Chapter 10- Dad and Killer
________________________________________________________
*KATE PO'V*
Niyakap..
Niyakap ako ni brylle...
Speechless..
Speechless dahil sa ginawa nya..
"Sorry" sabi nya sakin at ngumiti lang ako.
Umupo ako sa upuan ko, hanggang sa, mag-night classes na.
"Marami tayong activity na gagawin" sabi ni angel sa unahan.
"Ang unang gagawin bukas sa camping ay ang paghahanap ng papel na may nakasulat na numbers, nagkalat ito sa buong school" sabi naman ni james.
"Hindi ba't masyado kaming mahihirapan dahil buong school ang hahanapan namin?" Tanong ni andrew.
"Oo, pero yun ang patakaran na kailangan sundin base dito sa papers na binigay nang principal" paliwanag ni james.
"Tapos may iba't ibang kulay yun at ang kulay non ay base sa sections, ang color natin ay..." tumigil si angel para tingnan ang papel at bigla syang napatingin sa aming lahat matapos tingnan ang papel "blood red?"
"Di kaya ang killer ang nagplano?" Sabi ni lilanie, kaklase namin, kaya naman napatingin ako kay brylle.
"Hindi... dahil sabi nang principal sya talaga ang nagplano, maliban sa colors" sabi james
"Baka may gawin ang killer" kabadong saad ni Janine.
"Malaki ang tsansa, kaya kailangan natin bantayan ang isa't isa, pero ngayon, yung activities muna" sabi ni james.
"Ok, so, lahat ng sections ngayong third year ay may camping,sunod, maghahanap hanap tayo diba ng papel na may kulay, at ang huling number ay, 28?" 28? Diba kaming lahat yun? Kinabahan ako bigla, pati na rin si angel dahil halata sa mukha nya.
"Back to the topic guys! Uhmmm, sama sama tayong maghahanap, tapos sa counter 6 tayo pupunta, pagkatapos mahanap lahat ng papers na yun.." sabi ni james
"Di tayo mahihiwahiwalay, so, good luck for us" pagtatapos ni angel.
Natapos ang night classes, at ang usapan lagi ay tungkol sa over night camping.
Pumunta ako sa bahay, at biglang may nagdoor bell..
Pagkakita ko, si brylle, alam nya bahay ko?
"Pano mo nalaman bahay ko?" Tanong ko.
"Sinundan kita"
O_______________O
"Ba't mo ko sinundan?"
"Para malaman bahay mo"
"Hay! Pasok ka nga dito" tapos hinawakan ko kamay nya at pinapasok.
Nakita ko naman si tita kath..
"May boyfriend ka pala" sabi nang tita ko..
"‘Ta di ko po sya boyfriend, kaibigan ko po."
"Akala ko naman eh. Pero mas malaki ang tsansang maligtas kapag ganon." sabay ngiti.
Pumasok na kami at umupo sa sofa..
"Ba't ka nandito?" Tanong ko
"Para sa plan" sagot nya
"Oh"
"Magkagroup tayo"
"Yan ba talaga ang plano mo?"
"Oo, plano, natin"
"Uhmm, sino kasama mo sa tent?"
"Kung pede, gusto ko... ikaw, pede ba?"
"Si Angel kasama ko syempre, para babae to babae."
"Oo nga noh? Sige si James na lang."
Nagusap kami tungkol lahat sa camping namin hanggang sa umalis na sya at nakita kong nakatitig sakin ang tita ko.
"Kate" tawag nya sa pangalan ko..
"Po?"
"May gusto ba sya sayo?"
"Di po ko sigurado." sabay yuko ko..
"Mabuti kung meron talaga."
"Bakit?"
"Madalas, hinuhuli ng killer ang couples, ganyan dati, ako, kaibigan ko, nanay mo at tatay mo, apat kami, at couples, at ang killer? Balak nya patayin kami, nang sabay sabay, pero di nya nagawa, dahil sa isang bagay." sabi nang tita ko.
"Ngayon, may alam kayo kung sino dun sa mga kaklase ko ang killer, sa tingin nyo lang po"
"Oo, alam ko, pero, di ako sigurado" nagulat ako..
"Sino po?"
"Kung sasabihin ko sayo ngayon, maliit ang tsansang malaman mo kung sino ang tatay mo"
"Ibig sabihin, konektado ang killer at ang tatay ko?"
"Konektado sila, pero di kasalanan ng tatay mo, just find it out kate"
Nagready na lang ako ng gagamitin para bukas, sa camping namin..
Bakit? Bakit kahit nalaman ko na ang tungkol sa killer o sa pamamaraan, at kung ba't sila nangpapatay.. kailan nagkaroon ulit ng katanungan sa utak ko?
Katanungan pa tungkol sa tatay ko? Sino ba sya, sino ba ang killer? At ano ang kaugnayan ng tatay ko at nang killer na yun? Ano ba?
Sino ba?
Sino sila?
__________________________________________________________
*SOMEONE'S PO'V*
"Nakita ko na sya" sabi ko
"May alam ka ba na, tungkol sakanya?" tanong netong isang to..
"Oo, hinahanap nga nya eh, bakit kasi ayaw mong magpakita, hindi yung nagtatago ka dito?!" Galit kong sigaw
"Magagalit si leen.."
"Sya ba yun?"
"Oo"
"Patingin ng picture" pangungulit ko..
"Magkamukha sila" sabi nya at pinakita ang picture
"Ah, nga pala, bakit nyo ko iniwan? Dati?"
"Maghihiganti sana ako sa pumatay sakanya" sabi nya..
"Pumapatay na ko" nagulat sya..
"Ikaw ang night killer na bago?!" Nagulat diba?
"D—i mean... oo, para sayo yun! Pero ang masama, sya ang transferee"
"Papatayin mo ba sya?!" Tsk! Concern.
"Oo.."
"Wag mo syang papatayin kundi—" natigil sya dahil tinutok ko ang kutsilyo sa leeg nya..
"Kundi ano? Wala naman akong pakialam eh, diba ganon naman? Huli ang transferee? Kaya wala kang magagawa, patay sya.. as in tigok! Kaya wag kang lalaban kundi pati ang tita nya, nanay nya lang, at ikaw, patay rin, kaya kahit anong pigil mo, papatayin ko sya"
"Malapit na syang umuwi"
"Wala akong pake" at inirapan ko sya..
Tatay namin..
Magulo man pero oo..…… NAMIN
_______________________________________________________
Dad and KillerAuthor:
Explain ko po... ang killer at si kate ay may connection, pero yan lang ang sasabihin ko, hindi yung iba.. abangan nyo na lang! HahaSa sunod na chapter ay ang The Over Night Camping!!
BINABASA MO ANG
THE NIGHT KILLER (On-Hold)
Mystery / Thriller"I want you to die, cause I have to revenge, I have to be strong even if you know that i'm weak" (Wag muna basahin, ineedit ni author) Written by:FeaCarcido