CH 18

446 23 4
                                    


Steve's POV


Nag order lang ako ng plain espresso. Umalis din ako pagka-alis nilang apat sa Starbucks.  Sumakyay si Shine sa taxi at nag taxi na din ako para mabilis. Tinitingnan ko ang taxi na sinasakyan ni Miss Shine kung safe ba itong makakauwi.


Pagkababa ko ng taxi at tumakbo ako para maunahan ko si Shine sa bahay para hindi niya malaman ang ginawa ko. Pumunta ako sa may gilid ng gate at umakyat sa pader. Nakita ako ni kuya Hens kaya nag sumenyas ako na wag siyang maingay at tumango naman ito.


*Ding Dong!


Nagpunas muna ako ng pawis at inayos ang sarili. Pumasok ako sa loob ng mansion para tanungin kung sino.


"It's me and hurry, open this goddamn gate!"-sigaw niya sa intercom.


Agad ko namang pinindot ang button para bumukas ang gate at tumakbo ako nang mabilis para sunduin si Ms. Shine. Halatang nagulat ito pagkabukas ng gate at nakita ako.


"Your dad is waiting for you at his office"- sabi ko sa kanya pero parang wala itong narinig at dumiritso lang nang akyat papuntang kwarto. Panu ko nalaman? Sabi ni Manang , pagkapasok ko sa bahay kanina. HEHEHEHE

Pinuntahan ko agad si Don Mariano para ipaliwanag sa kanya lahat nang nangyari at sinabihan ko rin kung pwede na wag niyang sabihin na sinundan ko si Miss Shine. Galit na galit ito sa narinig pero sinubukan kong sabihin na wag na magalit pero hindi pa rin ito nakinig. Nagpasalamat lang ito sakin at inutusan na ako.


"Papuntahin mo si Shine dito ngayon na"- kalmado pero makikita sa muka nito ang bakas ng galit at pagtitimpi. Hindi mo naman masisisi si Don Mariano dahil nag-iisa lang itong anak at mahal na mahal nito ang anak.


"Yes sir"- sabi ko at yumuko. Umatras ako ng tatlong step bago umalis. Pagkatapos kong katukin si Shine ay wala wala itong nagawa kundi ang bumaba at tanggapin ang parusa.


Pinaalis ako ni Shine sa opisina ni Sir Mariano pero hindi ako lumayo. Hindi ko din naman naririnig ang  mga sinasabi nila pwera nalang siguro kung sumigaw ang mga ito. Nasa dingding lang ako na di kalayuan sa opisina ni Don at naghihintay nang may marinig ako na dahilan para lumabas ang mala demonyo kong ngiti. >:)


It's time to get some action!.

BWAHAHAHAHAHAHAHAHA >:)



Shine's POV

Pina-alis ko si Steven dahil hindi ko gusto na marinig niya akong pagalitan ni Dad, baka asarin pa ako nun. -______-


"But dad, wala namang masamang nangyari sakin e!"- pagtatanggol ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nalaman ni Dad ang lahat nang nangyari sakin. As in, lahat talaga, kung pano ako napa-away sa jeep nung babaeng-nguso hanggang sa muntik nang mawala ang singsing na bigay ni mommy.


Hindi naman pwede si Steven ang nagsabi nun, nandito lang siya sa bahay eh, siya pa nga nagbukas ng gate kanina. Pero ang alam ko lang ay si Steven ang nagsumbong kay Dad na tumakas ako. Sino pa ba kaya kundi siya lang! Bwisit talaga tong lalaking 'to! >_____<

MY BOSSY BUTLERWhere stories live. Discover now