CH 17

426 22 6
                                    


Steven's POV


Ang bilis tumakas ng babaeng yun ah! Tangay-tangay pa cellphone pati pera ni kuya Hens. Di ko alam pero marunong pala itong sumakay ng jeep. Bumilib ako sa lakas ng loob nito na umalis mag-isa. Kanina ko pa ito sinusundan. Napag-alaman ko na papunta pala ito sa *** Mall. Nakikinig lang ako dito sa loob ng jeep sa pag-aaway nila. Naka-upo ako dito sa tabi ng driver  habang tinitingnan si Sunshine na nakikipagtalo sa babae. Pano ba naman e nakikibasa ng mensahe pati na din katabi nitong lalaki , nakikikibasa rin. Hayss, dumadami na ang mga chismosa't chismoso sa mundo. Tinitingnan ko si Shine sa side mirror ng jeep. Nasa may likuran ito ng driver. Bale, driver-lalaki-si Shine-babae. Di ba sa mall siya pupunta? e lagpas na siya ah?. Sinabihan tuloy siya nung lalaki na lumampas na siya. Natawa pa ako nung sumigaw siya pagkababa nito. Naghintay ako ng 20 segundo para bumaba. Mabagal naman kasi ang andar ng sasakyan kaya hindi ako masyadong nakalalayo. Bumaba na rin ako para sundan si Shine, papagalitan ko pa sana yung babae pero priority ko ngayon si Miss Shine. 


Pero kung sineswerte ka nga naman ay bumaba rin yung babae. Hindi ko naman ito hinarass, tinakot ko lang na vinedeohan ko ang ginawa niya at kung hindi siya mag so-sorry ayipapakulong ko ito. Kaya ayun hihi. Hindi pa nakakalapit yung babae nung nakita kong hinablot nung lalaki ang cellphone na hawak ni Miss Shine. Kasing taas ko lang siguro yung lalaki. 5'6 kasi ako. Agad ko itong sinundan. Nag short cut ako at hinintay siya na lumiko sa kanto. Pagkalikong-pagkaliko niya  ay pinatid ko ito  kaya napasubsob ito sa kalsada.


Bumangon ito at kumuha ng maliit na kutsilyo sa may bulsa niya para isaksak sana sakin kaya agad kong hinawakan ang kamay niya at inikot papunta sa kanyang likod. Napa daing ito nanlaban pa kaya pinadapa ko ito sa kalsada at itinukod ang tuhod sa kanyang likuran habang hawak-hawak ko pa rin ang kanyang kamay sa likod.

Nakatingin lang samin ang mga tao at walang balak na makisali o awatin man lang ako. Parang sanay na sanay na ang mga ito sa mga nakikita nila. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga nung lalaki para hindi madinig ng mga tao ang sasabihin ko.


"Hindi lang selda ang pupuntahan mo kung hindi mo isasauli ang ninakaw mo. Hindi mo magugustuhan kung ako ang magagalit dahil dila lang ang walang lamat sayo."- sabi ko sabay diin sa kamay niya. Kunting-kunti na lang ay mababali na ang kamay nito. Hindi na din maipinta ng lalaki ang kanyang muka dahil sa sakit na natamo. "Sisiguraduhin kong hindi mo na magagamit pa ang mga kamay mo kung gagawa ka pa ulit ng masama. Naiintindihan mo?!"- bulong ko dun sa lalaki na tumango naman ng marami.


"O-opo sir, opo sir. Sorry po. Isasauli ko po agad ito sir."- sabi nung lalaki na nakadapa pa rin. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay nito.


"At wag kang magkakamali na tumakas dahil masusundan at masusundan pa rin kita kahit sa impyerno kapa magtago"-pananakot ko dun sa lalaki. Pabato ko itong binitawan. Tiningnan ko ang mga tao dahil pumalakpak ang mga ito. Nakita ko na nasa palengke pala kami ngayon.


Pinatayo ko yung lalaki dahil nakahiga pa rin ito hawak-hawak ang kamay niya na namamanhid na siguro.


"Isauli mo yang cellphone na hawak mo at humingi ka ng pasensya. Kung hindi, ako na mismo ang maglalagay sayo sa kulungan"- sabi ko sa kanya. "I'm watching you"- sabi ko bago siya umalis at nagsimula na siyang maglakad. Pinag stretch pa niya ang mga kamay.

MY BOSSY BUTLERWhere stories live. Discover now