Goodbye

14 2 1
                                    

Chapter 6- goodbye

_________________________________________________________

*ANGEL'S PO'V*

Patay na sya...

At higit sa lahat, huli na kami, napaluhod ako't umiyak, parehas naman kami ni kate ng ginawa..

Humingi ng tulong sina brylle at james, at tumawag na rin ng pulis..

"Huli na tayo" sabi nya..

Lumipas naman ang ilang minuto, umalis na kami sa lugar na yun, siguro di ko na kakayanin, sinabihan naman kaming wag sabihin sa iba na may nangyayaring ganto para di madumihan ang larawan ng eskwelahan. Samantalang ngayon nama'y napuno ng kalungkutan sa loob ng classroom, at sabi naman nung principal, sa ngayon ay wala saming magtuturo, dahil halos lahat ng nautusan ay natatakot..

Mula first year dito ako pumasok, pero ewan ko ba, kung bakit di ako sanay sa gantong nangayayari, siguro di naman yo dapat sanayin. Si james naman nakatitig sakin at kumuha ng panyo at pinangpunas sakin, di ko na ikakakailang may gusto ako sa taong to, pero... ayokong umasa dahil baka wala akong mapala..

Pero alam kong yung pagmamahal ay di nya iniisip, dahil kami ang president at vice president ng room, dapat iniisip namin ang kaligtasan upang walang sumunod sa pagpatay, o kaya naman, sabihan ang mga kaklase namin ang nararapat gawin..

Si Ulexa naman na tahimik, ay lumapit sakin..

"Ako na lang ang magtuturo angel, siguro ayos lang?" Tumango ako at nginitian sya

"Kaso baka di mo alam ang gagawin"

"Sinabi na sakin ni ma'am yun, Nung... nabubuhay pa sya" nagtubig ang mata nya, alam kong nalulungkot rin sya sa pagkawala ni ma'am..

"Sayang nga eh, wala na sya"

"Sige, sisimulan ko na ang pagtuturo" sabi nya sakin at tumayo sya sa gitna at nagsimula..

Hanggang sa nagawasan na, yung iba umalis na kasi dun na lang daw sila sa bahay nila at di magn-night classes..

"Pano yan ang unti natin? Tsk! Dapat di na lang ako pumasok ngayon, mas nakakatakot tuloy!" Reklamo ni yrna..

Maunti nga lang kami, at mas nakakakaba, dahil alam naming nandito lang sa paligid yung killer..

"Anong gagawin natin ngayon angel?" Tanong sakin ni geybrielle..

"Kahit nga ako, di ko alam, kayo na lang magisip, gusto nyo, kanya-kanya?" Tumango naman silang lahat at nagtipon kami ni brylle, kate, james at ako..

"Anong gagawin natin?" Tanong ni kate..

"Maguusap tayo tungkol sa pagpatay" sabi ko..

"Huh?!" React nila..

"Seryoso ako, may namatay na ngayon, sunod sunod, baka may sumunod pa.. tumingin tayo ng clue" sabi ko

"Sige...hmm, siguro number" sabi ni james..

"Number na ano?"

"Diba namatay na una ay si cindy" paliwanag nya "diba may nakasulat na.. uno (ikaw ang una)" non ko lang narealize na, oo meron nga..

"Oo, pero si ma'am, wala" sabi ko..

"Di sya bilang" sabi ni brylle "tayo lang na magkakaklase ang binibilang nya, halata naman diba? So..baka pangalawa na"

"2" sabi ko..

"Pano yun?" Sabi ni kate

"Group!!!" Sabi ko sakanya..

"Tingnan natin ang mga tao, at groups dito" tumayo kami at tumingin sa paligid..

Ang nakikita kong pangalawa na grupo ay sina yrna at Annilyn, at saktong sila ay dalwa rin, sinabi ko yun sakanila, sabi ko rin na, wag aalisin ang tingin sakanila..

"Parang wala namang nangyayari" sabi namin, pero biglang tumayo si yrna at nagusap sila ni annilyn tapos lumabas sila kaya nabahala kami..

"Yrna! Annilyn!" Sigaw namin sakanila kaya bahagya silang napatingin "w-wala.. sige" sabi ko..

"O, pano natin sila susundan?" Tanong ni kate..

"Oo nga, eh hindi naman natin alam kung san sila pupunta" sabi naman ni james..

"Wala tayong magagawa, maghihintay na lang tayo, dahil kung susundan natin sila, hindi natin sila agad mahahanap dahil di natin alam kung saan sila pupunta" sabi ko..

At nakita naming bumalik si annilyn para kunin ang cellphone na naiwan..

"Saan ba kayo pumunta, at nasan si...... yrna?" Tanong ni brylle kay annilyn..

"Ah..nandon sya sa library, nagbasa kasi kami, boring eh, pero babalikan ko na sya" sabi nya at sakto namang malapit lang dito ang library kaya natanaw ko yun ngunit may mali..

May nakita akong aninong nasa likod ni Yrna.
______________________________________________________

*YRNA PO'V*

Pumunta kami ni annilyn dito sa library, boring kaya sa room, lalo na't wala si ma'am kaya walang nagtuturo.

Nakakaasar din dahil..... wala na si cindy, wala na kong kaibigan! Dahil yun sa katangahan ni kate.

At siguro sya ang night killer! O kaya naman dahil rin yun sakanya, dahil kung di sya nagtransfer, wala sanang namatay, at di sana makakapatay ang killer!

Bumalik naman si annilyn sa room para kunin ang cellphone nya, kaya ako'y nagpatuloy sa pagbasa, ngunit nakaramdam ako nang malamig at namatay ang ilaw, pero bumukas yun ulit.

Sa madaling salita, nagbiblink ito, kinabahan tuloy ako.

"S-sino yan?! Ha?! Ikaw ba yan kate?!" Takot kong sabi.

"Hahahahaha! Kala mo talaga si kate yun?" Teka.. ang boses na yun, nakakakilabot, di ko yun makilala , tumindig ang bahahibo ko. "Hulaan mo.." pakanta nyang sabi."

"Sino ka! Magpakita ka!!" Sigaw ko at nakaramdam ako ng malamig na bagay sa balikat ko, balikat, teka, yun ang mga parte ng mga kaklase ko na nasasaksak ng killer, si cindy, sa balikat sya may saksak at sabi nila binigti daw, at si ma'am ramos, sa balikat rin, di kaya, ako ang sunod.

"Eto na! Nagpakita na ko! Tenen! Surprise! Natuwa ka bang ikaw na? Hahahaha!! Wag ka kasing.. MAGPALINLANG"

"Tang*na mong—bitawan mo ko—" tinakpan nya ang bibig ko.

"Shhhh.." at namatay ang ilaw. "Wag kang maingay. Sabay saksak nya sa balikat ko at sa sobrang sakit non napasigaw ako at umagos ang naparaming dugo.

"Ahhhhhhhh! Wala kang awa!"

"Huh? Walang awa? Eh pake ko? Ginawa rin naman nya to dati eh, pinagpapatuloy ko lang." At sinaksak nya ng paulit ulit ang balikat ko ko at napabagsak ako kaya naman nakita ko ang mukha nya at di makapaniwala.

"Ikaw?! Pano mo yun nagagawa—" sasabihin ko sana ang pangalan nya pero hinpas nya ko nang upuan sa ulo at sinaksak ang balikat ang braso ko.

"Wag mong sasabihin pangalan ko, dahil di na ako yun, ako na ang night killer" sabi nya at di na ko ganon makahinga..

Nagsulat naman sya sa papel habang nakuha ng dugo mula sa sugat ko, o kung tatawagin natin ay nagsusulat sya gamit ang dugo ko at nakita kong nakasulat ay..

Second (every seconds, you know that i have to kill someone)

"Goodbye!" Sabi nang the night killer

At may narinig akong yapak mula sa labas kaya naman sinaksak nya ulit ako sa balikat at unti unting bumigat ang mata ko na para bang gusto nang pumikit.

Habang may luha.

"Yrna!" Rinig kong sabi ni kate pero huli na sila, wala na ang killer at mamatay na ko.

"Sorry.. Kate."

Pumikit ako at nawalan na ng hininga.

________________________________________________________
Goodbye

Author:
Hi! May pic sa media!!

THE NIGHT KILLER (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon