Chapter 11- The Over Night Camping[1]
________________________________________________________
*KATE PO'V*
Dumating na ang araw..
Araw na ng camping..
Dito lang naman yun sa loob ng school, mga 4:00 nandito na kami, pero tulog lahat ngayong oras na to..
Maliban sakin, kay brylle, angel at james, kaya nagkasundo kami para magusap tungkol sa plano at iba pa.
"Blood red ba talaga ang color natin? Kasi di natin yun pinagusapan" sabi ni angel
"Kahit ako nagtataka, nalaman pala ng killer ang plano natin" sabi ni brylle.
"Ano ba dapat ang kulay natin?" Tanong ko
"Blue yun, pero naging blood red, sigurado, yung killer ang makikialam sa plano natin" sabi ni james
Natapos ang paguusap na lahat ng topic ay tungkol dun, hanggang sa nagumaga, at nagsimula na ang activities..
"Ano ba ang una pres?" Tanong ni anthony, kaklase namin.
"Ang una na gagawin natin ay ang pagsambot ng itlog, ang patakaran na sinabi nila, dapat may isang maghahagis dun sa dulo..." at tinuro ni angel "tapos tayo naman nakapila dito para tuloy tuloy na sambutin ang itlog na hinahagis nya, kapag natapos na, kailangan nating basagin ang itlog na yun, pero dapat di natin mabitawan ang itlog kapag sinasambot pa matataya tayo.."
Nagsimula ang game, lahat ng sections nagsimula na, naghahagisan na sila at ako nama'y nandito sa pangsiyam.
Muntik na mabasag ang amin pero nasambot yun agad, hanggang sa ako na, at nalaglag ko, nagpalit tuloy nang itlog hanggang sa may nanalo na pala, at kami ay pangalawa lang.
"Ayos lang yan at least kasama sa top 3" sabi ni josh, kaklase ko..
Nagbreak muna kami, at umupo ako sa tabi.
"Sure kang yun ang kasunod?" Pangungulit ko kay brylle tungkol sa plano
"Oo naman, pero dahil nalaman nya na ang plano sa di ko malamang dahilan, baka hindi rin sya..." sagot nya naman.
Pano nga ba nya nalaman?
"Ok! Tapos na ang 30 mins break kaya naman pumunta na kayo dito sa unahan, ito na ang kasunod na activity" sabi ni james
Pero biglang umulan, kaya naman, di natuloy ang activity na yun at napagpasyahan na ang activity na gagawin namin ay ipagpabukas na lang, 5:00 nang hapon ang uwi namin kaya may oras pa para gawin ang activity na yun.
Ilang oras kaming nagusap, at kumain ng kumain, hanggang sa tumila ang ulan, pero wala kaming ginawang activity kaya naman sa room lang kami.
"Kailan ba gagawin ang paghahanap ng papel?" tanong ni shaina
"Mamayang gabi" sabi ni angel
"Mahirap kaya yun" sabi ni josh
"May flashlights naman, pero kami lang ni james ang meron dahil kami ang nasa unahan para pangunahan kayo" sabi ni angel
"Baka may mamatay" sabi ni Stephanie.
"Kailangan lang natin bantayan ang isa't isa" sabi james.
Naglunch na rin kami pero naisip kong pumunta sa labas para magpahangin.
"Kate" tawag ni brylle sakin habang nasa labas
"Mmm?" Tanong ko
"Para sayo" binigyan nya ko ng bulaklak, santan na may 6 na petals
"Wow, ngayon lang ako nakakita ng ganto! Ang ganda" sabi ko "s-salamat"
"Sayo lang talaga yan nilaan"
"Pero.... alam mo, gusto ko na malaman ang killer para matapos to" totoo gusto ko na
"Maghintay lang tayo, gagawa yan mamaya ng moves nya"
"Ang mahirap, brylle, malinis ang gawa nya lagi" sabi ko.
"Oo.... at siguro dahil alam nya ang gagawin nating plano, baka...... mas linisin nya ang gawain nya"
Hanggang sa..
Gabi..
Gabi na.. ito na ang oras nang paghahanap namin... ilang oras kami ni brylle kanina sa labas pero pumasok na agad kami at nagready ng gamit..
"Nakakakilabot" bulong ko kay angel.
"Magagawa natin yan" sabi nya sakin..
Naghanap na kami, at nagisip.
"Nasan kaya ang 1?" Tanong ni lilanie
"Baka sa faculty..... kasi isang row ang upuan don" sabi ni stephanie, kaya naman pumunta kami don, at di sya nagkamali, nandon nga.
"Woah! Ang galing mo talaga steph!" Sabi ni geyb.
"Yung 2 kaya?" Sabi ni james
"Baka sa canteen dahil dalawa ang number na nakasulat sa isang upuan don?" Suggest ni shaina, kaya naman pumunta kami don pero wala.
"Baka naman sa room natin" sabi ni josh
"Bakit naman?" Tanong ni geyb
"Kasi pangalawa sa pinakahuli ang room natin."
"Oo nga noh!" Sigaw nila
Kaya naman pumunta kami don at di sya nagkamali, nandon pala sa binatana namin, at nahanap rin namin ang 3, dun sa likod ng building namin, pangatlong puno dun, hawak ko ang 3 si brylle naman hawak ang 2 si angel, ang hawak nila ni james ay ang 1, pero di namin mahanap ang four.
"Baka nasa cubicle nang babae?" Sabi ni cedric
"Bakit naman?" Tanong namin
"Kasi dun lang naman apat ang cubicles eh, diba? Apat ang cubicle dun sainyo!"
"Os? Pano mo nalaman? Pumasok ka?!" Sabi ni geyb, tsk tsk! Yabang nya talaga
"Hindi naman—"
"Tumigil na kayo!" Saway ni james.
"Sinong pedeng pumunta sa loob?" Tanong ni angel.
"Ako na lang!" Sabi ni shaina..
"Sasamahan ko sya para walang mangyari" sabi ni cedric
Naghintay naman kami at bumalik silang hawak yung number 4 at binigay muna samin para kunin raw ang naiwan ni shaina.
Pero.....
Dapat pinigilan ko sila..
Dahil...........
________________________________________________________
The Over Night CampingAuthor:
Don't forget to vote & comment!
BINABASA MO ANG
THE NIGHT KILLER (On-Hold)
Mystery / Thriller"I want you to die, cause I have to revenge, I have to be strong even if you know that i'm weak" (Wag muna basahin, ineedit ni author) Written by:FeaCarcido