Chapter 31- Holloween Party [4]
_______________________________________________________
*KATE PO'V*Ewan ko..
Hindi ko rin nasagot ang sarili kong tanong, hindi ko rin kasi alam kung may gusto ba si Janine kay James.
Naupo lang kami ni brylle dahil naboboring na kami habang hinihintay ang holloween party.
"Ano isusuot mo sa holloween party mamaya?" Tanong ko kay brylle at napanguso sya.
"Siguro, vampire... ikaw ano ba isusuot mo?" Napanguso rin tuloy ako, ano nga ba?
"White lady ata isusuot ko, wala akong maisip na isusuot eh" sabi ko.
Napuno kami nang katahimikan, wala rin namang gustong magsalita kaya nanahimik lang kami habang naghihintay.
_______________________________________________________
*JAMES PO'V*Magkatabi kami ngayon ni angel habang nakabihis na nang susuotin para sa holloween party, 5:00pm pa lang naman, eh 7:00pm pa naman ang simula.
"Ghost tayo parehas.. bagay na bagay tuloy tayo" sabi ko na lang pangbasag nang katahimikan.
"Tss.. kahit di tayo mag-costume bagay pa rin naman tayo" mas maganda pala ang banat nya.
"Oo nga noh? Haha, nakita mo sila Brylle at Kate?" Tanong ko.
"Tara hanapin natin" sabi nya at hinigit ako.
Habang naglalakad kami nakita ko si Janine, at.. nagtaka ako sa tingin nya, dahil.... ang lamig at nakakakilabot.
"Kate! Brylle!" Sinabi na lang bigla ni Angel at kumakaway kay Kate at Brylle.
"O james, mukha ka atang nakakita nang tunay na multo?" Bungad ni brylle sakin.
"Wala yun" sabi ko na lang at nagtanguan na lang sila.
Naglakad na lang kami at habang naglalakad kami, nahuli kami ni angel sa likod.
"May problema ka ba talaga James?" Tanong ni Angel.
"Kasi kanina, si Janine, tumingin sakin nang nakakakilabot at malamig kanina, parang may kakaiba" sabi ko.
"Parang may gusto nga sya sayo eh"
"Ikaw naman ang gusto ko" ngumiti ako..
7:00pm🕖
HOLLOWEEN PARTY.
"Awoooo!!" Sigawan nang mga tao, yung sigaw na panakot "haha!"
Napatingin na lang ako sa langit.
"Happy Holloween James" nang may biglang nagsalita sa likod ko.. si Janine pala.
"Happy—" natigilan ako bigla, pero tinuloy ko agad ang sasabihin ko "happy holloween rin" ngumisi sya sakin, katulad nang ngisi nya sakin kani-kanina lang "kakaiba yata yung suot mo? Ano bang tawag sayo? Di ka naman ghost, or zombie, or white lady"
"Killer ako" napaiwas ako nang tingin "haha... pwede naman yun diba? Kasi nakakatakot rin ang killer" kinilabutan ako nung sinabi nyang 'nakakatakot rin ang killer' "sige una na ko"
"James!!!!!!" Tawag ni angel, at tumingin sakin nang diretso.
"Bakit?"
"May nangyari ba?" Tanong nya.
"Nakakakilabot lang si Janine"
"Nakakakilabot nga.. nakausap ko sya kanina"
"Anong nangyari?"
"May hawak kasi syang kutsilyo kanina kaya napalayo ako sakanya, tapos tinanong nya kung.. natatakot daw ba ko, sabi ko oo gawa nang kutsilyo tapos tinanong ko kung ano yung costume nya, sabi nya Killer sya, at halata daw na... nakakatakot daw pala talaga ang pagiging killer" tumaas ang balahibo ko.
"Sya na kaya?" Tanong ko.
"Hindi natin masasabi yan... walang nagpapatunay" sabi nya na lang at niyaya akong pumasok na sa loob nang gym namin para sa party.
Nakita ko namang magkasama si Ulexa at Stephanie, at si Julianne na nakatingin nang masama kay Ulexa, ang gulo na tuloy, ano na ba talagang nangyayari?
Umalis si Stephanie at Ulexa sabay lakad papalayo.
__________________________________________________________
*KATE PO'V*Nakita ko na naman si Ulexa at Stephanie na magkasama, hindi ko pa rin pala maiwasang magtaka.
"Kate" may tumawag sakin, at si—
"K?! Bakit ka nandito?" Nagtataka kong tanong.
"Matagal na kong pumupunta dito noh, kaso di mo pala ko nahahalata, tinitingnan ko pa rin ang mga pwedeng maging killer" sagot nya.
"Kailan pa?" Tanong ko.
"Mula mung pasukan pa lang, pumupunta punta na ko dito, at parang mamatay ang isa sa mga pwedeng maging killer mamaya, di ako sure pero... isipin NYO na lang kung sino yun.. una na ko" sabi nya at nag-wave sakin papalayo.
Pumunta na agad ako kay brylle, angel at james para sabihin ang nangyari.
"Tingnan na lang natin, sigurado kong mangyayari yun ngayong gabi"
"Sinong una nating susundan?" Tanong ni angel.
"Mas maigi kung kayo ang magkasama, kami ang magkasama" sabi ni james.
"Game?" Tanong ni brylle..
"Game!" Sabi nang lahat.
Nagsimula na kami sa pagsunod, kami ni brylle ay kay Julianne, sila James at Angel ay kay Janine, tapos magsasabay kami sa huli na sila Stephanie at Ulexa.
"Kate.. pwede ba kitang.. makausap?" Tanong ni julianne, nagulat nga kami at bigla na lang syang sumulpot sa harap namin ni brylle "gusto ko ikaw lang, hindi kasama si brylle" tumaas ang kabila nyang kilay kaya nagsimulang umalis si brylle, pero bagon yun bumulong sya sakin.
"Magingat ka, tawagan o sumigaw ka lang nang pangalan ko kung kailangan mo ko.. nandito ako"
At tuluyan na syang umalis.
"Siguro, kailangan nang mawala nang kapatid ko" hinawakan nya ang kamay ko at may tinutok na kutsilyo sakin. "Mawawala na sya.. hahaha! Mamaya maya" tumingin sya sa orasan nya at ngumiti sakin sabay lagay nang kutsilyo nya sa palapulsuhan ko. Teka teka.. sya ba ang killer?
"Ikaw ba ang killer" tumingin sya sakin nang malalim sabay evil grin.
"Hulaan mo" panloloko nya.
"Umamin ka!" Sigaw ko, kaya naman parang naasar sya sabay tutok sakin nang kutsilyo.
Kasunod non, ay dumilim ang paningin ko....... dahil may mabigat na tumama sa ulo ko.
______________________________________________________
*SOMEONE PO'V*Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang bagay na to.
Hindi ko alam kung bakit ginusto ko pang protektahan ka kesa mamatay ka, alam kong di mo pa alam ang killer, kate, kaya alam kong di mo pa ko kilala.
Malalaman mo rin, pero kailangan ko kasi muna tong tapusin, nasimulan ko na nung una, kailangan ko pa maghiganti.
Killer ako... ang killer, hindi kailan man naluha, pero... habang sinasaksak ko ang babaeng nasa harap ko ngayon.
Naluha ako bigla.
_______________________________________________________
Holloween Party [4]
BINABASA MO ANG
THE NIGHT KILLER (On-Hold)
Misteri / Thriller"I want you to die, cause I have to revenge, I have to be strong even if you know that i'm weak" (Wag muna basahin, ineedit ni author) Written by:FeaCarcido