Boodle Fight

749 21 3
                                    

M i k a

"Goooood morniiiiiingggg! Bangon naaaa!!!" Yugyog sakin ni.... Ara? Juicecolored.

"Ara? Bakit? Natutulog pa ako eh.." Di naman na talaga sadyang masakit parin kasi kahit na medyo nagpapansinan kami these past few days. Masakit parin.

"Sige naa! Malilipasan ka ng gutom ih. Kailangan maaga ka kumain po." Masaya niyang sabi.

"Ayoko tumayo Ara.." Pagdadahilan ko.

"You don't have to! I brought your breakfast here!" Nagulat ako ng makita ko ang tray na hawak niya. Pancakes na may butter at syrup at merong milk. May sticky note sa baso at nakasabing

"Smile! It looks good on you :)"

Napangiti naman ako sa nakalagay doon.

"Ayun ngumiti ka hehe. Sige kain ka na! Eatwell!" Tumayo na ito at umalis na. Kinain ko na yung prinepare niya. Gosh ang sarap. Huhu. No.. Di parin pwede. Binaba ko naman ang tray na pinagkainan ko para hugasan ko na ito. Bigla namang kinuha ni Ara sakin ang tray.

"Ako na!! Hehe sige na!" Dumiretso na siya sa kusina at sinundan ko ito.

"Kaya ko naman Ara." Sabi ko sakanya.

"Ako na! Di naman to mahirap eh." Sinimulan niya ng hugasan ang mga pinagkainan ko.

"Salamat." Hindi ko na siya hinintay para magsalita at umakyat na ako para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako para pumunta sa klase. Hayz katamaaaad!

"San ka punta?" Tanong ni Ara sakin.

"May klase ako." Sagot ko at nagsuklay.

"Ingat ka! Buti nalang gumawa ako ng sandwich! Eto teka." Nilagay niya sa ziplock yung sandwhich at inabot ito sakin.

"Salamat." Di ko alam kung bat ko tinanggap iyon. Aish. Atleast may pagkain. Umalis na ako at dumiretso na sa klase. Pero tangina wala naman akong naintindihan. Alam ko naman na tong tinuturo niya. Syempre habang nasa ospital ako nun ay nagaaral rin ako noh. Psh.

"Ah Ms. Reyes? Nadismiss ko na kayo bakit ayaw mo pa umalis?" Sabi ni Prof. Tinignan ko naman yung paligid ko. Shit oo nga.

"Ah hehe sige alis na po ako" mabilis kong kinuha yung bag ko at lumabas na. Nakakahiya namannnnn. Mika!!! Gumising ka nga! Bigla namang tumunog ang phone ko.

Calling: WackyBoy

M: Hello? Napatawag ka?

W: MIKAAAAAA!! (mabibingi ako sa lalaking ito eh -_-)

M: Bakit ka ba sumisigaw?! Problema mo ba?!

W: Si Papaaaaaa! Sabi niya maglunch daw tayong magjowa sa bahaaaay! Huhuhu

M: Eh anong pinagpuputok ng butsi mo? Kakain lang naman tayo!

W: Papayag k-ka?

M: Oo naman! Diba nga pumayag naman ako magpanggap. Syempre paninindigan ko yun.

W: WAAAAAA! THANK YOU MIKA!!! SUNDUIN KITA MAMAYANG 11:30 AHHH?

Bigla namang tumahimik sa kabilang linya. Luh? Ng marinig ko ng maayos ay kausap ata niya ang Papa niya.

W: U-uh sige babe. Sunduin kita ah? 11:30 wait for me. I love you babe.

Sabay baba niya ng call ginamit niya nanaman ang manly voice niya hahahahahaha!

May klase pa ako zz hayst.

A r a

Hmm ano kayang lunch? Ah! Magboodle fight kaya kami? Hahaha! Mamaya kukuha na ako ng dahon.

Let Me Love Ü.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon