Umuwi na ako galing sa mansyon ng mga Vargas at kumuha ng ilang mga gamit sa bahay, mga gamit sa pang araw-araw. Pagkatapos kong kumuha ng ilang damit, dumiritso na ako ng ospital.
Binuksan ko nang dahan-dahan ang pinto. Nakita ko si Renesa na natutulog sa gilid ni Inay. Natutulog ito habang naka upo. Dahan-dahan ko itong ginising.
"Ren... ren?"- tinulak ko nang mahina ang kaniyang balikat. Pero umungol lamang ito. Kaya inulit ko ang pag yugyug sa kaniya at nagtagumpay naman ako.
"Kuya? Kanina ka pa?"-tanong nito. Naghikab ito at nag-inat.
"Hindi. Ngayon lang. May trabaho na ang kuya Ren. Mapapagamot ko na ang Inay."- sabi ko sabay ngiti.
"Talaga kuya? Salamat Po Lord!"- sabi nito sabay yakap.
"Mapapagamot ko na ang Inay ngayong buwan. Mag pray tayo kay God na makapasa ako sa training para buwan-buwan ko nang mapapagamot ang Inay."- sabi ko kay Ren-ren at tinapik-tapik ang ulo nito.
"Opo Kuya! Sigurado po akong makakapasa ka po. Kasi ang sipag-sipag ni Kuya. Idol ko si Kuya eh!"- sabi nito.
"Hahaha. Sana nga Ren. May sasabihin pala ako sayo Ren. Papupuntahin ko si Tita Miralyn dito para bantayan si Inay. Stay-in kasi si Kuya sa trabaho. Hindi siya makaka-uwi. Walang mag-aalaga sayo dito.Ikaw naman ay pauuwiin ko sa Palawan. Dun ka muna. Paaralin kita dun. Ngayon kana pala ba-byahe.- kami lang kasi nandito sa Maynila. Lahat ng kamag-anak namin ay nasa Palawan.
"Ano? Ayoko kuya. Dito lang ako. Babantayan ko si Inay!"-pag re-rebelde nito.
"Hindi pwede Ren. Ano nalang ang sasabihin ni Inay na hindi ka na pumapasok? Sa tingin mo ba matutuwa si Inay? Dun ka muna kina Lola Jane. Padadalhan naman kita ng pera eh. Gagawin ko ang lahat para mapatapos ka nang pag-aaral.Wag kang mag-alala, bibisitahin naman kita dun eh."- sabi ko kay Ren-ren. Tila nag-iisip ito.
"Pangako mo sakin kuya na bibisitahin mo ako dun ha? Mag-aaral ako dun ng maigi tapos kapag naka-graduate ako, tutulungan ko kayo ni Inay."- sabi nito.
"Mahaba-habang usapan pa iyan Ren. Wag kang mag-alala. Makaka-graduate ka. Kahit anong kurso na kunin mo, susuportahan kita."-Napakaganda ng sinasabi ng batang ito ngunit sampung taon pa lamang si Ren-ren. HAHAHAHA ^_____________^

YOU ARE READING
MY BOSSY BUTLER
Fiksi RemajaMulti-billionnaire ang dad ni Sunshine na si Don Mariano Vargas. At alam ng buong mundo iyon. Sa ika-50th butler ni Sunshine ay napagpasyahan ni Don Mariano na kapag hindi pa rin ito matanggap ni Sunshine ay hindi niya magagamit ang pera hanggan...