"Miss Sunshine? Dadalhin ka na po namin sa ospital. Padating na po ang dad niyo"- sabi ng rescuer sakin habang dahan-dahang kinuha ang paa ko mula sa pagkakaipit sa sasakyan.
"aray! Ang sakit! Nasan na ba ang Daddy ko.?"-tanong ko sa rescuer.
Kanina hindi ko nararamdaman na masakit ang paa ko pero ngayon na tinatanggal nila ito mula sa pagkakaipit, sumasakit na ito.
"Shine!" "Sunshine!" "shine!"- tawag sakin nila Deosanne, Sheirlein.
"we are so sorry kasi dahil sa'min nadisgrasya ka. Kung hindi ka lang namin inaya , hindi ka na sana nakaka-experience ng ganito. Huhuhuhu."- sabi ni Sheirlein—siya ang pinakamatanda samin. 19 na siya at 17 naman kami.
"oo nga besty! We are so sorry"- nag-iyakan sila at niyakap ako.
"girls, I'm ok, paa lang naman ang naapektuhan diba? Wala naman kasing may gusto sa nangyari. Kaya wag na kayong umiyak ok?"-pagpapatahan ko sa kanila. At tumango-tango na lang sila.
Nakita ko si papa na nag lakad-takbo papunta sa aming pwesto ng mga pulis.
"where's my daughter?!"-galit na tanong ni papa sa mga pulis.
"nanduon po siya"-sabay turo sa amin ng pulis
"Daddy!"- sigaw ko. Tumingin agad si Daddy at halos tumakbo na ito papunta sakin at niyakap ako. Hindi niya na napigilang umiyak.
"shh. Don't cry dad! Hindi ko alam na iyakin ka pala ^___^. Okay lang naman ako eh , hindi naman masyado naapektuhan,naipit lang po :DD"-sabi ko kay dad na may halong biro kasi hindi ako sanay na ganyan siya. Palagi lang kasi siyang naka-ngiti. Pero ngayon opposite na.
"Tito, We are so sorry po sa nangyari kay Shine"- sabi ni Sherleine.
"No, it's okay hija, walang may gusto sa nangyari"- si Daddy
"Sigurado ka bang okay ka lang anak?"- tanong ni Daddy sakin, bumaling agad ito sa mga rescuer. "Ano pang tinunga-tunganga nyo jan! Dalhin nyo na ang anak ko sa ospital!"- sigaw ni Daddy sa mga rescuer at agad naman nila itong ginawa.
Nakita ko si Dad na ina-pproach yung lalaki na nag save sakin.
" Ikaw pala yung nagligtas sa anak ko? Maraming Salamat hijo, kung hindi dahil sayu baka kung ano na ang nangyari sa anak ko"-narinig kong sabi ni Dad sa lalaki
"Walang anuman po. Hindi na po ako magtatagal, una na po ako. May pupuntahan pa po kasi akong party"- sabi nung lalaki. Hindi ko makita yung mukha niya kasi nakatalikod ito.
"Ah sige hijo, maraming salamat ulit. HIndi ko alam kung paano kita matutulongan pero kung kailangan mo ng tulong, itong calling card ko. Tawagan mo lang ako.Okay?"- sabi ni Dad sabay abot ng calling card niya.
Aba't parang walang nangyari ah? May naaksidente, may baril tapos may mga pulis na rin pero itong lalaking 'to, a-attend parin siya ng party! Wow! Grabe sha!
Binuhat ako ng mga rescuer at dahan-dahan pinahiga sa stretcher. Tiningnan ko ang mga lalaking naka posas pero nagulat ako kasi nakatitig rin sila sa akin at nag evil smile. Sumakay si Dad sa ambulance at sila Deosanne, Sherlein ay nakasunod lang. Of course nasa sasakyan sila. ^________^
(O____O) oh my gosh, bakit ganun ang pagkakatingin nila sa akin? Baka galit sila kasi sila ang nakaposas at hindi ako. Mga mukhang goons pa naman sila. Tsaka speaking of, bakit sila naka-posas eh hindi naman sila ang may kasalanan sa nangyari ah! Ako ang nakabangga!
"hmm? Excuse me? Bakit sila naka-posas eh ako naman ang may kasalanan kung bakit ito nangyari."-tanong ko sa isa sa mga rescuer. Nakahiga pa rin ako at yung paa ko may benda na. Nagtaka naman si Dad.
"eh maam, hindi niyo po alam na ang laki nang pasalamat sa iyo ng mga tao kasi po maam ang nabangga ninyo ay isang malaking isda! Mga masasamang tao po ang nabangga niyo. Mga dealers at users po sila ng shabu, marijuana, ecstacy at iba pa."- sabi ng rescuer
"patay"- sambit ko sa sarili ko. Mukhang hindi ko gusto ang salitang 'nabangga ah'! parang double meaning! Nakooo, mango juice ko.
Lord, wag naman Po sana, bata pa Po ako. Marami pa akong mga gustong gawin sa buhay , may mga pangarap pa ako na gusto kong abutin kasama ang aking mapagmahal na asawa kasama ang aming 4 na anak, 2 lalaki at dalawa ring baba—. Nasampal ko bigla muka ko kaya naman napa-tingin sa kin ang mga rescuer pati si Dad.
"Bakit hija? Anong nangyari sa'yo?!."-nag-aalalang tanong ni Dad sakin. Nag-uumpisa na siyang mag panic.
"wala Dad. K-kinagat lang ako ng lamok"- pagsisinungaling ko.
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLy APPRECIATED
Thank you for reading MBB!
Love you all!
MissSpiritFingerxx

YOU ARE READING
MY BOSSY BUTLER
JugendliteraturMulti-billionnaire ang dad ni Sunshine na si Don Mariano Vargas. At alam ng buong mundo iyon. Sa ika-50th butler ni Sunshine ay napagpasyahan ni Don Mariano na kapag hindi pa rin ito matanggap ni Sunshine ay hindi niya magagamit ang pera hanggan...