Shine's POV
o may POV na ako, finally! ^_____^
"Sino yun Ren?"- tanong ko kay Renesa.
"Ahh. Si Kate yun. Kababata ni kuya, minsan nya na yun kinwento sakin. Kate daw pangalan, hindi ko naman natatandaan e. I was only 3 years old then."- sabi nito.
"Ahh"- yun na lang nasabi ko. Kababata pala ni Steven yung Kate.
Ano ba naman mapapala ko dun sa Kate na yun. Wala akong laban, mas marami siyang alam tungkol kay Steven na hindi ko alam. Ngayon ko lang nalaman na Bentoy pala nickname nito.
Bigla tuloy akong nalungkot dahil sa isipin na yun. Kanina dun sa Mall, nakita ko pa yung kamay ni Kate na mala-anchor na kumapit dun sa braso ni Steven. Hayss. How I wished na makaka-kapit din ako ulit sa braso ni Steven.
Kasama na namin sila at nag-offer ng ride.
"Ahh. Okay, so can I visit Lola Jane? Para na din makapunta ako sa inyo. Anyways, can I give you a ride? I have a car."- ano? Si Steven lang pasasakayin niya? Iiwan kami dito ni Renren? Hindi ko familiar ang place nato. At isa pa, 11 pa si Renren, may alam na ba siya sa outside world? Tiningnan ko si Renren at parang pareho kami ng nasa isip dahil galit itong nakatingin kay Kate.
At parang na gets naman ni Kate ang masasaman titig ni Renren.
"And I mean, not just you but all of you"- sabi nito nang nakangiti. Plastic naman. Wala kaming nagawa ni Renren kaya sumunod na lang kami sa kanila. Una sa paglalakad sila Kate with her arms hooked with Steven's arms.
"Wag kang mag-alala ate Shine, ikaw manok ko."- bulong nito sakin.
O______O *lunok
"H-huh? A-anong pinagsasasabi mo diyan Renren?"- maang-maangan ko. Patay ako nito. I must deny it, I must deny it! >_____<
"Wag ka nang in-denial ate Shine! Alam ko yang mga titig mo kay kuya Steven. Sabihin mo ate Shine, hinalikan mo ba si kuya Steven nung matagal kayong nakauwi? Hindi naman yun magkakaganon kung walang dahilan e. Tapos nagsasalita ka na kinabukasan. Ano? Kiss lang ba? Wala nang iba?"- taas-baba ang kilay nito habang sunod-sunod ang tanong.
"Renren! Ano ba yang mga pinagsasasabi mo!"- nagulat ako sa tanong nito. Hindi ko alam na aware na pala ito sa mga for adults na mga bagay.
Lumingon samin yung dalawa.
"Bakit Shine? Ano bang pinagsasasabi ng kapatid ko?"- tanong ni Steven. Tumigil kami sa paglalakad at nakatingin na silang tatlo sakin.
Si Renren ay nagpipigil lang mang tawa. Nagpapalitan ang tingin ni Steven sakin at sa kapatid niya.
"A-ah, E-eh, S-sinabi ng kapatid mo na... Na...."- hindi ako makatingin kay Steven, palipat-lipat ako ng tingin, sa kanan, sa kaliwa, sa taas, sa baba, basta hindi sa harapan kung nasan sila.
"Na...?"- tanong ni Steven. Naghihintay lang ng sagot. Paano ko ba sasabihin na ang bastos na mag-isip ng kapatid niya.

YOU ARE READING
MY BOSSY BUTLER
Teen FictionMulti-billionnaire ang dad ni Sunshine na si Don Mariano Vargas. At alam ng buong mundo iyon. Sa ika-50th butler ni Sunshine ay napagpasyahan ni Don Mariano na kapag hindi pa rin ito matanggap ni Sunshine ay hindi niya magagamit ang pera hanggan...