CH. 19

373 14 2
                                    

Steven's Pov


Hindi ko alam kung sino ang mga lalaking ito na nangahas na pumasok sa mansion ng mga Vargas. halos lahat ng ilaw  na nagsisilbing liwanag sa loob at labas ng bahay ay nabasag na kaya mas maraming parte na ng bahay ang madilim. Mag a-alas nueve na kasi ng gabi. Nandito ako sa may gilig ng dingding kung sn hindi masyadong malayo sa office ni Don Mariano kung nasan sila Miss Shine at ang Don. Hawak-hawak ang baril , naghahantay at nagmamasid.


Hindi ko alam pero si Manong James, Kuya Hens at Manang Lorife ay magagaling palang gumamit ng baril. Marunong din silang makipaglaban ng pisikal. Nakita ko sa salamin ang tao na nasa likuran ko. Agad akong tumakbo para ilagan ang mga bala na pinapaputok niya at tinutok sa kanya ang dala kong baril and pulled the trigger. Nagpapalitan pa din ng bala sila Kuya Hens at nakita kong sinenyasan niya akong pumunta sa opisina.


Bumilib ako sa mga tauhan ng mga Vargas. Para itong mga sundalo na nagpapanggap lang na maid, gardener at driver. Hindi din naman basta-basta ang mga taong pumasok sa mansyon. Parang alam nila ang pasikot-sikot ng bahay. Nagkalat sila sa loob at labas ng mansyon. Ang misyon ko lang ay iligtas si Shine at kung maaari ay pati na din Daddy nito at kung pwede at ang lahat ng tauhan ng mga Vargas.


Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kung nasan sila Shine para tignan kung okay lang ba sila. Nang  nakita ko ang dalawang lalaki sa loob ng opisina at may umusbong na kunting takot para sa mag-ama. Nakita ko na nakatutok ang baril kay Don Mariano at ang isa naman ay kay Shine. Bigla akong kinabahan at nagdahan-dahang naglakad papunta dun sa mga lalaki. Nakita ko si Don na may hawak din na baril at nakatutok din sa lalaki na nasa harapan niya. Nakita kong nagpipigil lang nang iyak si Shine para hindi makagawa ng ingay. Inangat ko nang dahan-dahan ang baril na hawak ko at tinutok sa ulo ng lalaki na nakatutok ang baril kay Miss Shine. Pinaputok ko yun at agad naman siyang tinamaan. Pinutok din ni Don and baril at tumama naman ito sa ikalawang lalaki. Patay na ang dalawang lalaki bago ako pumasok.


"Okay lang ba kayo?!"-tarantang tanong ko kina Don at Shine. Mabilis kong nilapitan sila dahil nakatayo pa rin ang Don at halatang gulat pa din ang muka nang biglang matumba ito!


"Daddy!"- mabilis na pumunta si Shine para yakapin ang DOn. UMiyak na rin ito nang umiyak. Puno na ng dugo ang parte kung san tinamaan ng bala ang Don.


"D-Daddy, p-please don't leave me! D-dad! Please... Don't!. . Please. .  Please . .  Dad, please!"- nanginginig na ang boses ni SHine habang pinapahiga nito ang daddy niya sa lap nito. Punong-puno na din ang kamay nito ng dugo.


"Sir? Sir?"- sinubukan ko itong gisingin at nagtagumpay naman ako.


"S-Sunshine"- tawag ni Don sa anak nito habang habol-habol ang paghinga. Tinaas nito ang kamay at hinaplos ang muka ng anak.


"Dad, p-please don't talk, s-save your strength Dad"- sabi ni Shine, iyak pa rin ng iyak ang dalaga. Hinawakan din nito ang kamay ng Daddy niya na humaplos sa mukha nito.


"S-Shine, I l-love you s-so much hija. D-don't f-forget that"- sabi nito at pilit na ngumiti sabay pasinghap-singhap at halatang bibigay na ito ano mang oras. "U-umalis na k-kayo dito, S-steven, I-iligtas mo ang anak ko. M-magpakalayo-layo k-kayo."- umubo pa ito nang maraming dugo. Pinapatahimik na siya ni Shine pero  ayaw nitong makinig. "Ito na ang h-hulinh bilin ko b-bilang amo mo at b-biling ama. P-pakiusap, iligtas mo ang anak k-ko. S-steven, P-patawa...d"- and with that, huminto na ang paghinga nito.


'No, don't say sorry. Ako yung dapat mag humingi ng patawad Don dahil hindi ko kaya na protektahan dalawa ni Miss Shine.'


"Daddy!"- sigaw ni SHine sabay yakap kay DOn. Pumatak na din luha ko dahil s pagkawala sa isa sa naging inspirasyon ko sa buhay.


"Of course Sir, I will"-pagkasi ko nun ay agad kong hinila si Shine palabas ng opisina. May secret door kasi sa loob ng opisina ni Don. SInabi niya sakin yun sa pinaka-unang araw pa lang ng trabaho ko. Nagulat pa nga si SHine nung may tinulak ako sa dingding at agad na bumukas yung pinto. Lumabas kami sa likod ng mansyon at laking pasalamat ko na walang tao. Hindi nagsasalita si Shine at iyak lang ito nang iyak.


Hawak-hawak ko pa din ang baril sa kanang kamay ko at sa kabila naman ay kamay ni Miss SHine. Parang bumibigat na si Shine. Hila-hila ko lang kasi ito. Parang hindi na ito lumalakad. Kaya I carried her, bridal style. Biglang bumuhos naman ang malakas na ulan na parang nakikiramay sa pagkawala ng mabait na Don. 


Sa di kalayuan ay may nakita akong sasakyan. Binaba ko muna si Shine at pinunit ko yung suot ko at binalot sa kamay saka sinuntok ko yung window ng sasakyan sa front seat. Pumasok ako sa loob at binuksan ang pinto sa likod para makapasok si Shine. Alangan naman dun ko siya paupuin sa may bubog diba?


Umupo na din ako sa driver seat para i-start sana yung kotse kaso wala pala akong susi.

"Shit!"-napahampas pa ako sa manibela.

Nagulat ako dahil biglang lumakas ang iyak ni Shine. Na trauma ata. Tsk.


"I'm sorry Milady"- sabi ko nalang pero umiyak pa din siya pero hindi na gaanong kalakas. Nag ninja-moves nalang ako. Puc*a, daig ko pa carnapper nito! Kinuha ko yung mga wires at pina-spark yun. Inulit ko ng tatlong bese and tadaa! Umandar na ang makina Galing ko talaga! Pero hindi ngayon ako dapat matuwa dahil meron pa rin nagpuputokan sa loob.


After 3 months...


"Rise and Sunshine!"-masiglang bati ko kay SHine na nakahiga pa rin. Kumislot ang mukha nito at umupo sa kama. Okay, ako na waley mag joke.


-___- Ganyan lang mukha niya oh! Habang naka-upo  pa rin. Naging ganiyan na muka niyan simula nang mangyari yun 3 months ago. Hindi na ngumingiti. Mabuti pa nun ay kahit hindi niya ako nginingitian ay nakikita ko naman ang iba't-ibang ekspresyon niya  sa muka. Galit, pikos, inis, mataray, minsan mabait pero hinding-hindi ko pa nakikita sa kanya nuon ang lungkot. Pero ngayon, ibang-iba na. Isa lang ang pinapakita niya sa lahat-- ang kanyang malungkot na mulha. Kung  hindi lungkot ay wala. As in wala talaga.


Ganito oh, -_______- ganiyan. Poker face lang. Daig pa niya si Saitama sa One Punch Man. Girl version siya nito.


Tae, ba't ba ang daldal ko?! Puc*a!, para  na akong babae nito a! Hayaan nyo na lang ah? Hindi kasi nagsasalita si SHine. Na pipi kasi , ndi joke lang, na trauma yan sabi nung doktor. Pinatingnan namin siya kay ayun daw ang findings niya. Kaya bilin nung doktor na kung maaari ay wag daw ipaalala sa kanya ang nangyari.


May balita naman kami ay ako lang pala, sa nangyari sa mansyon pagkatapos nung bakbakan. Sabi ni Manang Lorife na dumating din daw yung pulis pero huli na. Ubos na lahat nang kalaban. Ang a-astig noh.? Si Manang mag si-singkwenta y nuebe na yun , wala pa ding athritis! Hahahaha. Ganiyan din daw naman ang mga pulis, laging huli dumadating. Kung san tapos na ang lahat, tsaka dumadating. Isusumbong ko talaga yan Kay Pres. Duterte.

Di ba kayo nagtataka kung nasan kami ngayon?

May game ako, kung sino makasagot ng tama ay ide-decate ko! Hahaha ^_____^V


(guys! sorry na erase ang chapter 19 kaya sinulat ko ulit! hindi ko alam kung bakit , kainis naman oh! huhuhuu T___T  )

To be continued...

MY BOSSY BUTLERWhere stories live. Discover now