Ara's POV
Sayang. Ang sarap pa naman sana nung bacon T^T pero mas okay ng hindi ako kumain sa dorm. Baka umasa pa si Mika na may chance siya sakin.
Feeler ba? Pero kasi nangyari na yun. Kumain ako ng luto niya one time tas pinuri ko, bigla siyang nagreact "talaga? So ibig sabihin gusto mo na rin ako?"
Nagulat ako nun pero di ko nalang pinansin. Kaya simula nun kapag siya ang nagluluto di na ako kumakain sa dorm.
"Huy! Tulala ka love" nahinto naman ako sa pagfflashback nung nagsalita si Bang.
"Ha? S-sorry."
"Tara sabi ko 7 na. Hatid mo ba ako sa class ko?" Tanong naman niya sakin.
"Oo naman. Tara love." Kinuha ko na yung bags niya at naglakad na kami.
6 months na kami ni Bang. Di kami masyado showy at clingy. Minsan lang kami magkatime para sa isa't isa kasi busy siya. Oks lang yun sakin basta naghahanap kami ng time para sa isat isa.
Nahatid ko na si Bang. Mamaya pang 8:30 yung klase ko 7 palang kaya nagikot ikot pa ako sa campus. Umakyat muna ako dun sa favorite kong tree. Madalas kasi kapag freecut at may oras pa bago ang klase ko dito ako tumatambay.
Idlip muna ako aalarm ko nalang tong phone ko ng 8:20 since malapit lang naman yung klase ko dito. Zzzzzzzz.
Mika's POV
After kumain nila ate kim dumiretso na kami sa mga klase namin. Nagbaon ako nung bacon and eggs tsaka bread para kay ara. Para di na siya bumili ng lunch mamaya.
Hinanap ko siya, 8:25 na asan na yun? Ayaw pa naman ni Ms. Na nallate sa klase. Bahala na nga ugh. Pumunta na ako sa klase baka malate pa ako ayoko na magkaconsequence. Huhu
A r a
"Hmm--AHH!" tae ganda nahulog pa talaga ako nak ng tokwa.
Nagpagpag ako kasi ang daming damo napunta sakin. Tinignan ko yung oras. SHIT. 8:27 naaa!! BAWAL MALATE SA KLASE NI MISS HUEHUE. Tumakbo na ako papunta sa klaseee! Ayan na malapit na shit 8:29 ayan na shett!BOOGSH!!
"MISS SORRY SORRY HUHUHU WAG NIYO NAMAN AKO ILOCK DITO PLEASEEEE SORRY NA LAST NA PO ITO HUHUHUU" nakalock na kasi yung pintuan huhuhuhu.
"What did i say about being late and not speaking in english in my class, Miss Galang?" Sorry na miss T^T
"I'm sorry missss! Please let me in :(((( it won't happen again miss :((" pagmamakaawa ko.
"Ah miss. Can you please give Ara a chance? Please miss?" Sabi naman ni mika. Jusko oo nga pala magkumare si miss at yung mommy niya huehue.
"I guess it's your lucky day Ms. Galang. It's good that Ms. Reyes cares for you." Sabi ni miss at binuksan na niya yung pintuan. YESSS.
Oo na sige na nakunsensya na.
Agad naman akong nagpasalamat kay miss at kay mika. Hayzzzz. Buti nalang. Pero shet may utang na loob nanaman ako dito -,-
BINABASA MO ANG
Let Me Love Ü.
RandomMahal na mahal ko si Victonara Galang. Sobra ko siyang mahal. Hindi ko naman siya pinipilit mahalin ako.. Ewan ko ba! I'm just madly, truly, deeply inlove with her. Kahit na tinataboy niya ako palagi.. Kahit naiirita siya sakin mahal ko parin siya. ...