Bye Ye

1.4K 41 9
                                    

M i k a

"Ano na beh? Hay nakakaloka ka gurl ha. Nasisira yung beauty ko sayo." Bulyaw sakin ni Wackyboy.

"Sorry naaa! Kailangan ko lang ng tulong mo."

"Meng kailangan mo ng tulong ko ng alas dos ng madaling araw?! Tsaka dito pa talaga sa Jolibee? Kaloka." Sabay upo niya dun sa isang bakanteng table. Umupo naman ako dun sa kabila.

"Sorry na nga kasiii. Tsaka you owe me naman naman diba? Kaya okay na yan."

"Ano ba kasing problema mo 'day?"

"Ayaw mo ba muna um-order?" Tanong ko.

"Libre mo ba?"

"Sabi ko nga mamaya na eh." Sabay peace sign ko.

"Oh ano ba yang problema mo sa buhay at bakit mo ako inaya sa jolibee."

"Eh kasi, di ko alam kung isusugal ko nanaman yung pagmamahal ko para kay Ara.. Kung worth it pa ba pagkatapos ng lahat ng nangyari.."

"Teka gurl naloka ako. Straight to the point ka. Order muna tayo." -_-"

Tumayo na kami at pumunta sa counter.

"Hello po this counter is open!" Tawag samin nung lalaki sa counter.

"Ano pong order nila?"

"Ikaw, pwede ka bang iorder?" Pabebeng sabi ni Wacky.

"Gaga! Siraulo ka talaga.. Ano uhmm isang spaghetti with chicken tsaka isang miloblast tsaka large fries... Sayo wacks?"

"Ang sagwa naman ng "wacks" meng. Ginawa mo naman akong pangsahig.. Ano, shanghai with rice tsaka peach mango sundae."

Bigla ko namang naalala yung nagpeach mango sundae kami ni Ara. Urrrgh!

Tumango naman yung cashier at nagpindot-pindot sa computer. Nagbayad na kami at nilagay na nung cashier yung fries at nilagay yung iba pang inorder namin. Pumunta na ulit kami dun sa table na pinagupuan namin kanina.

Nagdasal na kami at kumain na.

"Ano na nga ba ulit yung tanong mo?" Sabay kain niya ng fries.

"Susugal pa ba ako sa pagmamahal? Parang ilang beses na kasi eh. Ilang beses na akong sumugal pero sa huli nasasaktan parin ako." Sabi ko at kumain na rin.

"Teh. Hindi ka tunay na nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Syempre kung nagmamahal ka syempre masasaktan. Sino bang hindi?"

Hay. Ano ba namaaaaaan.

"Hindi ba sobra ko ng binibigay yung sarili ko? I mean parang ang dali ko lang bumigay?" Sabi ko.

"Eh nasayo na yun noh. Pero syempre kailangan rin niya ipakita at iprove sayo na hindi niya na muli ikaw sasaktan. Na hindi na siya gagawa ng kahit ano para magkaganyan ulit kayo.." Sagot naman niya.

"Pero bakit ganun? Bat parang pakiramdam ako i'm giving too much.. Parang wala ng natitira sakin. Kasi binibigay ko na sakanya lahat."

"Eh bakit kasi binibigay mo lahat.. Alam mo, hindi naman kasi kailangan ibigay lahat. Magtira ka rin naman para sa sarili mo.. Love yourself before you love someone else." Jusko po. Huhu.

"Pano kapag niloloko niya lang ako? Pano kapag nasaktan ako ulit?"

"Just simply take out the letter L in the word "lover" and just realize it's over."

"Tangina ang lakas mo naman makahugot wacks eh. Yung totoo, may jowa ka ba?" Pagbibiro ko.

"Gaga! Wala noh!"

"Eh bat ang lakas mo makahugot?"

"Bakit kapag humuhugot may jowa kaagad? Di ba pwedeng marami lang alam sa buhay? Kaloka ka."

"Asus love naman kita wacks eh! Diba girlfriend mo nga ako." Pangaasar ko sabay taas baba ko ng kilay ko.

Tinignan naman niya ako ng masama at natawa naman ako dun.

"Ayan ayan! Sige kainin mo yung fries!" Bastos na bakla to. Nilagyan ba naman ng fries yung bibig ko habang tumatawa ako.

"AYANN HAHAHAHAHA BAGAY MIKS MUKHA KA NG BEAVER HAHAHAHAHA."

-______- nginuya ko na muna yung fries na pinakain niya sakin bago ako magsalita

"Ah ganun? Paliguan kita ng peach mango sundae mo dyan eh."

"Wag na beh sweet na nga ako gusto mo pa lumala yung pagkasweetness ko." Sabi niya. Ay. Tae.

"Ewan ko say--"

"Beh di ba yun si Ara mo?" Sabay turo niya sa taong nakahoodie sa labas ng jolibee.

"Siya ba yun?" Paninigurado ko.

"Oo beh uy puntahan mo!" Sabay tapik niya sakin. Tumayo naman ako at lumabas.

"Ara! Ara! Huy!" Sabay takbo ko papunta sakanya dahil naglakad na siya palayo.

"Huy Ara." Sabi ko ng mahawakan ko yung kamay niya.

"Ano?" Sagot niya. Oo nga. Bakit nga ba? Bakit ko nga ba siya hinabol? Si Joaquin kasi eh.

"B-bakit ano.. U-uhmm."

"Kasi nakita kong lumabas ka. I just wanted to know that you're safe. Yun pala nakipagdate ka lang dyan sa Joaquin na yan kahit dis-oras na ng gabi." Sabi niya.

"Huh? Hindi--"

"Wag ka na magdeny. Hindi naman ako tanga Ye eh. Alam ko naman."

"Saglit nga lang kas--"

"Okay na. Alam mo, if you think na i'm not worth another chance, okay lang. Matatanggap ko. Hindi ko naman ipagkakait yung kaligayahan mo Ye eh."

"Ara wait nga--"

"Alam ko di ako lalaki. Alam ko na wala akong laban dyan sa Joaquin na yan. Dahil isa lang rin akong babae katulad mo. Pero Mika mahal kita. Yun ang pinaglalaban ko. Pero mukhang hindi ata yun sapat. Sabagay, sino ba naman ako para maging worth it para sayo diba? Ilang beses na kitang nasaktan. Pero thank you parin Mika.. Sana hindi ka lumayo ha? Haha. Alis na ako baka nakakaistorbo na ako sainyo. I hope you're happy with him. I love you. Haha. Bye Ye" Lumayo na siya sakin at naglakad na.

"Uy anyare beh? Bat umalis?" Si Joaquin pala.

"I don't know.." 

----

Omg so lame :( HAHAHA sorry na mga besh :( im so beri beri sad kasi (legit) and ayun. HAHAHA hay. Sige idaan nalang sa tawa. Char.

Pero anyways! I hope medyo nasiyahan kayo na nagupdate na ako after how many years charot! Hahaha

Pati sa Tadhana ang sad ng update ko HAHA oh well sad si author eh :( jokee. Dami ko ng sinasabi doe.

Don't forget to VOTE and COMMENT ayt?
#CapslockParaIntense

Vote kayo ha? :( kahit 20+ votes please :( HAHAHA pang pacheer up manlang oh! Joke.

Let Aüthor Be Happy :( HAHAHA char.

Happy Reading! I lüv ü ol! Mwaps!  xoxo

~littlemisskulot💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Me Love Ü.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon