Steven's POV
Kumuha lang ako ng isang baso ng wine tapos umalis na. Hindi na ako nagpaalam pa sa magulang ni Mecaii dahil may kausap ito. For sure hindi ako kawalan sa party. Mukhang si Mecaii nga lang nakakakilala sakin at ang kanyang ina.
Kinuha ko yung susi sa bulsa ko at pinaandar ang motor.
'Vrooooooom!'
after 20 minutes..
Nandito na ako sa tapat ng bahay namin. Pinark ko sa gilid ng kalsada yung motor at tinanggal ang susi. Hinubad ko yung helmet at papasok na sana ako sa bakuran namin ng...
"Tulong! Tulongan ninyu kami! Tulong!"- sigaw ng isang palimyar na boses. Sigurado akong galing iyon sa loob ng bahay namin kaya nagmamadali akong makapasok.
Agad kong binuksan yung pintuan at tumambad sa akin ang aking babaeng kapatid na umiiyak yakap-yakap ang aking ina na nasa sahig.
"Kuya! Ang inay! Dalhin natin sya sa ospital!"-sigaw ni renesa, sampung taong gulang na kapatid ko.
"Kuya!"-sigaw niya ulit. Bumalik ako sa aking ulirat. Hindi ko alam pero natulala pala ako. Kaya agad kong binuhat si Inay at isinakay sa motor ko. Si Renesa ang nag suporta ni Inay para hindi siya mahulog sa likod ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko mas magiging mabilis ang pagpunta namin sa ospital kung ako ang magda-drive. Ang sakit-sakit ng dibdib ko parang sasabog ang puso ko.
'Malapit na Inay, kunting tiis nalang. Malapit na tayo'- sa isip ko.
'Beep! Beep! Beeeeeeeep!'
Dumiritso ako agad sa E.R. Agad naman akong inasikaso ng mga nurse duon. Sinakay nila si Inay sa stretcher at binigyan ng oxygen. Pinasok siya sa isang kwarto. Sumunod kami pero hinarangan kami ng mga nurse.
YOU ARE READING
MY BOSSY BUTLER
Teen FictionMulti-billionnaire ang dad ni Sunshine na si Don Mariano Vargas. At alam ng buong mundo iyon. Sa ika-50th butler ni Sunshine ay napagpasyahan ni Don Mariano na kapag hindi pa rin ito matanggap ni Sunshine ay hindi niya magagamit ang pera hanggan...