Like

14 2 0
                                    

Chapter 8- Like

__________________________________________________________

*KATE PO'V*

Pagkatapos ng pagkamatay ni annilyn, pumunta na kaming bahay.

At kinabukasan, nama'y nandito ako ulit sa girl's restroom kung saan sya namatay.

Syempre linis na, ganyan naman kasi eh, pagkatapos ng pagkamatay, lilinisin, pero kung una pa lang nalaman na namin, sana wala na ngayong kailangang linisin na mga bangkay.

Napabuntong hininga ako, walang mangyayari kung di kami kikilos para malaman kung sino ang killer, dapat talaga malaman na agad namin kung sino ang killer para wala nang namamatay.

Naalala ko na naman si mom, pagkatapos nung tawag na yun, di ko na sya na-contact, di na sya tumawag o sa madaling salita di nagparamdam.

Siguro, iniisip  nyang sinisisi ko sya? Kahit sa totoo lang hindi, dahil baka naisip nya lang na ako ang makakaalam kung sino ang killer kaya nya naman ako dito pinapasok dito, at si mom, alam kong di nya ko papabayaan.

Lumabas ako at nakita ko si brylle nakatayo sa harapan ko, na parang hinihintay ako.

"Sabay na tayo?" Tanong nya sakin at tumango ako, sa totoo lang, recess kasi ngayon eh kaya kami nagsabay..

"Brylle" tawag ko sa pangalan nya, at bahagya syang napatingin..

"Uhm?"

"Pano kaya tayo makakahanap ng paraan para matigilan to"

"Maghintay tayo, wala tayong magagawa kung pati ang killer ay walang ginagawa para ipapansin o para pede nating mapansin ang pagpatay nya" sabi sakin ni brylle at nagpatuloy ako sa pagkain.

Tama sya, pero, tama nga ba?

______________________________________________________

*BRYLLE PO'V*

Alam kong inip na sya, inip na si kate, dahil wala kaming kaalam alam kung sino yung killer na yun kaya nakaisip ako ng paraan.

Paraan na ako lang ang nakakaalam..

Nagbell naman kaya pumasok na kami sa room, at ginawa ang plano ko..

"Ilang linggo kayong walang klase, wala pa kasi kaming nauutusan na magturo sainyo, kaya sana maintindihan nyo" sabi ng principal at umalis na sya.

"Pano na ngayon?" Tanong ni geyb na parang naasar.

Napatingin naman sakin si angel at james, at, parang alam ko yung tingin na yun kaya lumabas sila at makalipas ng ilang minuto ay bumalik sila..

"Guys, para di daw tayo mabored dito sa room, may plan, si—yung principal para satin" sabi ni James.

"Ano naman yan?" Tanong na naman ni geyb.

"We're having an over night camping." sabi ni angel at nagkaroon kami ng ngiti sa labi "over night camp, siguro wala namang tututol?" At wala namang nagsalita..

"Ok! Wala, magplano na tayo para sa ating OVER NIGHT CAMP"

Hanggang sa nagdaldalan na sila..

Ang plano naman namin ay may tent, tapos may bon-fire sa gitna, at kanya kanyang tent pero pedeng mag-share yung iba, 28 kami ngayon kaya medyo malaking space rin ang kailangan dun.

"Kailan ba?" Tanong ni andrew.

"Uhmm, sa isang araw o sa madaling salita, sa wednesday" sabi naman ni james

"Get ready, sana magiging masaya to, o baka naman, may mamatay" sabi ko, at napatingin sila lahat sakin.

"Kailangan nating bantayan ang isa't isa, at magpupulong din tayo sa oras ng over night camping lalo na't meron ding activities" sabi ni angel.

"Masaya naman pala eh! May gagawing activites dun" sabi ni geyb.

"Pero, gagawa ng paraan ang killer para makapatay"

Tumango lahat pero may kutob pa rin ako na, may mangyayari talaga.

"Kate..." tawag ko sa pangalan nya..

"Huh?" Tanong ni kate sakin.

"Pede bang tayo ang magkasama?" Sabi ko at napatitig sya sakin.

"Pwede, bakit?"

"Babantayan kita" simple kong sagot.

"Bakit mo naman ako babantayan?" Sabi nya..

"Kasi gusto ko? or maybe, sasabihin nating..."

"Or what?" Napangiti ako.

"I like you"

_____________________________________________________

*SOMEONE'S PO'V*

Masaya to..

Excitement, and dead bodies! Ayoko naman sa katawan pero gusto ko lang ng dugo.

Yung para bang pinaglalaruan?

Masarap kasi tingnan, masarap silang patayin, para ma-acomplish ko na.

Pero may narinig akong kakaiba sa room na'to.

May love birds pala dito, si brylle at kate.

Haha, ok, itira natin ang love birds.

Kapag wala na yung mga kaklase ko, o namin, sila ang ihuhuli ko,  para makita natin ang ka-cornihan  nilang dalwa habang pinagiisipan ko kung sino sa kanila ang una kong papatayin.

O una kong makikita ang pagdanak ng dugo.

_______________________________________________________

Like

Author:
Pic ni annilyn!!

THE NIGHT KILLER (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon