Malapit na kami sa public cr pero napatigil kami dahil sa andaming nakapila na tao. Nilingon ko si Shine at parang maiiyak na naman ito. Nag-panic ako at agad na hinila ang kamay habang pabalik sa beach. I am currently holding her wrist.
Tumigil kami sa di-kalayuan mula sa mga tao at inilapag ang dala-dala kong basket. Inilabas ko na rin ang mattress pad para maging upuan namin sa buhangin. Ipinatong ko ang basket kong dala dito..
"S-steven"- mahinang tawag ni Shine sa pangalan ko. Nilingon ko si Shine na nakatayo at tiningnang mabuti ang muka. Mukang naiihi na talaga ito.
"Tara"- I grabbed her hand at hinila papuntang dagat. Tumigil ito at nag-aalangan. "It's okay, walang makakaalam."- pag a-assure ko sa kanya. Nakahawak pa rin ako sa kanyang kamay at dahan-dahang lumusong sa dagat hanggang sa may bewang na namin ang tubig. Nakayuko pa rin ito at namumula. (Ang intense nang ginagawa namin noh? HAHAHA) "Tapos na?"- inosenteng tanong ko. Nakayuko lang ito at umiiling. "Hindi pa?"- umiling na naman ito.
"Na.. n-nahihiya ako"-kagat-labing sabi nito. Nakita ko ang ginawa niyang pagkagat at automatic na uminit ang muka ko. Shit! Mabilis akong tumalikod at aalis na sana nang bigla niyang hinawakan ang likod ng damit ko. "Wa-wag mo kong i-iwan"- napatigil ako at dahan-dahang nilingon si Shine. Umiiyak na naman ito.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Shine. "Wag ka nang umiyak. Hindi kita iiwan. Dito lang ako."-pinahiran ko ang mga luha nito gamit ang hinlalaki ko. "Tatalikod lang ako okay? Sige na, umihi ka na. Baka magkasakit ka pa ng UTI. Sige ka"- sinubukan kong magpatawa para naman hindi awkward ang atmosphere namin. Tumango lang ito at tumalikod na ako pero nakahawak pa rin si Shine sa likod ng damit ko.
Makaraan ng ilang segundo at naramdaman kong may humila na sa damit ko kaya lumingon ako. "Tapos na?"-tumango naman si Shine. Ngumiti ako at dahan-dahan naman itong ngumiti. Umahon na kami ng dagat at pumunta sa pwesto kung san ko nilatag ang basket. Nilingon ko si Shine at basang-basa ito at medyo nakita ko yung...(*lunok ). Mabilis kong kinuha ang tuwalya sa loob ng basket at binigay kay Shine. "Eto, gamitin mo."- sabi ko nang wala sa kanya ang paningin habang inaabot sa kanya ang tuwalya. Shorts lang naman basa sakin. Umupo ito at inilagay sa likod nito. Umupo na din ako at kinuha ang basket.
Inilabas ko ang kanin na nasa tupperware, dalawang saging, tatlong mansanas, dalawang adobong baboy at apat na lumpiang shanghai na nasa ibang tupperware. Manipis lang naman yung damit namin kaya mabilis lang itong natuyo dahil sa hangin. Matapos naming kumain at umupo muna kami at hindi pa umaalis. Gabi na at iilan nalang tao ang nakikita namin sa paligid. Ine-enjoy lang namin ang simoy ng hangin at ang maraming bituin sa langit. Niyakap ni Shine ang mga tuhod at ako naman ay itinukod ang dalawang kamay sa likod habang naka-straight ang paa na lumampas na sa pad. Walang nagsasalita samin at nakatingin lang sa hampas ng alon.
Tumingala ako at tinitingnan ang mga bituin sa langit na kumikislap-kislap. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingala din si Shine. "Nakita mo yun!?"- ang tinutukoy nito ay ang dumaang shooting star. Tiningnan ko siya dahil nakapikit na ito at humihiling. Kahit hindi ako naniniwala ay pumikit din ako at humiling na sana magiging normal na ulit si Shine at sana palagi ko na siyang nakikitang masaya at ngumingiti. Nuon ay naiinis ako sa kanya dahil sa mga pinaggagawa niya sakin. Nandon siya sa swimming pool at lumalangoy nang tinawag niya ako. Umahon ito mula sa tubig at humingi ng limang piso sakin. Pagkabigay ko ay tumalon na ito sa swimming pool at lumangoy pagkaraan ng ilang saglit at umahon na naman ito at nagsabing nawala nya raw yung limang piso kay pinahanap niya sakin. Hindi daw ako pwedeng umahon hanggat di ko nakikita. Hanggang gumabi na kaya ang ginawa ko ay binigay sa kanya ang extra kong limang piso. Pagod na pagod ako ng panahong yun.
Daig ko pa ang nagswimming sa Pacific Ocean. Sa laki ba naman ng swimming pool nila?! Hindi kasi ako makaka-ahon kasi may nakabantay sakin. Akala niya talaga mapapa-alis niya ako sa bahay. Grabe, mapapatawa nalang ako sa mga pinaggagawa nito sakin nuon.
Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya minulat ko ang mata ko at tumingin kay Sunshine. "Salamat"- mahinang sambit nito at ngumiti. Ngumiti naman ako pabalik at ginulo ang buhok nito, tumayo ako at inilahad ang kamay "Tara na?"- sabi ko. Ngumiti ito at inabot ang kamay ko. Hindi ako nagsisisi na pumunta kami dito sa beach. Hawak-kamay kaming umuwi ng bahay. Pagkabukas ko ay madilim na ang paligid at malamang tulog na ang nandun. Tiningnan ko ang wall clock at nakitang mag a-alas onse na pala.
"Sige na, matulog ka na"- sabi ko at ngumiti.
Tatalikod na sana ako nang bigla niyang higitin ang kamay ko pababa at hinalikan ako sa pisngi. "Goodnight"- sabi nito sabay takbo papuntang kwarto nito. Nagulat ako sa ginawa niya at napahawak nalang sa pisngi, saglit pa akong natigilan bago naglakad nang wala sa sarili papuntang kwarto.
TO BE CONTINUED...

YOU ARE READING
MY BOSSY BUTLER
Fiksi RemajaMulti-billionnaire ang dad ni Sunshine na si Don Mariano Vargas. At alam ng buong mundo iyon. Sa ika-50th butler ni Sunshine ay napagpasyahan ni Don Mariano na kapag hindi pa rin ito matanggap ni Sunshine ay hindi niya magagamit ang pera hanggan...