sakanya.
"Sino yan?" Tanong ko nung makita ko ang picture na hawak nya, may batang babae na nakatalikod at nasa........ playground?
"Ah, nakuha ko to dati, sakanya, kasi ang ganda, at ang pagkakaalam ko sya to, kaso kapag nakikita ko to, parang hindi sya eh"
"Sino sya?"
"Hindi pa ngayon ang panahon para malaman mo, siguro kapag, handa na ko" tinago nya yun nang bigla nya kong hinila papunta sa swing at pinatong ang ulo nya sa balikat ko..
Lumipas nang ilang minuto, nakatulog ako at nakapatong na ang ulo ko sa ulo nya habang nakapatong ang ulo nya sa balikat ko (gets?), pagkagising ko nanlabo lahat..
May batang tumatakbo...
"Hindi mo ko mahahabol!" Nakatingin sya sakin, gusto ko magsalita pero di nagalaw ang bibig ko..
"Kapag di kita nahabol crush mo SYA" sabi ko, di ko nga maintindihan kung bakit ako nakapagsalita, eh naninigas nga ang labi ko..
"Crush ko nga sya? Bakit ba?!" Sabi nya sakin.
"Crush mo sya?!" Gulat kong tanong.
"Oo nga! Ikaw crush mo ba sya?" Napayuko ako "sumagot ka kaya!" Pero di ako sumagot "silence means yes!"
"O-oo eh" nauutal kong sagot.
"Sabi na nga ba, tsk! Di mo sya sakin maaagaw! Akin na sya, lahat na nasayo! Akin naman sya, hmp!" Umalis ang babae, at naiwan ako sa swing...
Dumilim ulit lahat, may dumating na lalaki.
"Gusto mo ba ko?" Tanong nya sakin
"O-o-h-hinde! Hindi ah!" Sabi ko
"Halata" lumalit sya sakin at niyakap ako, nagulat ako dun "gusto naman kita eh"
Dumilim ulit..
At nasa PLAYGROUND ako..
May batang tumatakbo, naiyak, at mukhang galit sakin.
"Nasayo na lahat! Kinuha mo na lahat! Sakin wala!" Nanggagalaiti ang nasa mukha nya "ayaw ko na sayo! Hinding hindi na kita magugustuhan at ituturing bilang kapatid!!!!!!" Sumigaw sya kaya napapikit ako, pagkamulat ko..
Wala na sya at may lumapit saking babae na parang kasing edad ko.
"Masaya ka na ba, kate?" Tanong nya..
"Nalulungkot ako para sayo-"
"Tinatanong kita kung masaya ka!" Tumango ako.
"Pero..... ayaw kong magkaganyan ka" hinawakan ko sya pero tinapik nya ang kamay ko..
"Iyo na sya noon, iyo pa rin sya ngayon?!" Umiyak sya nang sobra "ang unfair!!!! Dadating rin ang panahon na mapupunta sakin ang atensyon! At mawawala ka rin, dadating ang oras na mamahalin ko ang pagiging si KAZEY!"
__________________________________________________________
Playground
Author:
Pinutol ko yung flashback, haha, salamat sa mga nagbabasa, mahal na mahal ko kayo!! Muah! May pic sa gilid--------------------->>>>>>>>>> iyon yung swing na inupuan nila..
BINABASA MO ANG
THE NIGHT KILLER (On-Hold)
Mystery / Thriller"I want you to die, cause I have to revenge, I have to be strong even if you know that i'm weak" (Wag muna basahin, ineedit ni author) Written by:FeaCarcido