CH 13

496 25 10
                                    


(a/n: hey MBB readers, pasensya na po kung hindi ako nakapag update, kasal po kasi ng pinsan ko kahapon kaya ayun, busy ang lola nyo ^________^. Salamat sa pag intindi! And for that, I updated 2 Chapters, enjoy! :*)


Shine's POV


Inuutusan ko ito palagi, malayo man o malapit . Ito ang first mission ko. Pero mukhang hindi ito susuko, wala itong imik, sinusunod lang lahat ng gusto ko. Walang reklamo, wala ding expression. Kaya mas lalo akong naiinis.





"Let's go"- tawag ko kay Steven. Mag jo-jogging kasi ako syempre, isasama ko siya. Hindi niyo naitatanong, runner ako ng school namin. Hindi ko pa siguro nasasabi na mag fo-fourth year na ako sa pasukan. Ay, kami pala ng barkada, wag nyo nang tanungin si Sherleine, kung bakit mag f-fourth year pa ito eh 19 na siya ok? After a week mula sa paggaling ng aking paa ay natapos na ang klase. Hindi ko alam about kay Steven kung anong year na ito eh 18 na siya diba? Yun yung sabi ni Dad na 1 year ahead lang siya sakin so I think mag c-college na ito. Nag Kinder II kasi ako. Nursery- 4 years old,Kinder I- 5 years old, Kinder II- 6 years old, Grade 1- 7 years old and so forth. That explains right? hihi





So, balik tayo. Dito lang kami sa bakuran ng mansyon nag jogging. Inikot namin ng limang beses ang mansyon at pagod na pagod na ako.





"Water Milady"- sabi ni Steven. Inabuan niya ako ng isang boteng tubifg at agad ko itong ininom. Tiningnan ko si Steven habang umiinom ako at namangha ako dahil hindi pa ito nakikitaan ng pagod at parang sanay na sanay na sa takbuhan at eto ako, pagod na pagod. 





Sa di kalayuan ay nakita ko si Manong James na may bitbit na mga bunga ng niyog. 

'mukang ito na ang hint para isagawa ko ang mission number 2 ko' : Ang paakyatin si Steven sa puno ng niyog.






"Manong! Maiinom ba ang tubig niyan?"- tanong ko kay Manong James.





"Pardon me Milady, pero wala --"- hindi ko pinatapos ang sasabihin sana ni Steven.





"Ikaw ba tinatanong ko? Sa pagkaka-alam ko si Steven ka diba? Pina anak ka na Steven ang pangalan, eh ba't ka sumasagot? si Manong James yung tinatanong ko"- nagsasalita pa tong mokong na 'to!

MY BOSSY BUTLERWhere stories live. Discover now