tanga hits.

694 28 1
                                        

A r a

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nainis kay Ye nung hindi siya sumipot.. Kasalanan ko naman eh. Malay ba niya na may pakulo ako.. Tsaka wala naman akong karapatan mainis diba? Nalungkot ako oo.. Pero.. Aish ang gulo!

"Huy Ara! Kanina pa kita inaano dyan eh di mo naman ako pinapansin." Sabi niya ng nakapout.

"Inaano Ye? Nako baka hinuhuburan mo na ako sa isipan mo ah. Don't worry handa naman ako basta ikaw" sabay kindat ko sakanya. Hahaha! Bigla namang lumaki yung mga mata niya hahaha

"Aray! Uy! Saglit masakit Ye! Biro laaaaang!"

"Ang bastos mooooo!!!! Ang dumi ng utak mo Victonaraaaaaaaa!!!!" Sabay palo niya sakin oy masakit talaga! Hinawakan ko naman yung dalawa niyang kamay.

"Sige ka kapag hindi ka tumigil... Hahalikan kita." With matching smirk pa yan ah. HAHAHAHA. Mas lalo namang lumaki yung mata niya ang cutiee!

"Ewan ko sayo! Hindi mo naman magagawa eh!!"

*tsup*

^_____^

"MAGNANAKAAAAW!!!! BASTOS KAAAAAA HUHUHU!"

"Eh pinakita ko lang sayo na kaya koooo!" Sabay tawa ko ang cutie kasi niya. Namumula na siya hihi.

"CHE!!!" Bigla naman siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Hala san pupunta yun? Narinig ko yung pagslam ng main door ng dorm hala. Baka umalis!

Bigla namang kumulog at bumuhos yung ulan! Hala! Si Ye!!!

Tumakbo naman ako pababa. Shit wala rin siya dito. Baka naulanan na yun! Bat mo kasi hinalikan Ara?! Tanga mo ayan tuloy! Kapag yun nagkasakit!! Aish!

Lumabas na ako ng dorm. San naman kaya pumunta yun?! Huhu! Pumunta ako dun sa playground, wala. Tangina ang tanga ko hindi ako nakadala ng payong. When tanga hits nga naman.

"YE?! YE!! ASAN KA BAAAA?!" T^T huhu!

May nakita akong anino ng tao. Baka si Ye yun!

"Ye! Uwi na tayo!" Sabi ko habang tumatakbo palapit.

"Ate, hindi ako yun." Ibang tao pala T-T okay lang naman huhu.

Bigla namang tumunog yung cellphone ko.

Calling.. Kimang

K: Ara! Asan ka ba?! Ang lakas ng ulan oh!

A: Si Ye kasi hinahanap ko!

K: si Ye? Andito siya! Nagpunta lang sita dito sa kwarto namin ano ka ba!

A: huh?! Osige uwi na ako!

---

Binaba ko na yung call. Ang tanga mo talaga Ara. Di mo manlang inisip na baka andun lang siya sakanila Kim. -__-"
Pagbukas ko ng pinto bumungad si Ye sakin.

"Ara! Bat ka naman lumabas?!"

"Akala ko kasi umalis ka.. Kaya ayun.. Hinanap kita." Sabi ko. Pinapatuyo naman niya yung buhok ko. ^_^ kenekeleg eke enebe.

Habang ginagawa niya yun ay nakatingin lang ako sakanya.. Ang ganda talaga niya.. Bigla naman siyang tumingin sakin at tumigil sa ginagawa niya.

"Ikaw na tumuloy. Magiinit ako ng tubig para makaligo ka." Umakyat naman siya at pumasok sa kwarto.

"Ano namang naisip mo at nag-ala superman ka aber?" Tanong ni ate Cyd sakin

"Eh akala ko kasi umalis siya eh :("

"San naman siya pupunta? Kaw talaga!" Pinulupot niya sakin yung isa pang towel sa katawan ko.

"Ehem. Diba okay ka na Ara?" Tanong ni Kim. Nako naman.

"Asus! Selos ka naman dyan!" Sabi ni Cyd at yinakap si Kim. Hala naglandian pa.

"Osha akyat na ako!" Sabi ko at umakyat na. Pagbukas ko ng pinto ay andun si Mika sa cr nilalagay yung mainit na tubig sa balde.

"Oh ayan na yung mainit na tubig. Nilagyan ko na rin ng malamig para warm lang. Sige na. Ayusin ko na yung damit na pangpalit mo."

"Salamat" sabi ko ng nakangiti hehe

"Oo naaa."

Tumawa nalang ako at pumasok sa cr. Pagkatapos ko maligo ay inabot na sakin ni Mika yung damit ko. Nagbihis naman na ako at humiga na sa kama. Ang lamig huhu.

"Nilalamig ka ba?" Tanong niya sakin. Tumango lang ako sa tanong niya. Inayos naman niya yung kumot ko.

"Ara may lagnat ka! Kasi naman eh! Palabas-labas pang nalalaman eh! Ayan tuloy!" Bigla naman niya akong yinakap. Hay nako ye.

"Lagnat? Wala sa vocabulary ko yan Ye!" Pabiro kong sabi.
"Heh! Saglit may kukunin lang ako. Dyan ka lang!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay pumikit na ako. Bigla kasing sumakit yung ulo ko. Argh.

Naramdaman ko yung pagdampi ng malambot niyang labi sa noo ko. shit baka naman naghhallucinate lang ako? Dumilat naman ako at nakita ko nalang siyang nakatalikod at palabas na ng kwarto..

KINIKILIG AKO MGA MEEEENG! HUHU! HINDI LANG BUTTERFLIES ANG NASA TIYAN KO EH! BUBUYOG, FIREFLIES LAHAT NA!! HUHUHUHU.

Pumikit nalang ulit ako sumakit ulit ulo ko eh hehe. Pero ngayon nakangiti ako hahaha! Muntanga lang eh.

Zzzzzzzzzz...

"Ara.. Ara uy. Gising ka na!" Naalimpungatan naman ako sa pagtapik ng isang to sa pisngi ko. Ay si Ye pala hehe.

"Eto may mushroom soup akong dala. Kain ka muna. Tas inom ka na ng gamot para gumaling ka na." Sabi niya. Hinihintay kong iabot niya sakin yung bowl pero hindi niya to ginawa. Susubuan niya ako? *O*

Hinipan muna niya yun at sinabing "Ahh na." Sinunod ko naman iyon at sinubo niya na yun sakin. Aangal pa ba ako kung mahal ko yung magsusubo sakin? Hihihihi!

"Abot tenga ata ngiti mo Victonara." Sabi niya at naghipan ulit.

"Wala lang hehehe."

Pagkatapos nun ay pinainom niya na ako ng gamot. Inayos naman niya yung unan sa likod ko. Mabiro nga ulit mehehehe.

"Ye may nakalimutan ka ata.."
"Ano naman?" Tanong niya

"Kissprin tsaka Yakapsule." Sabay nguso ko

"ANG CORNY MO! TSAKA ASA KA NAMAN BIBIGYAN KITA NOH! TSS." Sabay takip nita ng bibig ko. Ay grabe siya oh.

"Grabe di ako gagaling sige ka."

"Ewan ko sayo! Matulog ka na!" Sabi niya habang inaayos yung kumot na nasa ibabaw ko.

"Hmph! Oo na!" Sagot ko at pumikit na.. Medyo inaantok na rin kasi ako.

Zzzzzzzz..

M i k a

Sinigurado kong tulog mantika na siya ng halikan ko siya sa labi at yinakap siya.



Ayan na po ang kissprin at yakapsule, mahal ko.. Sana gumaling ka na.. I love you.

Let Me Love Ü.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon