Chapter 3

24 4 0
                                    

Prince's POV

Ang lakas ng pagkakasapak niya! Grabe!

Lumapit si Yash sa lalaki na parang hindi siya natalaban ng pagtuhod sakanya sa tiyan. Tinapakan niya ang likod ng lalaki.

"Ha! Nagbabalik na ba ang alaala mo?" Nakangising tanong niya pa. Nakadapa siya ngayon. Diniinan ni Yash ang pagkakatapak niya.

"Hindi....hindi pa bumabalik ang alaala ko pero kapag bumalik na lahat....magpaalam ka na sa pamilya mo hangga't maaga pa." Madiing sambit ni Yash. Nakita ko kung paano mapalitan ng kaba at takot yung pagkakangisi niya kanina. Sinipa ni Yash yung braso ng lalaki ng malakas kaya namilipit sa sakit yung lalaki.

Humarap sakin si Yash. At ngumisi?

"Ngayong nakita mo na ang 'ibang ako'... wag mo sasabihin sa iba toh kung ayaw mong malagutan ng hininga... naiintindihan mo??!!"

O.O

*GULP* *GULP* *GULP*

Napalunok ako ng sunod-sunod dahil sa sinabi niya. kinakabahang tumango-tango ako. Maya-maya pa ay nilampasan na ako ni Yashika pero ako ay nananatiling gulat na gulat.

Watdapak?? Sino yung Yashika nayun? Akala ko tahimik at mahina yun! May gantong personality pala yun? Waaahh!! Hindi ko alam pero kinakabahan ako sakanya!.

Napatingin ako sa lalaki ng masama nung bumalik ako sa reyalidad. Pagtapos nun ay tumakbo na ako palabas ng eskenita na yun. Hingal na hingal akong huminto sa pasukan ng eskenita at nakita ko dun si Yash na nakasandal sa pader at yung dalawang kamay niya nasa bulsa niya. Yung totoo? Babae o lalaki ito?

"tss. Wag mo kong titigan. Tara na." Sabi niya kaya naiiwas ko ang paningin ko sakanya at sumunod sa kanya.

Tahimik lang kaming naglalakad. Hanggang sa basagin na niya ang katahimikan.

"I trust you Prince." Napatingin ako sakanya nung sabihin niya yun. Nakatingin lang siya sa daan pero ako ay sakanya nakatingin.

"Wag na wag mong sasabihin sa iba ang sekreto ko. Kung hindi........ 'malaki ang mawawala sayo'" napatulala ako sa dinadaanan namin habang naglalakad.

"Dito na bahay mo. Ingat ka." seryosong sambit niya at naglakad papalayo. Tumingin ako sa bahay na katapat ko. Alam niya bahay ko? Napatingin ulit ako kay Yash.

"Y-Yash!" Alinlangang tawag ko sakanya. Huminto siya at tumingin sakin ng nakapoker face.

"I-ingat!" Sigaw ko ulit na kumaway pa. Tinaas niya lang ang kamay niya at tumalikod na at naglakad papalayo. I sighed.

Bagsak ang balikat na pumunta ako sa loob ng bahay. Pagkasara ko ng pintuan....

May nakita akong note sa likod ng pintuan.

O.O

NOTE:

Ngayong alam mo na ang isa sa mga katangian niya...ang masasabi ko lang sayo ay MAG-IINGAT ka.

-Z

What is the meaning of this? Alam kong si Yashika ang tinutukoy niya pero bakit kailangang mag-iingat ako sakanya??

"Prince.. is that you?" Narinig ko si mommy kaya napaharap ako sakanya.

"Hi mom!" Bati ko sakanya at kiniss sa pisngi niya. Hindi ko na siya muling kinausap kaya umakyat na ako sa kwarto ko at naligo.

-------------

Hiro's POV

Ilang beses ko nang tinawagan si Yash.. hindi parin niya sinasagot. Ilang beses ko nadin siya tinext hindi parin siya nagrereply.

The Seven Dwarfs And Me (On Going)Where stories live. Discover now