"Shine, mahal na mahal kita. I want to love and protect you forever. Will you be my wife?"- nandito kami sa gitna ng public beach kung san napakaraming tao na naliligo.
Yung iba ay pine-picturan kami habang si Steven ay patuloy lang sa pagluhod habang hihintay ang aking sweet yes.
Ang isang tuhod lang nito ang nakaluhod habang naka-extend ang kamay nito na may dalang red small box.
I bet the inside of the box is the world's smallest handcuff na kasya lang ang isang daliri sa liit.
Sobrang init na ng mukha ko kaya nasisiguro kong sobrang pula ko na ngayon. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, hindi ko maipaliwanag. May excitement, kaba, saya, na may halong gulat at hiya. Basta hindi ko alam.
But before I could say my sweetest yes, may biglang sumigaw! >________< . Bigla akong nagmulat dahil sa gulat.
"Ate Shine! Gising ka na po ba?! Ate Shine? Tulog ka pa? Bumangon ka na ate Shine!"- sigaw sa labas ng pinto. Dali-dali kong binuksan ang pinto at tumambad sakin ang isang babae na may suot na mahabang tela hanggang paanan. Manipis lang ito kaya kita ko ang suot nito sa loob. Nag one-piece lang si Renren!
O________O - oo nga pala! Maliligo nga pala kami sa dagat ngayon!
"Sunday na po ngayon! Pinapagising ka na po sakin ni Kuya Steven!"-excited na sabi nito.
"Ahh. Oo nga pala. Geh. Magbibihis lang ako."-tinatamad na sabi ko. Nag hikab pa nga ako e. Sa totoo lang, hindi naman ako excited e, magsu-suot kaya ako ng two-piece! Hindi ko nga alam kung okay lang ba katawan ko, baka pagtawanan pa ako ni Steven kasi hindi naman kasi ako 'gifted'.
Pero sabi naman ni Renren, maganda naman daw. Alam nyo na naman siguro ibig sabihin ko diba?
Nakakainis. Malaki kasi dibdib yung si Kate. Walang-wala ako nito. Huhuhu T______T.
Baka nga hindi ako mapansin ni Steven e. Kaya nga hindi ako excited. Matapos kong mag hilamos at magbihis, nag tooth-brush na ako. Nakatingin lang ako sa reflection ko nung bigla kong naalala na nanaginip pala ako tungkol kay Steven pero hindi ko naman maalala kung ano yun. Hmp!
Baka kasi hindi ko maalala kasi hindi importante. Pero nacu-curious talaga ako. Sabi pa ng iba na kapag raw hindi mo maalala ang panaginip mo, magkakatutuo daw yun. Hindi tuloy ako matahimik dahil dun. Ano kaha napanaginipan ko kay Steven?
Baka ikinasal siya kay Kate?
O di kaya'y namatay siya?
Pano na lang ang nararamdaman ko sa kanya?! Hanggang death-bed ko nalang ba 'to dadalhin???Hayss. Binuksan ko na ang pinto ng banyo para sana lumabas ng bigla namang napadaan si Steven. Napatigil ako at siya din. Nakipagtitigan lang ako sa kanya ng siguro mga sampung segundo yun bago siya nagsalita.
"Bakit?"- tanong nito.
"H-ha?"-tanong ko pabalik. A-anong bakit? Bakit siya nagtanong ng bakit? Bakit?
"Bakit, hindi kapa nagbibihis?. Yan lang ba susuotin mo?"- tanong nito habang may bitbit pa na sandok. Nagluluto.
Tiningnan ko kabuuan ko. Bakit? Ano bang sinuot ko? Nasapo ko ang noo ko dahil sa nakita. Ahh. Nakapam-bahay din pa pala ako. Pinalitan ko kanina yung pangtulog ko, pambahay pa din pala ang pinalit ko. Hindi ko namalayang yun ang pinalit ko. Nakasanayan ko na kasi. Isa pa, hindi nga kasi ako excited. Duh! -_________-
Isa pa, alangan naman mag two-piece ako mula sa bahay papuntang beach? Daig ko pa Miss Universe sa haba ng lalakarin ko.! Wala akong ganun na katulad kay Renren. Meron naman ako kaya lang sobrang nipis naman nito.

YOU ARE READING
MY BOSSY BUTLER
Teen FictionMulti-billionnaire ang dad ni Sunshine na si Don Mariano Vargas. At alam ng buong mundo iyon. Sa ika-50th butler ni Sunshine ay napagpasyahan ni Don Mariano na kapag hindi pa rin ito matanggap ni Sunshine ay hindi niya magagamit ang pera hanggan...