CH. 22

438 21 4
                                    


(Guys may new story pala ako hihi. THE TWO UGLY DUCKLINGS ang title ng story. Basahin nyo din ha? tapos comment kayo ng maganda ba o hindi hihi. Salamat!)   

Kinabukasan ay maaga akong bumangon para sana gisingin si Sunshine pero pagkapunta ko sa sala ay nasa sala na pala ito kasama si Ren-ren. Sabado ngayon kaya walang pasok.


"Goodmorning Kuya"-bati ni Renesa sakin.

"Goodmorning Ren"-sabi ko sabay halik sa buhok nito.


"Goodmorning Steven"- bati ni Shine na dahilan para mapanganga si Renesa.


"N-n-nagsasalita ka na ate Shine?!"- gulat na gulat si Renesa. Tumango lang ito at ngumiti. Lumapit ako sa pwesto nila. "Kumain na kayo?"- sabi ko at nagpuntang kusina.


Tumango lang si Renesa. "Tapos na. Steven, ba't ngayon ka lang gumising?"- si Shine.


"Huh? Anong oras naba?"-sabi ko at tumingin sa wall clock.


Namilog ang mata ko sa nakita, mag a-alas onse na?!


"Kuya? Ba't ang laki ng eyebags mo? Nangingitim pa. Para ka tuloy zombie. Nahalikan ka ba kagabi at hindi ka nakatulog? HAHAHA"- wala sa sariling tanong ni Renesa habang nakatingin lang ito sa tv.

"Oh? Ba't natahimik ka kuya? Totoo ba? HAHAHA.. at sino na namang malas na humalik sa'yo? Patay, mamalasin talaga yun hanggang kamatayan! HAHAHA.! ^______^"- binato ko si Renren ng sponge. Sinalo lang niya ito at tumawa na naman. Nakita kong natigilan si Shine at namula. Sinubukan nitong yumuko para hindi ko makita pero huli na. Naalala ko tuloy yung halik nya sakin kagabi.


' aisshh! ang sama talaga ng kapatid ko!'  =___=



Nagmamadali akong tumakbo papuntang banyo at nakita ko sa salamin na malaki talaga ang eyebags ko at ang itim pa nito.


Napahilamos ako sa palad at naisipang maligo nalang. Kasalanan talaga 'to ni Shine. Kung hindi lang sana niya ginawa 'yun' kagabi, makakatulog  sana ako nang payapa. Tsk  -__________- . Marami na akong babae at marami na ding humalik sakin, yung iba sa lips pa nga. At matagal pa! pero nakakatulog naman ako ng MAHIMBING. hayss.


Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na at lumabas na ng kwarto. Tatlo ang kwarto sa bahay pero maliliit lang. Ang pinaka-malaki ay yung kay Lola Jane. Magkatabi kasi sila ni Renren sa kwarto. Ang kwarto na tinutuluyan ni Shine ay yung kay Tita Miralyn at ako naman sa guest room.


Normal lang naman ang bahay namin. Sa labas ng bahay ay may veranda na tanaw ang dagat. Pagkapasok ng bahay ay sala agad. May mahabang sofa na bulaklak ang disenyo at dalawang upuan na terno sa sofa.  Sa left side ng pinto ay may limang baitang na hagdan. Sa itaas ang dalawang kwarto nila Shine at Lola. Ply wood lang ang ginawang pader para maging dalawa ang ang kwarto. Nadagdagan ang ganda ng bahay dahil sa pintura ng kulay langit. Kapag naman lumabas ka ng kwarto ay may isang metro ang lapad na hallway at tanaw ang buong sala.


Sa ibaba ay ang sala at kusina na ang divider lang ang naging pader. Sa likod ng divider ay ang kusina. Sa left side ng divider ay makikita ang kwarto ko. Walang hagdan pero may silya. Yung ang gamit para maka-akyat. Hindi katulad ng kwarto nila Shine at Lola Jane, walang hallway ang kwarto ko kaya kung bababa ka, dapat nakatalikod at kakapkapin mo pa gamit ang paa ang silya para makababa. 

MY BOSSY BUTLERWhere stories live. Discover now