Hiro's POV
Pahablot ko namang kinuha yun at nung mabuksan ko ang bag niya ay sinamaan ko siya ng tingin. As in masamang masama! Mas masama pa sa masamang masama.
Nakita ko sa loob ng bag niya ang isang jacket na katulad sa babae kahapon. Yun lang ang laman saka yung mga gamit niya.
Umabante ako sakanya.
"Sayo ba ito?" Madiing tanong ko habang hawak sa kaliwa ang bag niya at sa kanan naman ay yung jacket. Napatingin siya sa hawak kong jacket. Nanlaki naman ang mata niya. Napahawak siya sa jacket.
"This is not mine!" Madiing sigaw niya sakin.
"Ha! Sinong pinaglololoko mo? Nasa loob ng bag mo tapos hindi sayo?" Nakangising sambit ko.
"Ha! Hindi nga sakin toh! Sa tingin mo......kailan pa ako pumasok ng may dalang jacket or nakasuot ng jacket? Ha? Ano?" Natigilan ako sa sinagot niya. Tama siya. Kahit kailan hindi siya pumapasok ng may jacket or nakasuot ng jacket. Tumingin ako sa jacket. Ininspect ko iyon.
O.O
May nakita akong sign na isang eagle na pinapalibutan ng apoy. Isa lang ibig sabihin nito. Isang gangster ang may-ari nito o kaya ay may kamag-anak na gangster ang may-ari nito.
Tumingin ulit ako sa mga nakahilera na mga babae. May nakita akong nakangisi sa gilid ng mata ko kaya naman tumingin ako duon. Nakita ko ang isang babae na maikli ang buhok. Nung makita niya akong nakatitig sakanya ay binawi niya ang pagkakangisi sakanyang mukha at yumuko. Nasa pinakadulo siya ng hilera ng mga babae sa kaliwa. Lumapit ako sakanya.
"Saiyo ba ito?" Mahinahong tanong ko. Mahinahon lang kasi mukha siyang nerd. Alam niyo naman ang nerd.....mahihina.
"Saiyo ba ito?" Tanong ko ulit pero hindi niya ako sinagot instead inangat niya ang ulo niya at tumitig sa mga mata ko na parang nagpapaawa siya.
"Sagutin mo lang ito. Saiyo ba ito?" Madiing tanong ko.
"Hindi ako uubra diyan sa pagpapaawa mo." Pagkasabi ko nun ay biglang natigilan siya at yumuko. Nanlaki ang mata ko nung biglang maglabas siya ng kutsilyo. Inangat niya ang mukha niya at nakita ko ang ngisi sa kanyang mukha.
"Nagpaawa na ako hindi parin umubra sayo? Ganyan ba epekto ng pagpalo ko sa kapatid mo?" Nakangising tanong naman niya habang nilalaro sa kamay niya ang kutsilyo. Oo nga pala, kalat na sa buong school namin na nasa hospital si Yashika. Marami daw nakakita ng maraming dugo dun sa hagdanan.
Naramdaman ko namang lahat ng kaklase ko ay nagulat.
"Tama nga sila. Maraming namamatay sa MALING AKALA!" Inis na sigaw ko sakanya. Nagtaka naman siya.
"Huh? Anong connect?"
"Akala ko isa kang mahina,puro aral,nerd,binubully na tao....pero mali ako ng inakala." Iiling-iling na sambit ko.
"Pagbabayaran mo ang lahat ng toh Shiela!" Sigaw ko sakanya. Shiela Ford ang pangalan niya. Nagulat ako nung biglang isaksak ni Shiela ang kutsilyong hawak niya sa braso ko.
"Hiro!!!" Rinig kong sigaw ng TDB. Buti nalang mabilis kong naiiwas ang braso ko pero nadaplisan padin ito kaya medyo mahapdi.
"So, isa ka palang gangster ano?" Nakangising tanong ko. Napangisi naman din siya.
"Oo. Isa akong gangster at ako ang leader ng Bitch Gangsters." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ang Bitch Gangsters ay isa sa mga grupong nananakit ng tao in short gangsters. Puro babae ang kasali sa grupong ito at minsan ay nakakapatay sila. Kaya minsan ay nakukulong sila.
Nakita ko na isasaksak niya ang kutsilyo sa tiyan ko kaya naman hinawakan ko agad ang kamay niya kung saan hawak ang kutsilyo at pinulupot iyon hanggang sa mailagay ko ang kamay niya sa likod niya. Sinipa ko ang likod niya habang hawak-hawak padin ang kamay niya.
YOU ARE READING
The Seven Dwarfs And Me (On Going)
De TodoIsang babaeng dalawang beses nagka-amnesia,una noong bata siya, pangalawa 1st Year Highschool siya. Nang wala pa siyang amnesia, marami siyang nilihim sa kanyang pamilya. Itong sikretong ito ay mapanganib kapag nalaman mo. Itong sikreto na ito ay na...